ZANEA P.O.V
" Zaneaaaaaaaaaaaa!!" dinig kong sigaw ni seph at zay mula sa pintuan ng room.
Tinaas ko lang ang kamay ko sa kanila at tumakbo na sila papalapit sa akin." Ang aga aga ang ingay nyo " ani ko sa kanila at sinuot ang earphone ko ngunit tinanggal ito ni zay at inabot niya sa akin ang cellphone nya kaya naman kinuha ko ito.
" The Ice prince and the clumsy princess? wtf?!" gulat kong sigaw kaya naman tinakpan ni seph ang bibig ko st itinuro ang mga kaklase naming masamang nakatingin sakin.
" Ang bilis mo naman makagawa ng pangalan sa university be hahaha" asar sa akin ni zay na sinundan ng tawa kaya naman sinamaan ko siya ng tingin at inis na napasabunot sa buhok ko.
" Seph! Anu ng gagawin ko? panigurado lalong maiinis sa akin si travis. Gusto ko ng tahimik na buhay dito. Anung gagawin ko?" nanlulumong saad ko sa kanila.
" Edi iwasan sila travis haha basic lang yan!" ani ni seph habang nakangiti.
" We have our new mission! OPLAN IWAS SA BIG4" dugtong pa ni zay samantalang ako ay napahilot na lang sa ulo ko. Sana nga maiwasan, kaso nasa iisang unibersidad lang kami at kahit gaano ito kalaki hindi impossibleng mag kita kami. Buong klase ata ng umaga ay nakatulala lang ako at walang pumapasok sa utak ko kakaisip kung paano maiiwasan si travis.
" Be arat na! punta na tayong cafeteria tapos mag apply na tayo ng club na gusto natin salihan. Dagdag grades din yun sayang." sabi ni zay na sinang ayunan naman ni seph.
" Oo nga, pero sana lang pareho tayo ng schedule kung sakali man na magkaiba tayo ng club na mapapasukan." malungkot na saad ni seph. Inayos ko na lahat ng gamit ko at sumunod sa kanila papunta sa cafeteria.
" Kalat na kalat na talaga ang balita." bulong ni seph na sapat lang para marinig namin ni zay. Pagka rinig ko nun ay napatingin ako sa paligid namin kita ko ang mga mata ng mga estudyante dito na kung makatingin ay para bang pinapatay na nila ko sa isip nila.
" Ice prince lang malakas hahaha" biro pa ni zay habang nakatingin sa mga babaeng masamang nakatingin sa akin.
" Bilisan na lang natin mag lakad at baka makita pa natin sila ----
" Zanea Shime Montemayor, please proceed to the Big4 Club!"
naputol ang sasabihin ko ng marinig ko ang pangalan ko sa speaker ng university, Im dead.
" Be mukhang may pupuntahan ka pa goodluck?" nag aalangang saad ni seph na sinuklian ko lamang ng matamlay na ngiti.
" Zanea Shime Montemayor, please proceed to the Big4 Club!"
" Pumunta ka na doon zanea, basta tandaan mo wag kang papatalo sa travis na yon." sabi ni zay.
" Oo nga zanea, hindi mo din naman ginusto na malagay sa newspaper ng university. Wala kang kasalanan." dugtong pa ni seph. Tama sila wala naman akong kasalanan desisyon nyang tulungan ako non, kaya may kasalanan din sya roon.
Tumakbo na ako papunta sa Club ng Big4 at kumatok sa pintuan ng maramdaman kong nag bukas na iyon ay pumasok na ako sa loob. Pag pasok ko sa loob ay nakaupo doon ang Big4. Si Asher ay masama ang tingin sa akin gayun din si Travis, si Chase naman ay nagbabasa ng libro samantalang si Klyde ay nakangiti sa akin. Nandoon din ang manager nila na nakatingin sa akin sinenyasan nya akong maupo kaya agad akong tahimik na umupo.
" I assume nakita mo na ang newspaper ng university na inirelease kanina?" seryosong tanong ng manager nila kaya tumango lang ako.
" Alam mo bang isang malaking issue ito dahil si travis ang kasama mo doon?" sunod na tanong nito kaya napatango lang ulit ako.
" Kailangang malinis ang pangalan ni travis dito dahil sila ang ilalaban ng university sa karibal nating university"
saad pa nito ngunit napatigil ako sa pag tango ng para bang pinupunto nito na kasalanan ko at pangalan lamang ni travis ang masisira dito na para bang hindi ako naaapektuhan ng issue na ito." Teka sandali lang, mawalang galang lang po ah, pero bakit parang ipinaparating mo na kasalanan ko ang nangyare?" inis kong tanong sa manager nila na sinuklian lamang ako ng pilit na ngiti.
" Hindi nga ba? " balik na tanong nito na mas lalong kinainis ko.
" Well para sabihin ko sa inyo, wala akong kasalanan at kung alam naman pala ni travis na magiging isang malaking issue ang pag takbo nya para saluhin ako edi sana hindi niya na ginawa. Bakit hindi siya ang sisihin mo eh desisyon nya namang tumakbo para saluhin ako. " gulat na napatingin sa akin ang manager nila ngunit di ko ito pinansin at nilingon na lamang si travis na lalong masamang nakatingin sa akin.
" Nakakapag taka lang, ang layo mo na sakin kung tutuusin ngunit tumakbo ka pa din para masalo ako, tapos isisisi niyo sa akin ang pag dawit ng pangalan mo sa issue, pareho nating hindi gusto yon. Hindi lang ikaw ang naapektuhan ng issue na yon. Kaya wag niyong ibato sa akin lahat dahil may kasalanan ka din." napahawak ako sa ulo ko ng maramdamang sumasakit na naman ito. Napatingin ako kay travis ng nakitaan ko siya ng pag aalala ngunit baka mali lang ang nakita ko at pinag walang bahala lamang iyon.
" Wala kang utang na loob! ganyan ka ba pinalaki ng magulang mo?!" napahinto ako sa paglalakad ng marinig ang sinabing iyon ng manager nila.
" Dapat ko pa bang tanawin na utang na loob ang ginawa nya? kung sa tingin ko ay ginawa nya lamang iyon upang sirain ang pangalan ko at tuluyang mawala sa unibersidad na ito kagaya ng gustong gusto nyang mangyare?" mapait akong napangiti sakanila pagka sabi ko nito.
" Hindi ang grupo nila ang dahilan ng pag lipat ko sa unibersidad na to. Hindi ako isa sa mga babaeng patay na patay sa mga alaga mo. Kaya kung hiling mong matapos ang issue na ito na ako ang tinuturo mong rason. I suggest you to analyze first what happen because if this news reach my mamala then goodluck." malamig kong tiningnan ang manager nila na babae na tingin ko ay di nalalayo ang edad sa amin.
" Are you threathening me?" inis na saad sa akin ng manager nila.
" Am i? Well actually hindi naman, tingin ko naman nabasa mo na ang pangalan ko Zanea Shime MONTEMAYOR baka kasi nakalimutan mo." i emphasize my surname, hindi ko ugaling gamitin ang pangalan kong panakot ngunit ayoko din na patuloy na madawit at sisihin ako sa issue na ito. Ayokong makaabot ito kay mommy dahil hindi niya pa alam na dito ako nag aaral sa royal university.