Chapter 1
I was 2nd year college when I met him, nanuod ako ng basketball game ng crush ko at nasa kalabang university naman siya. Busy ako sa pag cheer at panunuod sa crush ko na hindi ko naman talaga siya nakita. After the game, mag c-CR muna ako and dahil busy sa paghahalungkat ng bag ko kung saan ko nailagay ang tissue ko may naka bangga ako. Ay sorry talaga di ako tumitingin sa dinadaanan sabi ko pa. Yumuko ako para pulutin yung ballpen kong nahulog mula sa bag at Nakita ko ang gray at pulang jersey shorts niya, alam ko agad na taga kabilang tean iyon. Its ok, diba ikaw yung nagchecheer kanina para sa kabilang team? Sabay tawa ng very light lang naman. Sino ba naman ang hindi makakapansin sakin eh ako ata pinaka maingay dun, yung kahit wala pa namang ganap nag cheer na ko. Ah oo ako nga at tumawa din ako ng very light sabay hawi ng ilang takas na buhok pabalik sa likod ng tenga, congrats pala ha, panalo kayo. I mean syempre gusto ko sana manalo kami pero wala eh haha congrats ulit sagot ko naman sabay lakad na papasok sa girls CR na katabi lang ng shower room ng gym na yun.
Pagkatapos ko na umihi eh tinignan ko ang sarili sa salamin, parang may mali. Suot ang maong kung pants at ang aking kulay maroon na university shirt, kitang kita din ang medyo pamumula ng aking mukha hala ka, oo at gwapo siya pero hindi sapat na rason yun para mamula ka ng ganyan, anuba saway ko pa sa sarili at tuluyan nang naghugas ng kamay at naglagay uli ng kaunting pulbo sa mukha. Habang palabas ay inaala ko pa ang mga bagay tungkol sa kaniya medyo may kahabaan ang buhok, maputi, amoy axe chocolate, may butas sa kanang tenga mga 5' 11" ang tangkad. Santos jersey number 12 yun ang mga bagay na naaalala ko tungkol sa kaniya. Maliit lang naman ang syudad naming kaya malaki ang tyansa na magkita kaming muli. Hindi naman sa ni-lolook forward ko yun, sinasabi ko lang naman.
Pagkauwing pagkauwi ko sa dorm ay kinuha ko agad and cellphone ko at mabilis na nag search "santos 12 basketball xx university", gamit lang ganiyang keyword ay nahanap ko ang kaniyang facebook kahit sobrang daming santos sa pilipinas, Instagram at twitter na finollow ko agad kasi cute naman talaga siya, well more of gwapo na hot kesa cute, at yun lang, tinitignan ko lang ang post niya tapos minsa nililike ko kasi pangit naman pag lahat ng post masyado naman halata na type ko siya, medyo type. Mga one-week din bago niya ko f-in-ollow back sa Instagram, dun lang naman kasi siya active at by active I mean like mga once a week na post pero mga 3 times a week na story. Minsan feeling ko ako yung creepy stalker pero wala naman akong plano maliban sa makakuha ng daily dose ko ng picture niya. Mga dalawang taon din ang lumipas simula nung makilala ko siya, paminsan minsan ay nagkikita kami, sa club, sa mall, sa basketball games pero kahit anong gusto ko na makausap siya ay di ko magawa; nakuntento na ko sa mga tango at ngiti na ginagawad naming sa isa't-isa tuwing magkakasalubong, minsan ngiti din, pag good mood ako medj may kasama pang kaway (once lang naman yung after niya e like yung isang picture ko kasama yung aso ng kaklase ko) Feeling ko ano na kami, uhm... acquaintance parang ganun. Wala naman kaming alam sa isa't-isa maliban sa pareho kaming nag eexist sa mundong to.
Sa taong yun ay ang is 75th anniversary naman ng organization na sinasalihan ko sa school. Matapos ang dinner kasama ang ilang myembro ng org ay napagpasyahan ng secretary naming na si Fiona na mag aya para sa "after party" at kinuntsaba pa ang aming treasurer at auditor na magrelease kahit ng konting budget para daw sa drinks. Matapos ang medyo mahabang diskusyon kung gagawin ba yun o hindi eh nagpasya na ang aming president na si Philip na 2000 lang talaga ang pwede naming gastusin na sinang ayunan naman na naming at mag aambag ambag nalang para sa iba pa lalo na at 400 lang naman ang isang tower (pre-pandemic. Legit guys, visit Iloilo). Habang nagpaparty na nga kami sa Zone – isang medyo sikat na inuman sa amin - natanaw ko ang isang lalaki, naka puting t-shirt, itim na shorts, itim na cap, may suot ding itim na bodybag at may manipis na gold chain necklace pa at mas manipis na gold chain dangling earrings sa kanang tainga sis ano pa hinihintay mo, kausapin mo na, pwede ka naming umarte na lasing pag di nag work sabi pa ng isip ko na sinunod ko naman. Nagpaalam na ko sa mga kasama ko na aawra muna ako sa crush ko at sinabing sabihan nalang ako kung uuwi na sila at ayaw ko naman mag isa kasama ang isang stranger kahit medj crush ko pa ang stranger na yun. Suot ang aking putting floral dress na may ribbon, collar at flowy skirt na hanggang tuhod at bitbit and red na plastic cup na may kalahati pang laman ay tinahak ko na ang mga 3 metrong pagitan naming dalawa.
