Kabanata 8

1.8K 29 0
                                    

VIRAL


CLARA'S POV

Kaya ko 'to.

Kaka-park pa lang ni Daddy sa kotse niya rito sa parking lot ng school. Sumabay na kasi ako sa kaniya kasi 'yon ang gusto niya.

Nauna akong lumabas at sumunod si Daddy. Pagkalabas ko pa lang ng kotse may nagbubulungan na kung bulungan man ang tawag diyan mukha kasing parinig.

"Let's go, sweetie?" Nakangiting aya ni dad

Tumango na lang ako at ngumiti ng pilit. Kumapit ako sa braso niya at sabay kaming pumasok. Pagkapasok na pagkapasok namin sa school ang dami ng parinig.

"'Di ba siya 'yon?"

"Oo nga. Siya 'yong nagsasabing nililigawan siya ni Sir Gin."

"Here comes assumera."

"Eww, feelingera."

"Gumising ka na girl, hindi magkakagusto si Sir sa 'yo."

"Iuntog kaya kita para magising ka?"

"Sweetie they're all looking at us. Ikaw ba ang pinaparinggan nila?"

Okay. No more lies. Daddy deserves the truth naman.

"Yes, Dad," pabuntong hiningang sagot ko.

"But why?" takang tanong niya at tumigil sa paglalakad.

"Later, Dad. Sa ngayon mauna ka na sa classroom ko para makapag-usap na kayo ng teacher ko."

"Bakit sa'n ka pupunta?" Kunot noong tanong niya.

"Just here, Dad. Ill fix this mess." Ngumiti ako sa kaniya.

Tumango siya kaya tinuro ko ang daan papunta sa classroom namin. Nagsimula ng maglakad Dad pero hindi pa rin natigil ang mga bulungan at pagpaparinig nila. Hinintay kong makapasok si Dad sa classroom ko at pagkapasok niya saka ko hinarap ang mga babaeng nagbubulungan.

"Listen up everyone!" Kuha ko sa atensyon nilang lahat na nagpaparinig sa 'kin.

"At talagang may mukha pa siyang iharap sa 'tin, ah?"

"Hindi na nahiya. Bruha."

"Can't you understand? I said listen up, right?" inis na sigaw ko

Ayoko ng gulo kaya ngayon pa.lang aayusin ko na ang gusot na 'to. Gusto ko na maayos na buhay dito.

Tumigil na 'yong iba sa pagbubulungan at humarap sa 'kin pero nakataas ang isang kilay.

"Can you please talking about me?" pakiusap ko.

"Bakit naman namin gagawin 'yan?" Taas kilay na tanong no'ng isa.

"I'm being nice here, tho," sagot ko sa babae.

"We don't need your niceness. Assumera ka."

"Who are you to talk to me like that?" inis na tanong ko pero hindi siya sumagot

"I said who are you?" mas malakas na tanong ko.

Kaya kong magparinig sila sa 'kin pero hindi ang maliitin ako. Lalong-lalo na ang tataasan ako ng kilay.

"And who are you too to shout at me?" sigaw na tanong niya.

Nice. Ang aga-aga kasi. Mukhang mali ang desisyon kong makipag-usap sa mga taong 'to.

"Ang gusto ko lang ay tahimik na buhay bilang estudyante kaya ibigay niyo na sa 'kin 'yon. Ang simple lang no'n, e."

'Yong iba napa oh sa sinabi ko pero mas maraming mas tumaas ang kilay.

Wedded To A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon