-CHAPTER ONE-
They said having a possessive boyfriend is one of the best feeling. Pag may possessive ka raw na boyfriend kikiligin ka lalo na sa mga librong binabasa natin.
Sabi nila pag possessive daw ang isang tao ay mahal ka daw niyan lalo na sa ating mga mahilig magbasa ng libro, pag yung lalaki possessive sa babae pakiramdam natin tayo yung babae na yun kaya tayo kinikilig.
Pero para sakin hindi nakakakilig ang pagiging possessive ng kuya ko-yes ng kuya ko hindi jowa kasi hindi naman mahigpit ang boyfriend ko.
Ang kuya ko na aking iniidolo, ang kuya ko na aking hinahanggan ng sobra at pinapangarap na sana ganitong ugali ang magiging jowa ko. Sino ba naman ang tatanggi pag complete package na diba?
Lahat tayo pinapangarap na sana yung magiging boyfriend o girlfriend natin mala fictional character, yung tipong nakatakas ka sa reyalidad at napunta sa mundong puno ng kababalaghan.
I have a kuya. His name is Cedric, he's kind of kuya na protective, maalaga and he treated me like her princess. Hindi niya hahayaang may manakit sa'kin o kahit dapuan ako ng kamay at kung sino man ang taong nanakit sa'kin ay makakatikim ng bagsik niya even my parents.
Papunta ako ngayon sa restaurant kung saan sinabi ng boyfriend ko kung saan kami magde-date. After one hour hindi pa rin siya dumadating kaya tinawagan ko na siya pero hindi siya sumasagot
After how many rings he picked up pero hindi niya ito boses!
"Hello? Sino to bakit ka tumatawag sa boyfriend ko-
"V-Vebian?"
"Oh hey there sissy, how are you? Yes, it's me Vebian. Di ka ata sinipot ng boyfriend ko ah" boyfriend niya?
"V-Vebian please ibigay mo to kay Wardo ayukong paghinalaan kayo ng masama kaibigan kita-
"Sorry but I didn't treat you as a friend. I just used you. Nakikita kita bilang karibal ko kaya ngayong nakuha ko na si Wardo wala ka ng kwenta sakin" She said then hang up
Para akong kinapos ng hininga pagkatapos kong marinig ang mga katagang hindi ko inaasahang maririnig ko. Tangna nila! Mga baboy!
Umuwi ako ng luhaan at pagbukas ko ng pintuan si kuya agad ang bumungad sakin.
"What happened babysis? Sinong nanakit sayo?" He said worrying.
"W-wala to kuya ok lang naman ak-
"No! You're not, anong ok lang? Tell me who is it I'm your brother come on"
Hindi ko na kinaya kaya umiyak nalang ako ng umiyak at sumobsob sa dibdib niya. Sinabi ko na din sakanya ang nangyari sakin pero di ko nakita ang expression niya.
One time habang nag-aaral ako sa kwarto ko ay binuksan ko ang tv para sana manood ng tv shows pero iba ang napanood ko
Breaking News:
"Isang babae at lalaki patay matapos malooban ang condo unit na tinutuluyan at pinagsasaksak ng ilang ulit. Ang babae ay mayroong labing-isang saksak habang ang lalaki naman na siyang kasintahan nito ay may kinseng saksak subalit ang ipinagtataka ng mga awtoridad ay wala na ang mga puso neto kaya hinahanap na ng mabuti ang killer na siyang pumatay sa mga biktin. Ngunit ang killer ay hindi pa nahuhuli. Sabi ng mga awtoridad ay magaling ang killer sa mga pasikot-pasikot magandang gabi."Bigla akong nanlamig sa aking nakita sa telebisyon at agad na nanghina ang aking mga tuhod. B-bakit ganun? Kilala ko ang dalawang sinaksak yun ay sila Vebian at Wardo hindi ako pwedeng magkamali!
Ang brutal ng killer at kinuhanan pa talaga sila ng puso! Walang puso ang pumatay sakanila. Sa sobrang takot ko ay agad akong napasigaw kaya dali-daling pumunta si kuya sa aking silid
"Hey babysis, are you okay? Why are you shouting?" He said while looking at me intently.
"K-kuya bakit ganun? Oo galit ako sakanila pero di nila deserve ang mamatay!" I said while crying. Tinignan naman ni kuya ang tv at tumingin sa'kin na parang balewala lang ang nangyari
"Dapat lang sakanila yun babysis, they hurt you. Dapat lang sakanila mawala na" He said. That made me shiver because of his voice.
One time ginabi na ako ng uwi dahil nga madaming gawain pag college na kaya pinagalitan ako ni papa. Sinampal niya ako at pinalo kaya naman galit na galit si kuya dahilan para mag away sila ni papa
Nandito lang ako sa kwarto ko at iyak ng iyak wala akong ibang magawa kundi umiyak dahil hanggang dito rinig na rinig ko parin ang sagutan nilang dalawa. Mga ilang oras lang ang lumipas bumukas ang aking pintuan at nakita ko si kuya na papalapit sa akin
"Kuya, bakit mo naman sinagot-sagot si papa? It's my fault kasi late na akong nakauwi." I said while crying.
"But Sarrena? It's not a valid reason para saktan ka niya! Para pagbuhatan ka niya ng kamay, hindi ko hahayaan na masaktan ka niya ulit. Mahal na mahal kita babysis" He said.
"Thank you Kuya, I love you too!" I said and hug him tight.
"I love you more babysis. Now stop crying, come here pinagluto kita ng adobo! Favorite food mo, eat na." He said while smiling.
Bukod sa napaka protective niya, he's also a great chef. Lagi niya akong pinagluluto ng favorite ko
"Kuya ang sarap, ang galing niyo talagang magluto! Siguro pag natikman to ni papa mawawala ang galit niya." I said in a playful tone
He smirked. "Nope, di na siya makakakain."
"Bakit kuya?"
"Iyang adobo na kinakain mo? Si papa yan, I killed him and cook his flesh for you... I cooked him to make a revenge because he hurt you."
Halos masuka ako ng marinig ko ang mga salitang iyun mula sa kuya ko, besides of being protective brother and a great chef, he's also a psychopath.
YOU ARE READING
Possessive Psychopath(ONE-SHOT)
ContoA lot of people said, when a person is possessive you're lucky to have them, but for Sarenna, the kind of possessiveness that she encountered is not like any other. Loved, hurt, was defended but even if it's a different kind if she feels a different...