45. Wait

3.4K 153 17
                                    

45.
Wait

━━━━━━━

"Rio?"

Hindi ako umimik. Pinagmasdan ko lamang siyang awang ang bibig na ibinabalik ang tingin sa akin. Kung hindi pa siguro tumawa ang anak niya na kalong ko ay hindi siya matitinag.

He was still in his uniform. He looked tired but still shining brightly. Mas nakakasilaw siya ngayon dahil hawak niya ang anak namin. Na katulad niya, liwanag din ng buhay ko.

"Dito kami matutulog," I declared while he was claiming his daughter from me.

Binalik niya ang tingin sa akin. Nabawasan nang kaunti ang kanyang ngiti. "Ha?"

Hindi ko siya pinansin. Instead, my eyes went inside his condo. Grace, that girl was looking at us. When she realized my attention was on her, she awkwardly bowed her head a little and left.

So, narito nga talaga sila.

Hindi naman siguro sila dadalawa lang?

"Bakit? Ayaw mo?" I asked annoyed.

He stared at me for seconds before he snorted and grinned. Mas nainis ako dahil doon kaya inirapan ko siya.

"Pasok na," aniya saka mas nilawakan ang pagkakabukas ng kanyang pintuan.

Nang hindi agad ako tumalima, lumapit siya sa tabi ko saka ako inakbayan at inakay papasok. He was laughing and I couldn't figure out what was funny.

"Cute mo, Ma'am," anas niya habang nakangiting nagmamasid sa akin.

Mas lalo akong bumusangot. He chuckled again and brought me to his classmates who immediately greeted me. I gave them a small smile. Mabuti naman pala at hindi lang sila noong Grace.

"Takot sila sa'yo. Nakaka-intimidate ka raw," Iñovyz revealed when we were inside his room.

Napansin ko kasi na parang ilag sa akin ang mga kaklase niya. Although I had met most of them before, they didn't seem to be fond of my presence. Kaya kahit gusto ko pa sanang makipagkuwentuhan at magbigay din ng tips sa pag-aaral, hindi ko na lang tinuloy.

Kung bakit ba kasi ganito ang pagmumukha ko.

When I thought I was shy and all, kabaliktaran pala ang tingin nila sa akin.

Pagod na hinubad ko ang blazer at naupo sa kama. Sumunod si Iñovyz matapos ipatong si Luxury na abala ngayon sa teddy bear niya.

Habang nagiging abala ang mag-ama sa paglalaro, naging abala naman ako sa pag-iisip sa buhay naming tatlo.

Kung hindi nga kami ikasal ni Iñovyz, ano kaya ang meron sa hinaharap? Kung ikasal din kami, ano kaya ang magiging buhay namin?

"Eh, ikaw?"

Napatingin sa akin si Iñovyz. Umayos siya sa pagkakaupo habang hawak ang teddy bear ng anak niya. "What?"

"Hindi ka ba nai-intimidate sa'kin?"

He hissed. "Sanay na 'ko sa'yo."

"With our age, Iñovyz." I paused and tried to melt him with my stare. "And differences."

Harder to Live (Villaraza Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon