Saudade

37 0 0
                                    

Maingay at punong puno ng mga tao ang paligid. Naghihiyawan at nagsasayawan sa saliw ng makamundong musika at naglalarong mga ilaw. Habang ako nandito sa bar counter, tahimik na nagwawalwal. Gusto ko lang mahina mapag-isa, nakakatawa nga dahil kung maka-inom ako mula pa kanina aakalain mong ang taas ng alcohol tolerance ko. Feeling strong, pero weak naman haaays.

"Lalisa, ano? Okay ka pa dyan?!" Sita sa akin ng kaibigan ko mula sa likuran. Hindi ko na siya nilingon instead I signed her that I'm still okay at suka-free pa naman siguro akong makakabalik ng hotel room namin. Nandito kasi kami sa isang beach sa Negros dahil sa birthday celebration ng isa pa naming kaibigan na simula ng makarating kami dito sa island bar at nagkaroon na ng kanya kanyang businesses ay hindi ko na nakita. Anyway, hindi naman ako dapat sasama pa dito kung hindi lang ako nahihiya sa celebrant. Isa pa, naisip ko din na okay rin 'to to loosen up a bit. Suffocated na ako sa issues ko sa Manila, kaya okay na 'tong huminga na muna ako.

Bago ako umalis ng bar, umorder pa ako ng isang bote ng tequilla, hindi na rin ako nagpaalam sa mga kaibigan ko kasi mukhang nageenjoy talaga sila sa pakikiparty with all the crowd. Ayaw kong maging KJ sa saya nila dahil lang sa gusto kong mag-emo. Naglalakad-lakad na muna ako sa may shore bago dumeretso ng hotel room. Ninanamnam yung buong night view dahil tatlong araw lang naman kami dito pero malamang mabilis lang 'yong lilipas ng 'di namamalayan. Maya maya may babaeng lumapit sa akin hindi ko alam kung anong sadya niya o nananadya lang siya na lapitan ako pero kung ano mang dahilan niya nagtagumpay siya na makuha ang attention ko.

"Isa ka doon sa mga new friends ni Jisoo di'ba? By the way I'm Jennie, kaibigan niya rin ako." Inabot niya sa akin yung kamay niya para makipaghand shake.

"Ah oo, Lalisa pangalan ko. So bakit ka nandito?" Natawa nalang ako ng konti dahil narealized ko na ang informal pala ng pagkakasabi ko.

"I mean bakit hindi ka nagpaparty doon kasama nila?" Ayan ang mas maayos na tanong pero nginitian niya lang ako bago sumagot at napansin kong ibinaba niya yung kamay niya na inoffer niya for a hand shake kanina.

"E ikaw? Ba't ka nandito? Magi-emo ka?"

"Hindi ah, hindi ko gagawin 'yon" I lied and after I said that kinuha niya ang kaha ng yosi at lighter sa bulsa niya.

"E bakit ka naglalasing? Kanina pa kita napapansin doon. Anti-social ka ba?"

"E bakit ka nagyoyosi? Sa tingin mo ba cool 'yan? Saka bakit ba sinasagot mo ng tanong din yung tanong ko?"

"Bakit naasar ka ba? Hindi ko inaachive maging cool 'no." Humithit siya sa yosi at ibinuga ang usok nito sa kawalan, tumingin siya sa akin na para bang ine-evaluate ang magiging impression niya sa akin at ngumiti.

"So bakit ka nga magi-emo dito?" She smiled at me like I was already defeated on our argument.

It's not really my thing na magkwento sa taong hindi ko naman kilala pero ito ako at umupo pa talaga sa buhangin para makipagkwentuhan because I just thought that I might need this kind of conversation with a stranger, besides she's not a total stranger to me, nagpakilala naman siya sa akin kanina at kung ano man ang makwento ko sa kanya ngayon, mananatili na lang naman ding kwento 'yon. It's not like itsi-tsismis niya pa ako pagbalik ng Manila dahil mukha namang hindi siya magaaksaya ng panahon para gawin 'yon. Umupo siya sa buhangin pero kaibahan naming dalawa mas malapit siya doon sa naabot ng tubig kapag umaalon ito papunta sa amin. Nag-umpisa akong ipakilala yung sarili ko, mga basic infos kung baga. Hanggang sa 'di ko na napansing nakwento ko na yung totoong dahilan ng pagsama ko dito.

Saudade ~ A JENLISA ONE-SHOT (COMPLETED)Where stories live. Discover now