Chapter 2

5 0 0
                                    

Pag-ring ng last bell of the period, dumiretso na si eliza sa bahay at hindi na siya sumama kay marina na lumibot pa.

"Ate, may naghahanap daw sayo", sabi ng pinsan ni eliza.
"Sabihin mo, wala ako", dahilan ni eliza.
"Kuya, wala siya e", sabi ng pinsan ni eliza kay matt sa gate ng bahay nila.
Kinabukasan, hindi pumasok si matt sa school.
"Marina, nakita mo ba si kuya matt?", tanong ni eliza.
"Balita ko, hindi daw siya papasok", sabi ni marina.

Habang nagle-lesson, kanina pa napapansin ni eliza na laging tumitingin sa kanya si Genesis.

« characterization »
Genesis, one of the cutest guys in campus. Sikat na sikat yan kahit na tagah-ibang school kilala rin siya. Marami rin siyang facebook likes at instagram likes. Maraming girls ang nagkakagusto sa kanya. Except kay eliza.

Pagkatapos mag-discuss ng teacher nila, nilapitan ni genesis si eliza.
"Hi", sabi ni genesis.
"Hello?", sagot naman ni eliza.
"Friends?", sabi ni genesis.
"Hindi pa nga kita kilala e", sabi ni eliza.
"I'm genesis", sabi ni genesis.
"Baliw, ako pala si eliza", sabi ni eliza.
"Busy ka ba?", tanong ni genesis.
"Hindi naman", sabi ni eliza.
"Gusto mo lumabas mamaya?", tanong ni genesis.
"Sure, pero isasama ko bestfriend ko ha", sagot ni eliza.

Pumunta ng maaga si eliza sa park para kitain si genesis. Pero gulat ni eliza na nandun na si genesis kahit na sobrang aga para sa oras na pinag-usapan nila,
"Eliza, mukhang seryoso talaga sayo si genesis oh", banggit ni marina.
"Hindi pa nga nanliligaw, tapos seryoso na? Diba pwedeng maaga lang siya?", sabi ni eliza.
"Bahala ka, kapag niligawan kaniya sagutin mo agad siya ah. Crush ko yan pero sayo nalang", sabi ni marina.
"Osya", sabi naman ni eliza.

Nilapitan ni eliza si genesis,
"Hi, ang aga mo naman pala", sabi ni eliza.
"Syempre, baka kasi sabihin mo nagpapa-late ako", sabi ni genesis.
"Okay lang kahit hindi ka ganyan ka-aga", sabi ni eliza.
"Sa'n mo gusto pumunta?", tanong ni genesis.
"Kahit saan, ikaw bahala", sabi ni eliza.
"Sige, punta tayo sa favorite spot ko. Kapag ako lang mag-isa", sabi ni genesis.
Pinunta ni genesis si eliza sa puntod ng mama niya sa sementeryo.
"Bakit mo ako dito dinala?", sabi ni eliza.
"Ah, dito kasi naka-libing mama ko", sabi ni genesis.
"Sorry ha", sabi ni eliza.
"Okay lang", sabi ni genesis.
"Ma, siya po pala si eliza. Bago kong kaibigan", pakilala ni genesis sa mama niya.
"I'm sure, kung buhay pa ang mama mo. Magiging proud yun sayo", sabi ni eliza.
"Bakit naman?", tanong ni genesis.
"Kasi ang bait mo, kahit na hindi alam ng ibang tao. Ako, alam ko", sabi ni eliza.

Pagkatapos lumabas nila genesis at eliza, hinatid ni genesis sa bahay.
"Marina, na-fall na yata ako kay genesis", sabi ni eliza.
"Bakit mo naman nasabi yun?", tanong ni marina.
"Kasi kanina habang kasama ko siya, parang hindi ko naisip si matt. At feel ko na safe ako", sabi ni eliza.
"Iba ang "na-fall ka na" sa "na-fall na", sabi ni marina.
"Alam ko, pero naaawa ako kay genesis kasi wala na siyang mom at ang dad niya may ibang family na rin", sabi ni eliza.
"Baka naman, naaawa kalang kay genesis kasi wala siyang mom. Iba ang situation nila ni matt. Si matt, mahal mo kasi mahal mo talaga siya. Pero si genesis, mahal mo "yata" kasi naaawa ka", sabi ni marina.

Kinabukasan, pagpasok sa school nila eliza at marina.
"Eliza, may bad news", sabi ni marina.
"Huwag mo sirain ang morning ko ha", sabi ni eliza.
"Nilipat na raw ng training school si matt", sabi ni marina.
"Kailan pa?", tanong ni eliza.
"Kahapon na hindi siya pumasok, ayaw niya lang yata pasabi sayo", sabi ni marina.

Palabas ng campus si eliza kasama si marina nang biglang,
"Bawal na lumabas, nag ring na ang bell", sabi ng guard ng school.
"Mabilis lang naman, guard", rason ni eliza.
"Bawal na talaga e", sabi ng guard.
Tinanong ni eliza si marina, kung saan nilipat ng training school si matt,
"Sa Laguna", sabi ni marina.
"Ah", sabi ni eliza.

Pagdating sa bahay ni eliza, nakipag-skype siya sa mama niya.
"Ma, pwede po bang pumunta sa laguna?", tanong ni eliza sa mama niya.
"Pero kasama mo si marina", payag na pagkasabi ng mama ni eliza.

Unconditional Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon