CHAPTER THREE💙

462 34 5
                                    

ZEIDEN'S POV

Nakarating na ako sa bahay.

"Nasaan si Ate?" tanong ko kay yaya.

"Nandun po sa Swimming pool"

"Ano namang ginagawa dun?" takang tanong ko.

"Hindi ko po alam sir e" sagot ng yaya tumango lang ako.

"Kumain na ba kayo?" tanong ko.

"Tapos na po sir"

"Okay sige magpahinga na kayo"

"Salamat po sir" aniya saka umalis.

Dumertso ako sa Swimming pool Area para tingnan ang ate kong baluga.

Pagkapasok ko pa lang dun ay makita ko ang ate kong mukhang tangang nasayaw habang tinitingnan ang picture na hawak niya.

Sino yon?

Nagtaka ako tiningnan ang picture na yun.

Si Cedrick!

Tss! Patay na patay e!

Dahan dahan akong humakbang papalapit sa kanya. Nang makalapit na ako sa likuran niya ay tiningkayad ko ang paa ko.

"Sino yan?" tanong ko.

"Ay!" usal niya nang maihagis niya ang litrato tapos tumilapon papunta sa Swimming pool.

Nagulat ako nang mabasa ito.

Pakshet!

Inis na tumingin sa akin si Phoebe. "Anong ginawa mo?" inis na tanong niya dahilan para mapaiwas ako sa lakas ng boses niya.

Oa talaga!

Bigyan pa kita ng sandamakmak na litrato ni Cedrick e.

"Nakakainis ka naman Zeiden e, nakakabwisit ka talaga!" sigaw niya sa akin.

"Sorry, hindi ko alam na ganyan yung mangyayare e"

"Hindi mo alam?! Nakakainis ka talaga!" umiiyak na sabi niya.

OA!!!!!

"Sorry na,Wag ka nang umiyak"

"Ayan na nga lang yung picture niya na meron ako e tapos nabasa pa"

"Sorry na---Wag ka nang umiyak sige bibigyan na lang kita ng mga picture ni Cedrick meron ako sa kwarto"

Napatigil siya sa pagiyak saka tumingin sa akin. "T-talaga?"

Tumawa ako. "Oo naman"

Kunot-noo niya naman ako pinagmasdan. "Weh?" umiwas ako ng tingin. "Nagsisinungaling ka lang".

"Meron nga ako"

"Bakit meron ka?"

"Siguro may gusto ka kay Cedrick noh.. Yay bading!"

"A-Anong Bading?... Sira ba ulo mo?!"

Tumawa siya. "Hindi"

Bobo talaga!

"Sige sige manghihingi ako kay Cedrick na mga pictures niy--"

"Wag!"

Nagulat ako. "Bakit?" takang tanong ko sa kanya.

"Ayoko,ayokong malaman niya na may gusto ako sa kanya." nakatungong sabi niya.

"Wala naman magsasabi sa kanya na may gusto ka sa kanya e"

"Ayoko pa rin Zeiden please!...A-Ayoko pa rin"

Ngumisi ako. "Sige sige" sabi saka ako tumalikod sa kanya.

WITH A SMILE: Season 1 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon