Chapter 28🔫

5K 98 7
                                    

Muli kong itinaktak sa plato ang spaghetting kanina ko pa hinahalo. Pinaglalaruan ko na lamang ito dahil wala akong gana.Hindi pa ako naghahapunan pero hindi ko maatim ang kumain ngayon.

"Lia!"Nailapag ko ang tinidor sa gilid bago tignan ang taong nagsalita sa harap."Kanina pa ako nagsasalita." Nakatingin lang sa akin si Damian habang nakahinto sa pagkain.Dinala kasi ako nito sa isang restaurant para makipag-date.Ito na ang magsisilbing dinner ko bago pumasok sa ospital.

"A-ano ulit iyon?"Matamlay kong sabi.Wala talaga ako sa mood ngayong gabi.Simula pa noong sinundo ako ni Damian sa bahay ni Calvin ay natuliro na ako.Mataas nga ang energy niya ngayon at maraming kwento pero hindi ko siya masabayan.

"Kinakamusta kita kung ano nangyari kanina..."Nakangiti niyang sabi at itinuloy pagkain.Ano bang sasabihin ko?Lahat ba ng nangyari o wag na lang?

"Ok naman Damian..."Tipid kong sabi saka uminom ng tubig.Nanunuyot na kasi ang lalamunan ko.Napansin ko ang paniningkit ng mata nito sa akin. Alam niyang may kakaiba pero hindi ito nagsasalita at kumain na lang.

Humalukipkip ako at pumatong sa lamesa.Sumagi na naman ang isip ko ang natuklasan ko kanina.Masyado pang sariwa ang pangyayaring ito kung kaya't paulit-ulit ko itong naaalala.Hindi pa rin ako makapaniwala na papa ni Damian ang sindikatong matagal niya nang hinahanap.Dapat ko bang sabihin sa kaniya ang nalalaman ko?May bahid na ang pagsasama nilang mag-ama. Paniguradong mas magkakamitsa lang ito kapag nagkabukingan na.

On the other hand,napaisip din ako. Kung si Tito Fabian ang mastermind ng ephitanol drug syndicate, posible kayang may kinalaman din si Calvin sa negosyo ng papa niya?Hindi malabong mangyari iyon pero knowing Calvin he wouldn't do that. Mabait siyang tao at alam kong hindi niya magagawa ang mga ganoong klaseng bagay.

"Mukhang malalim ang iniisip mo. Hanggang ngayon ay hindi mo pa rin nagagalaw ang pagkain mo." Sambit nito matapos ayusin ang kubyertos sa taas ng plato.Tapos na pala ito kumain samantalang ako ay hindi pa nakapag-uumpisa."Pwede mo akong sabihan ng kahit ano Lia..."Iniabot nito ang kamay ko at marahang hinaplos iyon. Binigyan niya ako ng malawak na ngiti na nagbigay sa akin ng comfort.

"Hanggang saan ba nasusukat ang prinsipyo ng isang pulis?"Hindi ko alam kung bakit pero ang mga katagang yan ang kusang lumabas sa mga bibig ko.Pansin ko ang pagkagulat niya sa tanong ko pero nanatili ang postura nito.

"Anong ibig mong sabihin?" Magkasalungat ang kilay nitong tanong.Napatingin tuloy ako sa ibaba ko dahil sa kaba at hiya.Hindi ko alam kung papaano ko maipaparating sa kaniya ang gusto kong sabihin.

"Kapag nagkasala ang isang malapit sa iyo tulad ng kaibigan o kapamilya. Magagawa mo ba sila panagutin?" Pinilit kong kalmahin ang sarili ko sa pagtatanong.Hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko at natutuwa ako roon.Nakakabawas din kasi ito ng kaba kahit papaano.

"Of course!Ang batas ay batas Lia. Walang exceptions yan kahit na malapit pa sa akin yung tao. Responsibilidad naming mga pulis na unahin ang bayan at isaalang-alang ang sarili namin.Alam nila kung ano ang tama at mali at choice nila kung ano ang pipiliin nila.Ngayon kung mas pinili nila ang sumuway ay wala na kaming magagawa pa roon."Puno ng paninindigan nitong tugon.Medyo nakampante ako sa sagot na ibinigay niya sa akin.Nakaramdam ako ng ginhawa nang malamang prinsipyo niya pa rin ang paiiralin niya kung sakali."Yan ba ang kanina pa tumatakbo sa isip mo?Ang random naman!"Tumawa siya saka sumandal sa upuan at nag-unat.Mukhang pagod ito sa maghapong trabaho.

"Uhmm Damian?Papaalam sana ako na pumunta ulit bukas sa bahay ni Calvin para magbantay...kung ok lang naman sa'yo"Kahit na nabigay ko na yung salita ko kay Damian syempre kung hindi papayag si Damian ay hindi ko gagawin.Tinitigan ako nito at tila nag-iisip.

"Fine!May tiwala naman ako sa iyo. Huwag ka masyadong magpakapagod ha."Lumapit siya sa akin at hinimas ang ulo ko.All of a sudden ay bigla na lang nag-lighten yung mood ko.It's good to know that he trusts me. Talagang ito ang magiging pundasyon ng pagsasama naming dalawa.

Under The Cop's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon