Kabanata 50

1.4K 29 0
                                    


SETTLE





CLARA'S POV

Inaamin kong nasaktan talaga ako sa mga sinabi ni Xine kanina pero hindi ko makuhang magalit sa kanya kasi totoo naman lahat.

I am wishing and hoping and praying na pagdating namin sa bahay mamaya nando'n na si Gin.

Ayokong isipin nina Daddy na hanggang salita lang si Gin at lalong-lalo nang ayokong masaktan. I trust Gin so he'll come back for me. Nasa gate na kami kaya hinanda ko na ang ngiti ko for Gin.

When we reached the garage, I hurriedly stepped out from the car and run towards our door pero hindi ko pa nabubuksan may mga nagsisigawan na sa loob.

"Ba't ka tumigil?"

Sinenyasan ko siyang tumahimik. Sumunod naman siya at lumapit sa 'kin.

"Be thankful, young man, that my daughter is not here!" si Dad 'yon.

Si Gin ba ang tinutukoy niya?

"Don't talk to my son like that, Mr. Guzman. We came here to settle everything."

Sa pagkakaintindi ko Mama 'yon ni Gin. Kinalabit ako ni Xine kaya tiningnan ko siya.

"What is she doing here?" bulong niya.

Alam kong ang Mama ni Gin ang tinutukoy niya. I  just shrugged my shoulders because I don't know, too.

"What everything, Mrs. Atayde?" tanong ng boses ni Mommy.

"About my son's relationship with your daughter. I mean their affair," sarkastikong saad nito.

Hindi ko alam kung saan 'to patungo pero ramdam kong hindi 'to maganda dahil kinakabahan na ako.  Ramdam ko rin ang paghigpit ng kapit ni Xine sara braso ko.

"Mom, the thing between me and Shaira is not an affair!"





XINE'S POV


Hindi ko alam kung gano'n na ba talaga ka inosente 'tong best friend ko na hindi niya pa nahahalata na pinaghihiwalay sila nang Mama ni Gin o gusto niya lang talagang masaktan.

I badly want to get her out of here but I can't. I don't have the courage kaya kahit alam kong masasaktan siya hahayaan ko na lang siya.

Through pain, we can realize that life is not just all about happiness.

"Mom, the thing between me and Shaira is not an affair."

Napangiti ako roon. Good Job, Gin.

"She's married, Gin!"

"So what , Mom? I love her and you can't do anything about it. Puso ko 'to. At ako lang ang makakapagsabi kung sino ang mahal ko at si Shaira 'yon!"

Mas lalong lumaki ang ngiti ko. Tiningnan ko si Clara at nakangiti rin siya pero may nagbabadyang luha.

Maybe she's just flattered.

"Hindi ka namin pinalaki Gin para magkagusto lang sa isang kasal na babae!"

Dad yata 'yon ni Gin.

"Whether you like or not, you will be marrying Marian!" asik ng Mama ni Gin.

Kung hindi ka lang matanda sa 'kin, kanina pa kita sinampal. Napaka kontrabida mo!

"Paano ba 'yan, Gin? You'll be marrying me." Si Marian ba 'yon?

Nagkatinginan kami ni Clara. Walang pasabing binuksan niya ang pinto.

Wedded To A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon