Chapter 3

8 2 0
                                    

REIGAN’s POV


Pag-uwi ko sa bahay sinalubong ako ni mom.

“Oh you’re here” mom said and kissed me on my cheeks

Napaupo ako sa sofa dala ng pagod, sinundan pala ako ni mom. Pinikit ko ang mata ko at sumandal

“Ugh that girl” daing ko sa sobrang pagkainis sa babaeng yun

“Sinong babae? Teka baket madumi yang uniform mo Reig?” mom asked kaya napadilat ako ng mata.

“Tsk transferee may gawa neto mom, that girl!” reklamo ko at tumayo na

“Babae? Babae may gawa sayo nyan?” sabi ni mom at parang natatawa pa, napabusangot ako.

“Yeah” tipid na sagot ko at tumalikod na sakanya saka umakyat sa kwarto ko.

Pagpasok ko ng kwarto nilapag ko yung mga gamit ko sa sofa at agad na pumunta sa cr para maligo, tsk. Hanggang ngayon amoy na amoy ko yung pagkain na natapon sakin dahil dun sa katangahan nung babae nayun!







Kinabukasan


I woke up early para maagang makapasok. Nang gigigil akong makaganti dun sa babae nayun.


Nagpunta nako sa cr at naligo. Habang dinadama ang agos ng tubig na dumadaloy sa katawan ko biglang pumasok sa isip ko yung itsura nung babae nayun. That bored look, cold eyes, yung angas niya. Tss hindi man lang siya nasindak sa pagbulyaw ko sakanya kahapon. Kwin.  Now Im curious with her,  she's kinda mysterious. Kwin lang ang binanggit niyang pangalan kahapon, I wonder kung anong apelido niya.


Aysh erase erase! Bat ko ba iniisip yun? Iisipin ko nalang kung pano ako makakabawi sakanya. I smirked with the thought.


Tinapos ko na ang pagligo at sinuot na ang uniform ko saka bumaba at nagtungo sa dining para makapag almusal. Naabutan ko si mom at dad na kumakain na.


“Morning mom, dad” sabi ko saka niyakap si dad at kiniss si mom sa cheeks.

“Kumain kana Reig” sabi naman ni dad kaya naupo nako sa tapat ni mom

“Ano tong sinabi ng mommy mo saken may nakabangga ka daw na babae kahapon?” dad asked while smirking

“Dad please, so early” sabi ko naman at napabusangot


Natawa naman sila mom and dad sa naging reaksyon ko, mga mukang nangaasar pa.
Mabilis lang akong kumain at nagpaalam naring papasok sa school.


“Take care son” mom shout, tinaas ko lang ang kamay ko habang nagpatuloy sa paglalakad patungong kotse ko.


Lumabas nakong village at tinahak ang daan patungong school.


Umilaw ang red light sa traffic lights kaya tumigil muna ako sa pagmamaneho.

Habang naghihintay, napatingin ako sa gawing kaliwa ko, huminto doon ang isang motor.


Tsk, ang angas. Ducatti


Ang angas ng motor niya. Tinignan ko yung driver, base sa hubog ng katawan babae siya, kaso diko Makita ang muka, tinted kase yung helmet niya, nakaleather jacket na kulay black at nakapalda.



Wait


Nakapalda?! Ay pota! Nakapalda nga! To make it worst, ang iksi ng palda niya! Teka, palda to ng mga babae sa school namen ah? School uniform ng babae sa Hemmilton yung suot niyang palda!


Good Girls Gone BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon