Verona

0 0 0
                                    

Verona
(Storya tungkol kay Luna at Atlas)

  Sa Jericho na siyudad ng mga buwan nakatira ang mag-asawang sina Luna na diyosa ng buwan at si Atlas na diyos ng kalawakan. Hindi tunay na nagmamahalan ang mag-asawa. Nagpakasal lamang sila upang magkaroon ng matatag na pagkakampihan at upang mas mapalawak ang kanilang teritoryo.

  Laging nagkakaroon ng digmaan sa siyudad ng Jericho dahil sa pagtatangkang pananakop ng ibang mga diyos. Salamat sa katangian ni Atlas na pagiging malakas at sa tulong ng kanyang mga tauhan, walang nagtagumoay na sumakop dito. Subalit lubos na nababahala si Luna dahil inaabuso ng kaniyang asawa ang mga tauhan niya. Kaya naman umabot siya sa puntong pagpaplano kung pa paano niya papatayin si Atlas.

  Humingi ng tulong si Luna sa kanyang kababatang kaibigan na si Ster, diyos ng mga bitin. Nag-isip sila ng plano na hindi mahahalaga ni Atlas ang kanilang binabalak ngunit huli na ang lahat dahil agad rin umabot kay Atlas ang balitang pag-patay sa kanya. Labis na nadismaya siya sa kanyang asawa na si Luna ngunit hindi niya kayang magalit dahil totoong pag-ibig pala ang nararamdaman niya kay Luna kaya naisip niyang gayumahin nalang ang asawa.

  Kinabukasan, ipinaghanda ni Atlas ng makakain ang asawa at nilagyan niya ito ng gamot na Verona na gayumang nabili sa bayan. Subalit hindi pa nakakalahati ni Luna ang pagkain inihanda ng asawa agad itong nag-agaw buhay at hindi rin nagtagal binawian ng buhay. Lingid sa kaalaman ni Atlas na lason pala ito para sa mga may kaugnayan sa buwan at isa ito sa kahinaan ni Luna. Labis na nanibugho si Atlas sa pangyayari at ang kaniyang ugali ng mapang-abuso ay mas naging matindi dahil sa siyudad niya in ilalabas ang galit. Magmula noon hindi na nagkaron ng kapayapaan ang Jericho na siyudad ng mga buwan.

Verona Where stories live. Discover now