Chapter 1

6 1 0
                                    

Napakurap si Bianca sa kanyang pananaginip ng gising nang marinig niya ang malakas na pagtunog ng mga school bells sa buong eskwelahan. Hudyat ito na kailangan nang magsipag-uwian ang lahat. Hays, wala na naman siyang narinig at natutunan sa huli niyang klase dahil sa sipag ng utak niyang gumala sa ibang dimensyon. Hindi man lang nya natapos ang pagsusulat ng kanilang aralin. Mapapahiram na naman siya ng notebook sa kanyang mga kaklase.

“Bashi, sabay ka na samin. Gala kami ngayon. Alam mo na, kasiyahan lang.” Aya sa kanya ng kanyang kaklase.

“Ay naku, West. Kahit pa mapaluhod ka sa harap ko kakaaya saking sumabay sa kalokohan mo, hindi mo ko mapapasagot  ng ‘OO’. Ayokong madamay sa mga katarantaduhan nyo. You can keep your every-night parties, cause I don't need it.” Pantataray niya.

“Ang KJ. Kaya wala kang dating eh. Kasi hindi ka marunong sumabay. Anyways, chiao. LOSER.”

Binelatan pa nito ang dalaga bago umalis. Hindi ni Bianca masisisi ang kanyang mga kaklase kung ayaw nilang makipagkaibigan sa kanya. Iba ang nais nyang gawin sa kanyang buhay. Di tulad ng iba na gimik dito, gimik diyan sa bawat araw at gabi.

Nabigla na lamang si Bianca ng makita niyang nasa sahig na si Westria at nagpupumiglas. Ang kanyang dalawang kamay ay nakahawak at pilit na inaalis ang kamay na nakasabunot sa kanyang buhok. Hindi nya napigilang mapahalakhak ng makita ang nakangiwing mukha ni West habang nagsusumamong makaalis sa kamay ni Aster.

Si Aster lang ang naging kaibigan ni Bianca simula pa noong high school sila. Siya ang nagtatanggol dito sa tuwing inaaway sya't kinukutya ng iba nilang mga kaklase. Lagi siya nitong tinutulungan. Napakalaki ng utang na loob ni Bianca sa kaibigan, lalo na noong minsan nang nalagay sa panganib ang buhay ni Bianca noon dahil sa mga nambubully sa kanya at sinagip siya nito.

“Alam mo kasi, West, hindi ka kasi marunong makinig. Simula high school binalaan na kita. Antigaaaas talaga ng ulo nyo. Parang may pinapahiwatig ka eh,” sabi ni Aster. Nandidilat ang kanyang mga mata na parang gusto niyang kainin si West.

“Ah alam ko na. Hinihingi mo siguro ang kamatayan mo. GUSTO MO BANG IUNTOG KO SA PADER YANG ULO MONG SIN TIGAS NG BATO AT ILUBLUB YANG MUKHA MONG PUNO NG KOLORETENG 5 INCHES ANG KAPAL SA UMUUSOK NA ASIDO?!” Pagbabanta ng dalaga.

Mahirap galitin si Aster. Kahit pa limang metro ang layo mo sa kanya ay tatagos pa rin hanggang kaluluwa mo ang tingin niya sayo. Ganyan ka tindi ang kanyang galit. Sikat si Aster sa kanilang paaralan. Siya lang naman si Tycoon Queen or Queen Ace; ang pinakabatang business tycoon at may pinakamalawak na ari-arian sa buong mundo. Pero wala siyang pakialam sa kanyang kasikatan o kayamanan. Lalong-lalo na sa tuwing naaagrabyado siya. Lalo na kapag siya at kung sinumang mang mahalaga sa  kanay ang nakasalalay. It's like a warning aura radiating out of her and the people she values most.

Alam ng lahat kung sino-sino ang mga ito. Lalong lalo na si Westria. Ngunit tila ba may kung anong pagkamuhi si Westria sa kay Bianca na kahit anong pagbabala sa kanya ay hindi niya kayang sundin. Sa tuwing nakikita niya ang kanyang pinakamumuhian, kumukulo ang kanyang dugo at gusto niya itong pahirapan. Ngunit ngayon, puno na ang salot ni Aster and this time it was clear for West to realize that she messed up.

“LET GO OF ME, YOU WITCH! Bianca, help me! Wag ka ngang tumayo diyan. Stop her!” Natatarantang hiyaw niya.

Nanlaki ang mga mata ni Bianca sa takot nang dahil sa mga sinabi ni West. Kitang-kita niya ang pagdilim nga mga mata ng kaibigan. Kakawala na ang dragon. Wrong choice of word, West. Tanging nasabi niya sa sarili. Napalundag ang kanyang kaluluwa nang biglang tumaas ang boses ng kaibigan.

“HOW DARE YOU CALL ME WITCH?! Talagang gusto mo nang mamatay no?! Hindi mo man lang tinignan ang pag-uugali mo para tawagin akong witch? How ironic.”

Nagliliyab na tinitigan ni Aster si West. Kung totoo lang na may kapangyarihan ang isang tao, walang dudang apoy ang kapangyarihan ni Aster at si West ay posibleng nagiging abo na bandang ngayon. Taas-baba siyang tinignan ni Aster na puno ng pagkamuhi at galit. Tinulak niya ito kungkaya't nasubsob si West sa sahig, cutting her lower lip. Akmang lalapit sana si Aster para sampalin siya nang pigilan siya ng kaibigan. West took it as a chance to get away and ran as fast as she could.

"YOU'LL PAY FOR THIS!" Galit na sumpa ni West. Dadating rin ang panahon, makakapaghiganti siya.

" Sino tinatakot mo?! Tumakbo ka, DUWAG!" Gigil na sambit ni Aster.

Pero hindi na pumalag pa si Aster. Sa kagustuhang hindi na madamay ang kaibigan at masaktan ito ay hinayaan na lamang niya si West at tumalikod. 

Gabi na  nang makauwi si Bianca. Buong takimsilim silang dalawa ni Aster nanatili sa tabing dagat. Alam ni Bianca na doon ang puntahan ni Aster sa tuwing nagagalit ito. Kaya rin naging matalik na magkaibigan sila ni Aster. Ito rin kasi ang puntahan niya sa tuwing siya ay nalulungkot dahil sa pambubully sa kanya. Kung tutuosin, sa tabing dagat unang nagkakilala ang magkaibigan. Nakita kasi nito si Bianca noong imiiyak na tumatakbo palabas ng school. Alam niyang nabully na naman ito kung kaya't sinundan niya ito para damayan. Katulad ni Bianca wala ring kaibigan si Aster dahil sa masyado itong masiga at takot ang lahat sa kanya. Kung kaya't sa tuwing ito'y lalapit sa mga kaklase o ibang mga estudyante ay nagsisipag alisan ang mga ito.

*Flashback*

“Ikaw si Bianca, diba?” nataranta si Bianca sa biglang pagbulalas ng tinig na iyon.

Nais niya sanang tumakbo ngunit nawalan siya ng balanse sa bigla niyang pagtayo. Natapilok siya't natumba ng patihaya. Buti na lang at sinalo siya ng taong nasa kanyang likuran. Laking gulat niya nang makita si Aster, ang pinakakinatatakutan ng lahat. Agad na tumayo si Bianca upang harapin ng maayos ang reyna ng eskwelahan.

“S-so-sorry po. Hi-hin-hin-hindi ko po sina-sa-sa-sa-sadya, Qu-queen Ace. Nawalan l-l-l-lang po ak-k-ko ng balanse kaya n-na-na-natumba ho ako sa inyo,”

Laking gulat ni Bianca nang biglang humalakhak si Aster ng napakalakas.

“HAHAHAHAHAHA! Ano ka ba? Akala mo ba sasaktan kita? Baliw! Kuting nga hindi ko masaktan, ikaw pa?

“Ta-Talaga ba? Y-yun kasi ang bali-balita dito eh.”

Ay mga tao nga naman oh. Hindi marunong kumilala muna bago manghusga.”

Halata ni Bianca ang lungkot sa mukha ni Aster ng mga sandaling iyon kung kaya't nanahimik na lamang ito. Pareho pala silang walang mga kaibigan. Ang isa ay kinatatakutan at sya'y inaapi.

Halika na dito't sabayan mo kong magtampisaw dun sa dagat. ”

“Pero may pasok pa tayo.”

“Hayaan mo na muna ang klase. Halika na!”

Nagtampisaw sa dagat ang dalawa at naghabulan sa dalampasigan at sa paglubog nang araw, hawak-kamay nilang ipinangako sa isa't isa na magiging matalik na kaibigan sila habang buhay.

*End of flashback*

Ilang sandali pa’y binalot ng antok si Bianca at unti unting sumara ang kanyang mga mata. At sa kanyang pagtulog ay isang panaginip ang sumalubong sa kanya.

Halik ng Multo (Full Story)Where stories live. Discover now