Lumipas pa ang ilang araw na naguusap kami sa Instagram. Wala naman masyadong substance yung pag uusap naming, mga ano lang, kamusta ka na? anong ginagawa mo? Kumain ka na? Alam mon a, basic flirting conversaion. Char. Masarap naman siya kausap, medyo dumami narin ang nalaman ko sa kanya. Bali graduate na pala siya, almost 2 years siyang mas matanda sa akin (na alam ko naman na dahil nakikita ko ang ilang post ng mga kaibigan niya so bale hindi na siya bago), middle child siya 3 silang makakapatid may ate and younger bro, tapos close sa mama niya, ay mommy pala (he always talks about his mom with so much love) tapos nag civil engineering siya kasi may construction firm sila, medj maliit lang daw yun pero di naman ako naniniwala kasi nakita ko post niya sa Instagram eh may sarili siyang pick-up na sasakyan duhh. Pero hindi ko inakala na after 2 weeks e magyaya siya
AdrianSantos: are you busy this weekend?
KiraSolana: medj, alam mo na fourth year
AdrianSantos: oh ok, I was hoping to meet you sana
KiraSolana: keri lang din. Pwede naman kita isingit sa schedule ko malakas ka sakin eh, buti nalang di ko nailagay kundi baka nagpakain na ko sa lupa sa sobrang hiya.
AdrianSantos: sure ka? I mean we can meet some other time naman.
KiraSolana: Keri lang nga. When and where? Wag gabi ha baka wala na akong masakyan pauwi
AdrianSantos: Ako naman ang pupunta jan eh. Diba malapit kayo sa dagat? Kain lang tayo ganun lang with smiley emoji ulit. Ano ba yan, kinikilig ako.
KiraSolana: As in? mas gusto ko yan haha
AdrianSantos: So magkita tayo sa weekend? Antayin kita sa labas ng school mo?
KiraSolana: Sige sige, gusto mo sunset tayo pumunta sa dagat? If ok lang na madilim na bago ka makauwi alam ko naman na romantic ang sunset dito at baka masyadong halata na gusto ko siya pero gusto ko din naman ma experience niya yung sunset "date" kasi ang sweet nun at nasa bucket list ko yun kahit di naman to ata date at kahit di ko alam kung ano ba talaga ang plano niya sa buhay
AdrianSantos: I'd like that, see you sa weekend?
KiraSolana: See you and smiley emoji.
Miyerkules palang pero di na ko mapakali kakahintay mag weekend. Ilang beses na bang may lalaking feeling ko nilalandi ako sa messages pero never naman naging anything more? Siya palang ata ang agad nag aya na mag meet, and siya pa ang pupunta sakin to make it easier for me.
Dumating ang weekend at buong umaga kong iniisip kung ano ang susuotin ko, mag dress ba ako? Di ba masyadong pormal yun? Pag nag shorts ba ako di ako magmumukhang di nag handa? Pangit ba na mag jeans ako papuntang dagat? Sa huli ay nagsuot nalang ako ng puting tshirt at brown na skirt, tapos sandals na white din tsaka yung white daisy na earrings na nabili ko ng 35 pesos sa bayan. Simpleng pormahan lang para di masyado halata na medj may gusto ka sa kasama mo. Keri naman na siguro to.
Bandang alas kuwatro sinundo niya nga ako sa labas ng school dala ang sasakyan niya. Bumaba siya ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto, amoy na amoy ko na naman ang Axe Chocolate at ang gwapo gwapo niya parin sa puting polo, khaki shorts at khaki sandals (twinning pa kami). Mas kinaguwapo niya ang diamond stud earrings niya, nag mukha siyang bad boy. Parang ang awkward pala kasi first time naming mag uusap in person nang walang alcohol sa katawan. Malapit lang naman ang Uni sa bayan, as in pwede mong lakarin, at mlapit lang rin sa bayan ang dagat, may mga kainan dun na malapit sa buhangin at kitang kita ang paglubog ng araw. Nag park na siya malapit sa footwalk papuntang dagat, nakakahiya talaga pero kung gaano siya kagaan kausap sa chat ay ganun din naman siya sa personal. Sinabihan niya pa nga ako na ang ganda ng suot ko, lalo tuloy akong nahiya.
