"Marie," Napatigil ako sa pag susuklay sa harap ng salamin, tumingin ako sa pinangalingan ng boses na tumawag saakin. Pamilyar kasi ito, pero hindi ko maalala kung saan ko ito narinig. "Long time no see" sabi ng isang babae habang may ngisi sa duguan niyang muka. "Matagal-tagal na nung minurder mo ako ah" sabi pa niya bago lumabas mula sa closet ko ng nakayuko. Nanginig ako nang makita na nasa dibdib parin niya ang kutsilyo na ginamit ko. Napunta sakanya ang atensyon ko. "Kamusta ka na?" Tanong niya saakin na ikinataas ng balahibo ko.
"P-paano?" Nanginginig na tanong ko kahit hindi naman bukas ang aircon o electric fan sa kwarto ko.Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harap ko nanaman siya ngayon.
Unti-unti niyang ini-angat ang ulo niya na nagpakita ng muka niyang duguan. Gulo gulo ang mahabang buhok niya at kitang kita rin ang pagka-putla ng balat niya. Parehas pa rin ng damit niya noong nangyari yun ang damit na suot niya ngayon. Nginitian niya ako, pagtapos ng ilang taon ay nakita ko nanaman ang ngiti niyang iyon. "Buti ka pa, nakikita ng iba. Nakakalakad ng maayos, at may mga inaalagaan pang kapamilya" Dugtong niya pa. Kitang kita ko ang hiwa sa noo niya na gawa ng paghampas ko sakanya noon. Unti-unting tumulo yung dugo galing sa sugat niya na iyon. Hindi ko narin alam ang gagawin ko. Gusto kong magsalita, pero hindi ko magawa. Gusto kong mag tanong pero hindi ko parin magawa.
Nagulat ako nang bigla siyang tumawa, nanindig yung balahibo ko "Nakakatawa lang ano? Pinatay mo ang best friend mo dahil sa inggit, sa selos. Pinatay mo ako. Ako na itinuring kang kapatid, itinuring kang kakambal"
Gusto kong humingi ng tawad, pero imbis na humingi ako ng taawad iba ng nasabi ko "Inagaw mo sila saakin. Ang nanay at tatay ko, lagi nila akong ikinukumpara saiyo noon. Ikaw ang laging perpekto, ang mabait, ang matalino sa mata nila. Habang ako, ang anak nila, bobo, tanga, masama. Lagi nalang ikaw!" Sigaw ko, paluha na rin ang mata ko "Pero ngayon, wala nang tatawag saakin ng ganun. Alam mo kung bakit?" Tinignan niya lang ako "Dahil wala na rin sila, pinatay ko na rin sila" Tapos tumawa ako ng matagumpay.
Tinignan ko ang mga mata niyang noon ay puno nang saya na ngayo'y itim nalang dahil sa dugo na naka block sa Iris niya. "Mamamatay ka din" nakangising bigkas niya habang unti-untingn papalapit sa direksyon ko. Hindi ako makagalaw. Tila napako yung paa ko sa kinatatayuan ko.
"Hindi mo ako mapapatay, dahil kung nagawa kitang patayin noon, kaya kong ulit ulitin pa 'iyon" Nakangising sabi ko, tila nawala ang takot na nararamdaman. "Papatayin ulit kita kahit hindi ka sumugod, papatayin ulit kita kahit patay ka na. Dahil hanggang ngayon... Hanggang ngayong patay ka na, may inaagaw ka pa rin saakin. Inagaw mo si Marlon!" Sigaw ko.
"Hindi ko siya inagaw, dahil simula pa lang ay hindi na siya sa'yo" Nakangiting sumbat niya.
"Mang a-agaw ka kahit kailan!" Sigaw ko "Buti nalang pati ang buhay ng magulang mo ay inagaw ko na. HAhaha!"
Hindi ko inaasahan na ngumiti siya "oo nga e, gumaganti ka na, Okay na rin yun, nakasama ko na sila". Pagkasabi niya nun ay muling bumukas ang pintuan ng closet ko. Nanglaki ang mata ko nang makita ko ang nanay at tatay ni Hime. May mga dugo ang damit na suot at saksak sa buong katawan.
'Takbo!' sabi ng isip ko, pero hindi ko magawa.
Tinignan ko lang siya at ang mga magulang niya. Nagtayuan ulit ang mga balahibo ko at mas nilalamig na ako ngayon kaysa kanina. Kasabay nito ay ang pagtulo ng pawis ko na nagmula sa noo ko. 'Bakit ko ba kasi ginawa iyon?' galit at naguguluhang na tanong ko sa sarili ko. Tumawa siya nang makita niya ang bigat ng paghinga ko, tila parang nasisiyahan pa siya sa expresyon na nakikita niya na galing saakin.
Nanlaki ang mata ko nang sumeryoso ang muka niya. Ang nakakalokong ngiti niya ay napalitan ng nakakatakot na ekspresyon. Unti-unti niyang hinihila ang kutsilyo na nakadiin sa dibdib niya habang humahakbang parin papalapit saakin.
'TAKBO, MARIE, TAKBO!!' Sigaw ng isip ko.
Nanlaki nalang ang mata ko nang bigla siyang tumawa at tumakbo papunta sa direksyon ko at saka sabihing : "Sisiguraduhin ko na ako ang papatay sa'yo, Best friend"
BINABASA MO ANG
Hundred-word Stories
RomanceThis book contains series of compilation. Each story/ Chapter does not connect with each other and is only 100-999 words long. There are english and tagalog short stories inside. Enjoy! :) ~imargeination