Chapter 17

426 19 5
                                    

Little Things (Louis Tomlinson)
© Hardheadeddouche

A/N: MASAMANG MANGLAIT. KUNG MAY WRONG GRAMMAR, TYPOS & ETC. SORRY PO DI PO AKO PERF. ANYWAYS. FEW CHAPTERS LEFT. LESS THAN 5 NALANG. HUHUHU MAMIMISS KO SI LOUIS. :(

Continuation..

Simula ng sagutin ko si Louis ay naging mas masaya kami. He never fail to surprise me. He never fail to makes me happy.

Hindi ko pinagsisihan na pinaglaban ko sya sa isang taong hindi naman pala dapat kalabanin.

Oo, malayo ang estado ng buhay namin sa isa't isa. Oo, sobrang gwapo nya. Pero hindi ko naramdaman yon. Hindi ko naramdaman na mahirap ako kasama sya. Hindi ko naramdaman na mayaman sya dahil minsan ay sinasakyan nya ang pagiging simpleng jologs ko. Hindi ko naramdaman na sobrang gwapo nya dahil pinaparamdaman nya sakin na sobrang ganda ko.

Naalala ko pa ng isang beses ko syang yayain sa isang park.

"Dito tayo kakain." Ngisi ko. Napangiwi sya sa nakitang fishball-an pero ngumiti pa din sya.

"Masarap yan promise." Pag aassure ko.

Nag umpisa akong magtusok tusok ng fishball, kikiam, at kwek kwek at inilagay sa isang plastic cup. Nilagyan ko ito ng sauce at iniabot sakanya pagkatapos. Naglagay rin ako ng sakin at hinila na sya papunta sa bakanteng bench ilang hakbang mula sa cart ng mga binili namin.

"Eat." Utos ko. Sinubo ko ang dalawang kwek kwek ng sabay at prenteng ngumuya.

Nginitian nya ko at kumuha ng kikiam at dahan dahan itong inilagay sa bibig nya, pati ang pagnguya nya ay slowmo din. Pero ng mapansin kong gumaganda na ang itsura nya habang kumakain ay nangiti ako sa sarili na parang baliw.

"Oh di ba masarap?" I wiggle my brows and eat everything on my cup.

"Bili pa tayo?" Yaya nya na ikinatawa ko.

Ngayon ay tatlong buwan na kami bilang mag girlfriend at boyfriend. Legal na rin kami sa amin dahil pinakilala ko na sya kay Nanay at sa mga taga sa amin ilang linggo palang ang nakakalipas simula ng sagutin ko sya.

Narinig nya kung gaano kaingay ang Nanay, nakakahiya pero hindi sya nagreklamo dahil magiliw naman sakanya ang Nanay kahit ang ingay pa niyo. Hindi rin sya nagreklamo sa inupuang hindi kagandahang sofa at sa bahay na sobrang pangit at luma. I swear to god na kahit pa mayaman sya ay napaka down to earth pa rin nya.

"Si Nanay?" Tanong nya ng pumasok sa loob ng bahay namin ng hindi ko alam.

"Hala bakit ka pumunta dito?!" Sigaw ko. Imbes na sumagot ay humalik lang sya sa pisngi ko at binigyan ako ng tatlong piraso ng rosas.

"Naalala ko yung mga trip nila Harry. They said na kagagawan mo daw yon." Tanong ko ng wala na kaming mapag usapan. Paligid ligid lang kasi ang mata nya sa bintana na kita ang buong compound.

"Ah, ayun ba. Nakakahiya yon." Tawa nya. Hinapit nya ang bewang ko at hinalikan ang pisngi ko. Mabuti nalang at wala ang Nanay nasa palengke. Masyadong PDA itong si dracula.

"Nagpasada ako ng jeep non pero isang beses lang. Mostly kasi kung hindi bus sa taxi ako." medyo nahihiya na sabi nya. Tinignan ko sya ng may gulat na ekspresyon.

"Seriously?"

Tinawanan nya ko na kinangisi ko.

"Yep. Medyo mahirap magmukhang mahirap that time kaya kailangan ko pang maglagay ng alikabok sa mukha para hindi halatang may ari ako ng mga malls." His smile is contagious. Para bang ang saya saya nyang alalahanin ang lahat ng nangyari those old times.

Little Things (Louis Tomlinson)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon