Ch 1

23 2 0
                                    

Inayos ko na ang tali na nakapako sa kisame. tumalikod na ako para kunin ang upuan sa may study table ko..

Kung ito na lang ang paraan para matapos na tong pag iisip at nararamadaman ko edi gagawin ko na to ngayon na...

Ipinuwesto ko na ang upuan sa tapat ng isinabit ko na tali at tumungtong na ako sa upuan.

Ibinuka at isinuot ka na ang tali sa ulo ko papunta sa leeg ko at hinigpitan...

Eto na, Eto na ang katapusan ko...

Bago pa ako tuluyang mag pa patid sa upuan na tinutungtungan ko dinobol check ko muna kung naka ayos ba sa study table ko ang suicide note ko...

Satisfied, eto na.

Alam kong malaking kasalanan to pero wala na akong pake....

Goodbye Philippines and Goodbye world.

BLLAAAGGG..!!!

Malakas na pag bagsak sa pinto ang narinig ko dahilan para matisod sa kinatatayuan kong upuan at naputol ang tali...

"BABAENG TO, sa tingin mo ba mamatay ka sa sinulid ?!"

Si Dominique, ang roomate kong
pilosopo, malidta, crush ng lahat at bestfriend ko.

Lumingon ako sa direksyon niya sa may pintuan at naka pamewang ang isang kamay habang ang isang kamay ay may hawak na plastic na nag lalaman nang dalawang cup ng ice coffee at nakataas ang isang kilay .

Nag lakad siya papunta sa higaan niya sinundan ko lang siya ng tingin habang hinihimas ang tagiliran ko sa pag bagsak ko sa upuan napa ngiwi na lang ako sa sakit ng mahawakan ko ito.

Siguradong mag papasa ito..

Hay naku ya'e na...

" Tignan mo tong babaeng to mag bibigti nalang, sinulid pa gamit" Pabulong na sabi niya pero naring ko naman ... nu kaya yun..

Inilapag niya sa lamesa sa tabi ng higaan niya ang bitbit niya at may kinuha sa ibabaw ng unan niya..

Itinaas niya kamay niya na may hawak ng isang hibla nang buhok.

" Oh, mag bibigti kapa? eto oh gamitin mo. mas matibay pa to kesa sa sinulid na gamit mo" At initsa niya sa direksyon ko ang hibla nang buhok pero nahulog lang ito sa harap niya...

Luh anu kaya yun...

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya nag lakad na lang ako papunta sa gilid nang kama niya at kinuha ang isang cup.

"Hoy hindi sayo yan.." At hinampas niya ang kamay ko kaya napaatras ang kamay ko  "eto ang sayo." Inabot niya sakin ang isang baso at straw.

"S-salamat " Sabi na naka tungo lang sa baso.

"Hoy Leng, gagawa ka na lang nang katarantaduhan, dito pa sa dorm "

" Bakit pala ang bilis mo makabalik ? " Pag iiba ko nang topic.

"Eh sa walang pila sa coffee shop eh" Sabi niya at sinaksak niya ang straw sa nakatakip na plastic sa baso niya "Teka nga, mabalik tayo. "

Akala ko lusot na ako. hmmp sayang. " Anu ba problema mo ? Ilang araw ka nang ganyan ah..." At sumipsip na siya sa inumin niya.

Ginaya ko siya at agad din sumipsip. "Eecckk" halos maduwal ako sa pait. " Anu ba yan Doms, sabi ko dagdagan ng asukal o pulut-pukyutan manlang " May hyperacidity kasi ako eh pero kery pa naman..

The Inoccent One - Squad Series # 1 (ON-GOING)Where stories live. Discover now