Tila sasabog ang dibdib ni Bianca sa tindi ng pagkabog ng kanyang puso. Hindi man naririnig ng sanlibutan ang malakas na pagtibok nito, bakas naman sa kanyang mukha ang labis na kaba.
Naglakad paakyat ng entablado si Bianca. Sandaling na bingi sya sa ginawang ingay ng static ng mikroponong nasa kanyang harapan ng isa-ayos niya ito. Subalit tila mas nakakabingi ang katahimikang bumabalot sa apat na sulok ng silid na puno ng mga taong nag-aantabay sa kanyang pagsasalaysay. Pumikit sya at huminga ng malalalim sa nais na makalma ang kanyang samo't saring damdamin.
Napahawak ng mahigpit ang dalaga sa gilid ng podium nang biglang manlambot ang kanyang mga tuhod dahil sa dami ng mga taong nakikita niya sa silid sa kanyang pagdilat. Nakatayo na ang iba dahil sa wala nang maupuan at halos mag-uumapaw na. Mas lalo lang nadagdagan ang kanyang kaba kung kaya’t siya ay natulala.Hay naku, Bianca. Puna sa kanya ng kanyang consensya. Ewan ko sa iyo. Parang hindi ka pa sanay, eh, ilang beses mo na itong nagawa. Ilang nobela na ba ang nagawa mo na ganito rin… sangkatutak din ang taong dumalo? Ngayon ka pa ba talaga dinadaga?
Eh iba to ngayun eh. Sagot niya sa sarili. Sobrang naninibago ako. Lalo na't nandito ang kanyang pamilya’t mga kaibigan. Pano kung magkamali ako? Pano kung hindi nila magustuhan? Yiieeee! Ano ba naman itong pinasok ko?
Ngayon mo pa talaga tinanong ang sarili mo niyan? Hindi mo man lang ba inisip yun dati? Nung akala ng lahat, eh, baliw ka? Andito ka na, pwes harapin mo. Sumbat sa kanya ng kanyang isipan.
Bumalik lamang sa kanyang sarili ang dalaga ng may tumapik sa kanyang balikat. Nilingon niya ito’t nakitang ang organizer pala ito. Bakas sa mukha ng babae ang pag-aalala sa kanya.
“Miss Bautista, ok pa ho ba kayong tumuloy? Tila hindi po kayo maayos ngayun. Mawalang galang na po, pero, napakaputla ho ninyo,” pag-aalala nito.
“Opo, okay lang ho ako. Bigyan nyo lang po ako ng ilang minuto at magsisimula na ako.”
“O-okay po, Miss Bautista,” nag-aalangang sagot ng organizer at umalis na.
Huminga ng malalim ang dalaga at tinitigan ang mga papel na kanyang hawak-hawak. Kasama dito ang isang larawang tila nagpatigil sa kanyang mundo sapagkat sya ay agad nakaramdam ng katahimikan sa kanyang damdamin. At ang ngiting nakita nya sa wangis na nasa litrato ang nagbigay lakas sa dalaga.
Lumingon si Bianca sa organizer at humudyat na handa na siyang magsalaysay. Tumingin ulit si Bianca sa mga tao at binigay ang kanyang pinaka matamis na ngiti—ORAS NA PARA SIMULAN ANG KWENTO.
YOU ARE READING
Halik ng Multo (Full Story)
RandomEto na po ang full story ng one shot kong halik ng multo. Sa librong ito mas madaming ganap. Mas madaming lihim ang mabubunyag: Kilalanin natin si Bianca. Isang manunulat at marangya ang buhay. Lumaki siyang isang ulila. Iniwan ng ama, namatayan ng...