Hi! Ako nga pala si Yhienna. :) 18 years old.
Nag aaral ako sa *** university dati. Pero lumipat ako sa * university. :)
Why? May nangyari kasi sa buhay ko na nagpabago sa lahat.
~
Yhienna's POV
"Mahal na mahal kita." Bulong sakin ni Drex. Bf ko. 3rd yr. hs sya samantalang ako ay on going 1st yr. college na. Age doesn't matter nga diba? :)
Anyway, back to the story. Summer vacation ng maging kami. Masyado akong naging masaya sa kanya. Nalimutan ko na lahat ng saya may kapalit na lungkot.
5months na kami. Ang bilis ng panahon. Pero bakit parang ganon? Parang ako na lang ang masaya sa relasyon namin?Hays. Yaan na nga. Wag pessimist. Baka ganon lang talaga.
~
One day, nagpunta sya sa bahay namin. Sabay kaming naglunch.
"Bhe wait lang ha? Iihi lang ako." sabi ni Drex sakin. "Sure. Hintayin kita dito para makapanood na tayo."Sabi ko habang inaayos ko yung papanoodin namin.
Nakapasok na sya ng cr then may nagtext sa kanya. Out of the blue bigla akong kinabahan kaya binuksan ko yung phone nya. Sabi nung nagtext. "Oh, ingat ka Bhie. Maglunch ka na dyan sa bahay ng pinsan mo ha? :) Tapos tawag ka ulit sakin mamaya." A tear rolled down in my face. Paglabas nya ng banyo nakita nyang kapit ko ang phone nya at parang namutla sya. "Sino si Jeth?" Halos pabulong na tanong ko sa kanya. Kinakapos ako ng hininga. Gusto kong isigaw lahat sa kanya at sumbatan sya pero parang naubusan ako ng lakas. Gusto ko syang pagsasampalin."Sino sya?" Pag uulit ko ng tanong. "Wala yun, barkada lang namin nila Shaq." Sabi nya sabay lapit sakin at yayakapin ako. Tinabig ko yung kamay nya.
"Please bhe, maniwala ka. Wala lang yun. Gusto mo burahin ko ang # nya para mapatunayan ko lang." Pagmamakaawa nya.
~
Magpipitong buwan na kami bukas excited na ko. At yung tungkol sa pinag awayan namin? Oo pinatawad ko sya. Tanga na kung tanga e mahal ko e. Pati parang di naman sila nagkakausap e. Okay na sakin yun kahit parang medyo nagbago sya. Kahit parang nanlalamig sya minsan.
*Kinabukasan
"Bhe, punta ka dito sa tambayan natin."
Kinabahan ako sa text nya kase walang smiley. Hays, yaan na nga. Wag pansinin.
Naligo ako, nagbihis after 1 hour ready na ko.
Nagpunta ko sa tambayan namin tapos nakita ko si Shaq.
"Shaq, si Drex?" Tanong ko kay shaq.
"Andun sa taas. Kanina ka pa inaantay non."
Pumanik na ko sa taas at nakita ko si Drex na nagtetext.
"Hi Bhe!" Bati ko sa kanya at umupo sa tabi nya.
"Sorry Yhienna." Sabi nya habang nakayuko at halata mo sa boses nya na naiyak sya."B-bakit?" Tanong ko.
"Kase kahit anong pilit kong ibalik yung dati, di ko magawa. Mahal ko na sya." Sabi nya kasabay ng pagpatak ng luha nya.
"Ha-ha-ha. Ang galing mo naman magjoke. Wag mo kong i-goodtime, di nakakatawa." Tumatawa ko at the same time umiiyak.
"No, Yhienna. I'm serious. Let's end this. Di ko na kayang lokohin ka. Wala kang nagawang masama. Di ako deserving sa'yo." He said between his sobs.
"Ganon na lang yon ha? Parang laro lang sayo lahat? Na andali mong sumali pag nasawa ka aayaw ka? Di 'to isang laro. Nakakasakit ka e! Sana di na lang kita nakilala ang sama mo. Ang sama sama mo!" Di ko na napigilan umiyak at magtaas ng boses. Umalis pa ko bago pa ko magbreakdown. Narinig kong tinatawag ako ni Drex at ni Shaq pero di ko na pinansin.~
"Hoy, Yhienna bumangon ka na dyan at tatanghaliin ka." Sabi ni mama.
"Masama po pakiramdam ko. Bukas na ko papasok." Sabi ko at nagtalukbong.
"Jaske itong batang to. Patingin nga?" Nilapitan ako at hinipo. "Wala ka namang sakit e. Baka yung puso mo masakit. Sige, siguraduhin mong papasok ka bukas ha? Sige na at magsasampay pa ko." Naramdaman ko naman na tumayo na sya at naglakad palayo.