ZANEA P.O.V
Nakaupo ako ngayon sa ilalim ng isang malaking puno habang hawak ang kwintas na ayaw kong mawala sa akin. Hindi ko alam kung bakit sobra kong ingatan ito, sabi ni mamala siguro daw ay importanteng tao ang nag bigay nito sa akin ngunit nakakalungkot lang dahil hindi ko sya kilala.
Ilang oras din akong nalagi sa ilalim ng puno na ito ng mapag pasyahan kong umalis na doon at pumunta sa cafeteria upang kumain dahil malamang ay hinihintay na ako doon ng mga kaibigan ko. Meron kasing programa ang unibersidad kaya walang klase ngayon ayaw ko namang sumali kaya naisipan kong pumunta na lamang sa ilalim ng malaking puno na iyon.
" Kapag minamalas ka nga naman talaga. " inis kong hinarap ang nagmamay ari ng boses na iyon at tama nga ako kasama na naman nya ang grupo nya. Pag minamalas nga naman talaga, sa totoo lang hindi ko alam kung bakit ang init ng dugo sakin ng lalaking to wala naman akong matandaan na atraso ko sa kanya.
" Hindi ba sinabi ko na sayo na ayokong makita ang pagmumukha mo dito? "
" Sino ka sa tingin mo para sundin ko? walang sino man ang makakapag paalis sakin sa unibersidad na to "
" Travis let's go kailangan pa natin mag practice " sambit ni Asher sa kanya at hinila na siya palayo ngunit hindi pa rin maalis ni travis ang masamang tingin niya sa akin. Nagsi sunuran naman ang mga kaibigan nila.
" There is always a reason behind every action. " sambit ni Chase bago umalis sa harapan ko. Nag umpisa naman na akong maglakad papunta sa cafeteria ngunit napaisip ako bigla sa sinabi ni chase. A reason behind every action? wala akong matandaan na atraso sa kanya, wala akong matandaan na kahit ano. Hindi ko alam kung bakit ganun ang pakikitungo nya sa akin simula ng magpalipat ako sa unibersidad na ito. Actually im a transfer student this year at simula nung first day ramdam ko na ayaw sa akin ni travis at hindi ko alam kung bakit. Sa sobrang pag iisip ay bigla na lang sumakit ang ulo ko dahilan para mapa hinto ako sa paglalakad at mapahawak sa ulo ko.
" Zanea! " rinig kong sigaw ni Zariyah at Sephovin bago mag dilim ang paningin ko at unti unting bumagsak ang katawan ko.
" Wala namang serious problem, maybe she's stress and overthinking this past few days kaya siya nahilo. "
" Thank you nurse lyka "
" Wala yon zay, wag na kayong mag alala pagka gising niya pwede na kayong makauwi pero pagpahingahin nyo muna siya. "
Unti unti kong minulat ang aking mga mata ng marinig ang boses nila.
" Zay gising na si zanea!! " sigaw ni seph kay zay ng makitang gising na ako kaya agad agad namang pumunta sa tabi ni seph si zay.
" Kamusta ang pakiramdam mo? Masakit pa ba ang ulo mo? Nahihilo ka pa? "
" Ayos lang ako seph, pasensya na at pinag alala ko kayo "
" Ayos lang yon ang importante ay ok kana"
agad naman akong napatingin kay zay ng makitang pangiti ngiti lang sya sa tabi ni seph at kanina pa hindi nagsasalita." Anung nginingiti ngiti mo dyan? mukhang masaya ka pa at nahimatay ako ah " biro kong saad sa kanya na sinuklian niya lamang ng malawak na ngiti at napatingin siya kay seph na ngayon ay nakangiti na din, yung totoo nabagok din ba ang ulo ng dalawang ito at kung makangiti ay para bang may magandang nangyare.