Prologue

15 1 0
                                    

"Guia!" Mahinhing sigaw ni Lia

"Ano ba?!" Naiinis na sabi ko, kanina pa kasi siya nangugulo sa pagtulog ko, e! Ang ganda-ganda na ng panaginip ko! Kasama ko si Harry Styles. Tumingin ako sa orasan namin malapit sa bintana. Bakasyon naman na namin ah? Bakit ang aga-aga nanaman niya akong tinatawag?

"Tawag ka ng kaibigan mo, sabi niya kaibigan mo daw siya, e. Kanina pa siya nandito." Aniya. Sino nanaman kaya 'yun? Hay nako, kahit kelan talaga hindi matahi-tahimik bakasyon ko, pati pagtulog ko! 'yun na 'yun, e! Malapit na kami mag kiss e! Kainis naman oh! Kumuha ako ng tubig at uminom habang binubuksan 'yung bintana,  nabigla ako kaya tumulo 'yung tubig sa ilong ko. Nakita ko kasi si Mark, 'yung ex ko dati.  Kaibigan?! Since when?! Ba't 'di ako nainform? Kahit kelan talaga! What a wonderful day to die! Nakita kong nagulat si Lia sa paglabas ko ng kwarto, sinipa ko kasi pabukas. Hindi na ako nag ayos, agad-agad akong bumaba para harapin kaagad siya. 

"Anong ginagawa mo dito?" Sigaw ko kaagad kaya nagulat siya at dali-daling tumayo ng maayos. Ang lakas-lakas naman ng loob niya para pumunta pa dito sa bahay namin. Sobrang kapal ng mukha e!

"I went here here for you, aren't you happy?" Sabi niya habang kinakabahan pa. What a jerk. hindi ko na siya gusto! Manlolokong mukhang  nana. Ewan ko ba kung bakit ako nagkagusto sa Nanang 'to e. He's so toxic! Literally Toxic! kapag binabalikan ko talaga 'yung mga ginawa ko dati na pag papapansin sa kanya ay hiyang-hiya ako sa sarili ko at yes! pinagsisisihan ko lahat ng 'yun!

"Manlolokong nana,"Mahinahon at derederetso kong sabi. Hindi ko na talaga mapigitan sarili ko sa inis. Bakit ba kasi nandito pa siya? Bakit ba kasi hindi niya matanggap na hindi ko na siya gusto? Lahat ng ayaw ko ay nasa kaniya. Bakit ba hindi niya maintindihan na I hate him? Ewan ko ba talaga kung ano 'yung nakita ko sakaniya noon e.

"What did you said? Manlolokong nana?" Nagugulat na sabi niya. Bingi ba siya? O sadyang makitid lang talaga ang utak niya? 

"Ang sabi ko ay manlolokong nana ka!" Natatawang sabi ko sakaniya. Haha! nakita kong nainis siya sa sinabi ko pero pinigilan niya. Ang cute niyang tignan kapag naiinis, , mukhang puwet.

"Hindi ako manloloko at mas lalong hindi ako nana." Sabi niya. walang utak na kagaya niya lang ang maniniwala sakaniya. 

"Kwento mo sa utak mong makitid." sarkastikong sabi ko. Haha! 

"Hindi naman porket nag I love you ako kay Alyssa at hinalikan ko siya ay manloloko na ang tawag at tsaka sobrang tagal na non. Bakit ayaw mo mag move on? No offense ah, pero masyado kang affected alam mo ba 'yun?" Pabobong sabi niya.  Ang talino niya sobra 'no? haha!

"Ayoko sa 'yo, ewan ko kung bakit ba nagustuhan kita, sana makahanap ng ng babae na ganiyan mag isip katulad ng sa 'yo. You're so toxic at sana ay alam mo. Sino nag sabi sa 'yo na hindi pa ako nakakamove on? Kahit hindi mo naman ako lokohin ay bebreakan pa din kita kasi toxic ka! Toxic nalang din siguro ang mag kakagusto sa isang katulad mo. No offense din ah? Pero mag aral ka muna siguro para marami ka pang matututunan." Walang hinto kong sabi bago ko siya talikuran ngunit napahinto ako ng nag salita siya. 

" Wala ka ng makikita na kagaya ko, tatandaan mo 'yun!" sabi niya. Sino bang tinakot niya? Ang lakas ng loob niyang bitawan ang mga salitang 'yun saakin ah? Sino ba siya? Hindi siya kawalan 'no!  

"Mabuti nga kung ganon! Hahaha!" malakas at tumatawang sabi ko. Pumasok na ako sa loob at nakita ko si Lia na kumakain na. Kami lang dalawa ang nasa bahay ngayun dahil umalis sila Mommy, sa susunod na linggo pa ang balik. 

"Gusto mong sumama saakin mamaya, Lia?" Nag salita ako habang kumukuha ng plato. Matagal na kasing hindi nakakalabas si Lia e. Hindi kasi siya sumasama sa lakad namin kaya naiiwan siya mag isa. Mas matanda ako kay Lia ng isang buwan, siya ang pinaka close ko na pinsan at bukod pa doon ay magkaibigan din kami. Minsan lang siya lumalabas ng bahay at hindi siya sumasama kapag may lakad ang family. 

In TimeWhere stories live. Discover now