Naupo na kami sa lamesang pinaka malapit sa dagat, habang hinihintay naming ang pagkain ay bigla siyang nagsalita habang tinatanaw ang nag aagaw na asul at berdent tubig. I like it, pero at the same time ayaw ko talaga sa dagat. Tinignan ko siya ng masama, bakit naman? Ang ganda kaya. Tinignan niya ko sa mata at ngumiti yun na nga, maganda ang dagat, it can even take your stress and worries away with those waves, pero traydor din siya. She takes everything that's within her reach. I looked at him curiously, then hold on to those things you don't want her to take he laughed lightly, that's the thing, she's so pretty you'll give her anything. Tinitigan ko siya I've never met someone who looks at the sea that way, he is something. Hinatid na ang pagkain namin sa lamesa and we enjoyed our pasta while talking about pasta. Sa gitna ng pagkain naming bigla na naman siya napatingin sa dagat, inhaled deeply and smiled at me I hope you're not like the sea ako naman na naguluhan, ang tanging nasabi lang ay huh? He put down his fork sat straight you're pretty, and I'd probably let you take anything from me. Let's all admit it, deep thoughts are sexy, di ko lang sure kung masyadong bang deep ang sinabi niya o masyado lang akong lutang na tinignan ko lang talaga siya, hoping na may kasunod yun or explanation. Natawa lang siya ulit at sinabing ubusin nalang naming ang pagkain. Unti-unti nang nagkulay pink at orange ang langit, papalubog na ang araw at tapos na kaming kumain. Nagbayad na siya at inaya akong maglakad sa dalampasigan. Sunset is good, its colorful, peaceful, beautiful, its never the same, and it prepares you for the dark. Never talaga akong naging morning person so di ko masyadong ma appreciate yung sunrise, kaya siguro I love sunset so much, #compensation haha tumawa din siya kasama ko. Umupo kami sa isang bangka dun na nilagyan niya pa ng panyo bago ako paupuin baka daw madumihan ang palda ko. You love hastag no? haha nahiya naman ako sa sinabi niya kaya nag explain narin ako kahit medj nabadtrip ako. Yep. Para mas madali nilang ma gets yung point ko. There are times when you can say hundreds of words na pwede mo naming ma explain in like 2 words. Madaldal ako and at the same time, tamad kaya kung hindi mo pa na notice there are times na I choose the longer way pero most times I do both hahaha nakatingin lang ako sa araw habang sinasabi yun kaya pag tingin ko sa kaniya nagulat ako ng nakatingin siya sa akin. Can I tell a story? Tanong niya lang, ni wala man lang reaksiyon sa sinabi ko, tumango nalang ako when I was a freshie in college an upclass told us na in college we are not supposed to have crushes pang high school lang daw yun. Sabi niya "if you like someone, you don't just like them, you make landi". My point is, I wanna make landi to you haha I guess that means I like you. Would you let me court you? Tekaaaaaaa first time may nag aya sa akin in person, does this mean seryoso siya? Ano sasabihin ko? Natameme lang ako, and daming tumatakbo sa isip ko pero ang nasabi ko nalang ay lumubog na ang araw, gagabihin ka sa byahe. Naglakad na kami pabalik sa sasakyan at hinatid niya ko hanggang dorm. Tahimik lang kaming dalawa hanggang tumigil ang sasakyan niya sa tapat ng dorm ko. Pagbubuksan niya pa sana ako ng pinto ng sinabi ko ang mga katagang magbabago ng buhay ko FOREVER tinignan ko siya sa mata at sinabing I guess it won't hurt if I let you make landi to me ngumiti ako at dali daling bumaba ng sasakyan niya, ewan ko bat ako nahihiya. Its official, may manliligaw na ako.
YOU ARE READING
All the Happy endings
General Fiction6 stories, 6 endings and everyone is happy Short Stories Compilation