Hi, are you enjoying the night? sabi ko agad pagkalapit ko sa kaniya.
Huh? Medyo pasigaw na reply niya dahil di naman talaga kami magkakarinigan dahil sa lakas ng music sa lugar na to.
I said, are you enjoying the night? ulit ko pa na may kasama nang medyo lapit sa kaniyang tainga at konting amoy narin kung axe chocolate padin ba ang gamit niya, mukhang ganun parin naman. Im Kira, we met before... sa game. Tuloy ko pa at nilahad ang kamay na may kasamang ngiti na abot tenga. Ito na ba yun? Our first ever introduction? Kinikilig na isip ko. Never pa ko nag first move nako pag ito nag fail baka tumandang dalaga nalang ako.
Yeah I remember, im Marcus naaalala niya ko, naaalala niya ko tinanggap niya naman ang kamay ko at ngumiti rin. Would you like to dance? Tanong niya pa, syempre sumama ako no, im not the person who makes the first move pero I sure am the person na marupok agad first move palang, kung first move nga to kahit di ko naman alam kung nagugustuhan or magugustuhan niya ako.
We danced all night at kahit naiinitan na ako at medyo masakit na ang paa ko ay kinaya ko para lang mas humaba pa ang oras kasama siya. Bandang ala una na ng madaling araw ng hinanap na ko ng iba kong kasama at niyaya nang umuwi. Nagpaalam naman ako sa kaniya at parang nakalutang sa alapaap habang naglalakad papunta sa sakayan ng jeep. Inaabala ko ang sarili sa pagtingin sa mga ilaw ng syudad, minsan lang ako gumala ng gabi at gustong gusto ko ang pakiramdam ng malamig na hangin sa aking balat kahit amoy alak ang paligid ko na marahil ay galing sa mga kasabay sa jeep na galing din sa inuman kasi wala naming masyadong sober ang umuuwi ng 4 am. Biglang tumunog ang phone ko at mas lalong lumawak ang ngiti ng makita na m-in-essage niya ako sa Instagram, nagpasalamat talaga ako dahil isa to sa mga rare moments na may load ako... as a single.
AdrianSantos: Pauwi na rin kami. Ingat ka, at chat sana if nakauwi ka ng maayos may kasama pang smiley emoji iyon, 21 na ako pero di ko alam bakit kinikilig ako na parang trese anyos lang na sa kaunaunahang pagkakataon ay naka text sa crush niya, I mean, crush ko naman talaga siya at first time nga naming magkachat pero di naman siguro ganito dapat ka kilig. Nagtipa rin ako agad ng reply pero ilang beses ko pang pinalitan kasi ayaw ko naming magmukhang patay na patay sa kaniya.
KiraSolana: Nasa jeep palang naman kami, thanks at ingat rin at syempre may smile emoji din para kunwari demure tayo. Buong byahe akong nakangiti at kinikilig kahit hindi naman na siya nakapag reply. Baka nakatulog? Nagdrive ba siya? Baka naman courtesy lang tong chat at wala naman pala siyang planong mag reply pa? kahit ganun ang iniisip ay nagtipa parin ako ng chat pagkapasok ko sa kwarto
KiraSolana: Dorm na ko. Nakauwi ka na? nilagay ko nalang ang phone ko sa desk, naligo at natuyo na ang buhok bago ko maalala na nag chat nga pala ako. Dali dali kong kinuha ang phone at tinignan kung may reply na ba siya at di nga ako nabigo
AdrianSantos: kakarating lang din, hinatid ko pa kasi ang ibang kasama pauwi san ka ba nakatira? Muntik ko nang mareply yun, pinalitan ko nalang ng corny pero di gaano ka aggressive na reply
KiraSolana: #DesignatedDriver na may emoji ng tumatawa. Minsan naiisip ko rin kung masyado ba akong luka2 pero di ko na napalitan kasi na send ko na, nagreply din naman agad siya
AdrianSantos: parang ganun na nga at may smile emoji ulit. Bakit ba parang ang cute cute ng tingin ko sa smile emoji. Tinitigan ko lang yun hanggang bumagsak ang phone ko sakto sa mukha, nagmura nalang ako ng pabulong baka magising pa ang roommates ko. Nakatulog ata ako kakatitig sa reply niya.
KiraSolana: ano... matutulog na ko sabi ko ng medyo napipilitan at medyo totoo din kasi pagod na rin naman ako.
AdrianSantos: ako din. Nag enjoy ako kasama ka. Good mornight gusto kong sumigaw sa sobrang kilig pero dahil tulog na nga ang mga kasama ko sa kwarto at pinagkasya ko nalang ang kilig ko sa ngiti at yakap sa cellphone sabay padyak ng paa sa hangin at konting sigaw - as in konting konti - sa unan. Habang may ngiti sa labi ay nag reply ako
KiraSolana: nag enjoy din ako. Good mornight at nilapag na muli ang phone sa katabing desk at pinikit ang mga mata habang pinag iisipan kung makakatulog nga ba ako. Marcus Adrian Santos, mukhang pupuyatin mo ako sa sobrang kilig
YOU ARE READING
All the Happy endings
General Fiction6 stories, 6 endings and everyone is happy Short Stories Compilation