Chapter 16

391 16 6
                                    

Little Things (Louis Tomlinson)
© Hardheadeddouche

Continuation..

Hindi na ko komportable sa kinauupuan ko. Of course, sino bang magiging komportable kung nandito malapit sa tabi mo ang ex ng manliligaw mo na ngayon ay nasa stage at kumakanta?

"I love you Lou!" Walang pakungdangang sigaw ni El. Lumunok ako para pigilan ang nararamdaman kong pagkainis.

You're not the girlfriend yet Patty. Calm down.

I shouldn't be here.

In the first place hindi na dapat ako sumama pa dito.

Tinapik ni Jessica ang kamay ko at binigyan ako ng encouraging smile. Ngumiti ako pabalik sakanya at itinuon nalang kay Louis ang tingin ko. He's not comfortable. Kita naman sa mukha nya pag madadaanan nya ng tingin si El.

"Ang gwapo mo!" Sigaw nya.

Natapos ang tatlong set ng kanta nila. Bumaba ang mga lalaki mula sa stage at dumeretso sa lamesang kinauupuan namin.

Liam, Harry and Niall came to me first. Nakipagkwentuhan at nangamusta kung maganda ang pagkakanta nila. Of course I nod. Kung wala lang siguro si El sa paligid ay baka magiliw pa kong makikipagbiruan sakanila. But I can't move without being so tense. She's around, that's why.

"Anong ginagawa mo dito?" Inis na boses ang narinig ko. Naramdaman ko ang paghawak nya sa bewang ko pero hindi pa rin ako humarap at tinignan ang mukha nya. I'm fucking tense not with the situation we are now but because of his touch.

"Why Lou? Bawal?" Nanunuyang tanong ni El. I can feel her staring at me but I don't want to move. I don't want to see her desperate attitute mapansin lang ng ex nya.

"Masama bang manood? Besides masama bang nandito ako lalo na't alam kong hindi mo pala talaga girlfriend ang secretary mo?"

Huminga ako ng malalim at magpapaalam sanang mag cr pero nainis ako sa narinig ko kaya hindi ako nakagalaw. Nagpapantig ang tenga ko.

"So yeah, that poor secretary of yours can stop pretending now. Kung binabayaran mo sya para magpanggap at inisin ako then maybe pwede kong taasan ang presyo para maghanap na sya ng ibang trabaho."

"El stop it!" Sigaw ni Liam. Nagkibit balikat si El at umiling iling habang nakangisi.

"Pwede Louis umalis na kayo dito ni Patty?" Pakiusap ni Harry na ngayon ko lang nakitang nagalit sa tanang pagkakakilala ko sakanya.

"Bakit aalis? Guilty? Ano Louis ilalayo mo dahil ikinahihiya mo?" Pinunasan ko ang pisngi ko na nabasa ng luha dahil sa sakit na sinabi nya, humarap ako sakanya ng may nakakapanglokong ngiti sa labi.

"El shut up!" Niall's about to dragged her away pero pinigilan ko sya.

"Why so bitter Eleanor? Iniinsulto mo ko porket mahirap ako? Why? Naiinggit ka?" Ngumisi ako at napansin ko ang panglilisik ng mga mata nya. Aamba syang lalapit sa akin pero hindi sya hinayaan ni Niall. Louis squezed my hand. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin non pero kung pinipigilan man nya ko ay hindi na ko magpapapigil ngayon.

"Oo. Aaminin ko.." Tinitigan ko sya mula ulo hanggang paa.

"Maganda ka. Hindi hamak, wala nga akong binatbat eh. Matangkad ka, sopistikada at elegante. Pero alam mo? Kahit meron ako ng lahat ng meron ka kung papakawalan ko naman ang lalaking mahal ko at magpapakadesperada ako ng ganyan pagkatapos nyang mainlove sa bago, hindi nalang." Umiling iling pa ko.

"Pat." Awat ni Louis.

"Bitch!" Sigaw ni El. Pansin ko ang dami ng tao sa paligid namin pero ang babaeng nasa harapan ko ang unang nambastos kaya gaganti ako.

Little Things (Louis Tomlinson)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon