Panyo

74 2 0
                                    

"Tsk, umiiyak ka nanaman" sabi ni Rence habang kumukuha ng panyo sa bulsa niya. at ibinigay sa akin.

"325" lagi na lang siya nagsasabi ng number pag ibibigay niya sakin yung mga panyo niya. Minsan nga feeling ko kung ilang beses niya siyang nagbilang ay ang ilang beses niya na akong inabutan ng panyo. Last week binigyan niya ako ng panyo na ninumber niyang 324. ang weird niya noh? Kaya nga best friend ko siya eh. naaawa nga ako sakanya kasi pupuntahan ko lang siya pag may problema ako. lagi niya na lang ako nakikitang umiiyak. tapos papatawanin niya ako. buti nga natiis niya ako ng ilang months, mag wa-one year na kaming magkakilala, one year na rin akong umiiyak sa harap niya at one year niya narin akong binibilangan at binibigyan ng panyo.

"Ano ba yang 325 na yan? Dati 324 ngayon naman 325! Adik ka ba?" Bumalik siya sa pagkakasandal sa puno at binaliwala yung sinabi ko.

Adik sayo.

Nagbubulong nanaman tong mokong na toh!

"Hoy nagbubulong ka nanaman! Ang bitter mo ah! Palibhasa kasi wala kang GF!" Tinignan niya naman ako tapos tinanggal yung earphones niya na nakapasok sa tenga niya kanina.

"May crush kaya ako" WTF?! May crush ang bestfriend ko at di ko alam yon?! Mamaya na nga yung problema ko yung bestfriend ko muna ang iintrigahin ko!

"Hoy! Bat di ko alam yan?! May crush ka pala di mo sinasabi sa 'kin! Sino yang crush na sinasabi mo?! At bakit di ko siya kilala?!" Sunod sunod kong tanong sa kanya. tinawanan niya naman ako. muka ba akong clown?! Nagpout tuloy ako, tapos tumingin siya sa ibang direksyon! Nakakainis na ah! Lagi na lang pag nag papout ako titingin siya sa ibang direksyon! Ganon ba ako kapangit?!

"Hoy! Pwede mo naman sabihin sa 'kin na pangit ako di yung iniiwasan mo muka ko!" Tapos sabay hampas sa kanya.

"Tss. ilang taon ka na nga ba ulit?" Hala! Fourth strike na toh ah! Bestfriend niya di niya alam age?! Ibang klasi siya ah! I feel so important!

"Ouch ah! Best friend mo ko Rence! BEST FRIEND. Di mo alam age ko?! 17 Rence! 17! Ganyan ka na ba ka busy sa crush mo at nakalimutan mo na ako?!" Pag-eemote ko. inirapan niya naman ako.

"Para ka kasing 10 eh! Ang childish mo best. Nakakahawa na nga eh" pagdadahilan niya

"Ah ganon! So childish na ko ngayon?!" Tumayo ako! Ako pa ang childish ah!

*BAM*

Aray ko ahuhu... magiisang taon na na nauuntog parin ako sa punong toh. pagtatawanan nanaman ako ni Rence nyan. Yan na nga tumatawa na.

"Dahan dahan kasi, nauntog ka tuloy" sabi niya habang tumatawa.

"Nauntog na nga pinagtatawanan pa!" Sabi ko habang pinagsisipa yung paa niya ng mahina. tawa parin siya ng tawa. Parang ewan, ngayon nakatingin sa 'kin ng seryoso! tapos bumulong nanaman siya! Ugh! Ibang klase talaga bestfriend ko!

Nauntog na't lahat lahat... di parin nagigising.

Di ko na lang pinansin yung sinabi niya. patayo na sana siya kaso naapakan niya paa ko napasigaw naman ako ng 'aray' kaso natulak ko siya. imbes na siya lang mahuhulog sinama niya pa ako! Bwiset! Kung di ko toh best friend!

Right now, nakapatong ako sa kanya. Gusto kong matawa kasi namumula siya. ngayon ko lang napansin; ang gwapo niya, kung di ko toh bestfriend malamang nagkagusto na ako sa kanya.

"Namumula ka" sabi ko tapos sabay tawa ng malakas. Inirapan naman ako ni Rence. Hahahaha! Para siyang bakla!! Tumayo na ako.

"Rence tapatin mo nga ako..." Hala yung itsura niya hahaha! Kinakabahan! Kala mo may nalaman akong katotohanan! Hahaha so priceless!

Panyo (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon