Page 2

63 6 0
                                    

ZAYNE

Katulad nang napag-usapan namin Carylle kagabi, maaga akong nagising ngayon para naman makahabol siya sa flag ceremony nila. Hinihintay ko siya ngayon na mag-ayos, habang ako ay nandito na sa labas. Ako kasi ang taga-hatid-sundo nito sa eskwela. 

"Kuya, tara na." Humarap ako kay Carylle. Sinara na niya ang gate at lumapit sa akin. Isinuot ko na ang helmet sa ulo niya. Sumakay na ako sa motor at pinaandar ito. Umangkas na rin siya sa akin. 

Nang dumating kami sa may tapat ng gate, parehas kaming nakahinga ng maluwag nang makaabot ito sa flag ceremony nila ngayon. Tinanggal ko ang helmet ko at nagpahalik sa pisngi ko.

"Maaga ka, Kuya, mamaya, ha? Ipagluluto kita ng paborito mo."

"Hindi alam ni kuya kung makakauwi siya ng maaga mamaya eh." Napakamot akong batok ko. Balak ko kasi siyang ayain mamaya sa may bundok para magpahangin pagkatapos ng klase.

"Pupuntahan mo ba siya ulit do'n, Kuya?"

"Oo eh. Alam mo naman ang kuya mo, mahal na mahal ang babaeng 'yon." Napatawa ako sa kakornihan ko. Nasa harap pa ako ng kapatid ko.

"Gano'n ba? Sige, puntahan mo muna siya do'n, pero dapat ay maaga ka pa ring makakauwi. Lalamig nailuto ko eh."

"Opo." 

Hinalikan ulit ako nito bago pumasok sa loob. Huminto ito nang makalagpas na sa may gate at humarap sa akin. Kinawayan ko siya pero inirapan niya lang ako. Awtsss, gege.

Sinuot ko na ang helmet ko at nagmamadaling pinaandar ang motor papunta sa school na pinapasukan ko. Naglalakad ako papuntang classrom nang makita ko ang likuran niya. Patakbong lumapit ako sa may p'westo niya at doon ko siya ginulat.

"Boo!"

"Ay!" gulat na sigaw nito. Nabitawan pa nito ang notebook na hawak niya kanina. Nag-r-review yata.

Tinulungan ko siyang pulutin iyon at inabot sa kaniya. Nakabusangot na kinuha niya ito sa akin at tinalikuran ako. Ilang beses ko siyang tinawag pero dire-diretso lang ang lakad niya.

"Sorry na." Hindi niya pa rin pinansin ang ka-g'wapuhan ko. 

"Libre kita mamayang lunch."

Napahinto siya sa pagalakad at hinarap ako. Hindi ko mapigilang hindi matawa nang makita ko siyang ngumiti. 

"Uy, totoo nga? Libre mo 'ko?" 

"Pfft– hahaha. Ikaw itong mas mayaman sa ating dalawa, ikaw pa 'tong magpapalibre. Asa ka." 

"Gano'n? Edi wow." Tumalikod na ulit ito at naglakad. S'yempre, parang K-drama lang, hinabol ko siya. Pinigilan ko siya gamit ang kamay ko na nakahawak ngayon sa braso niya. Humarap naman siya sa akin pero hindi sa akin nakatingin.

Sinubukan kong makipagtitigan sa mata niya pero iniiwas niya lang ito.

"Mamaya. Doon ulit. Libre ko." My heart starting to beat again as if it was on a race when our eyes met. It's really unfair when I'm the only one who's affected right now. It's just her gaze, but damn, it makes my tummies feels the butterflies.

At Exactly 11:39 am [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon