Tapos nako sa class ko at papunta nako sa unit ng wala hiyang bestfriend ko hindi ko alam kung bakit sa dami dami ng lalaki siya pa ang bestfriend ko. Sigurado akong hindi pa kumakain ang sira ulo na yun dahil sa sobra niyang tamad ay napaka kalat pa niyang tao hindi ko alam kung bakit binigyan pa siya ng unit ni tito Sevi e tamad naman maglinis. Buti nalang saturday ngayon at isa lang ang subject ko at maaga pa bumili nalang ako sa mcdo ng pag kain niya at makikitulog nalang ako dun at hapon nako uuwi hindi ako pinayagan ni daddy mag tira sa condo niya meron siyang condo dito sa malapit sa school namin dahil daw babae ako e si tito Sev nga pinayagan yung anak nila kahit napakatamad naman.Nandito nako sa condo niya at binigay ko kay manong ang Id ko at pumasok na sa loob ng elevator 23th floor ang unit niya at room 23A. Alam ko din ang passcode niya dahil minsan wala siya pag pumupunta ko. Tumunog sa elevator hudyat na papalabas nako bumukas ito at lumabas ako at nag lakad papunta sa unit niya. Nilagay ko ang passcode para makapasok ako pag bukas ko ng pinto ay ang bumugad sakin ay sobrang daming kalat walang laman na bote ng alak sa coffee table at kung ano ano pa.
"Kaylan ba mag titino ang lalaki tong hindi ko alam kung bestfriend ba niya ko o katulong niya lagi nalang akong nag liligpit pag pupunta ko dito" sabi ko sa aking sa sarili at pumunta sa kusina at nilapag ang pag kain na bili ko para sa kanya at sisimulan kuna ang maglinis ng unit niya malaki ito at may dalawang kwarto isa para sa sexlife niya at yung isa kwarto niya. Nilapag ko ang bag ko sa sofa at kinuwa ang mga damit sa lapag short vneck niyang Damit. Wait dress kaylan pa siya nag dress woah so meron bilagro na nagaganap dito sanay naman ako sa ganun dahil yun ang gawain niya. Pinulot ko kung dress at tinapon sa basurahan. Tingnan natin mamaya masama na kung masama naka kalat diba ang kalat dapat tinatapon sa basurahan.
Lumipas ang ilan pang oras ay natapos nako mag linis muka na itong condo unit pero sila hindi parin tapos sino nanaman kaya ang kawawang babaeng yun. Pumunta ko sa kusina at kumuwa ng coke at cake sa ref. Manunuod nalang ako sa tv niya buti nalang nakasarado ang kwarto na kung saan sila nag mimilagro.
Umupo ako sa sofa at nilapag ang coke at cake sa coffeetable at manunuod ako ng Kissing booth, tungkol ito sa mag bestfriend gumawa ng kissingbooth. Bestfriens sila since birth parehas silang birthplace birthday at mag bestfriend din ang mga magulang nila may mga rules sila na silang dalawa lang. Isa lang naman ang rule ko para sa tamad kong bestfriend buti nalang sinusunod niya yun. Tutok na tutok ako sa pinapanuod ko habang kumakain ng cake malapit na itong matapos at bigla bumukas ang pinto ng kwarto ng walang siya kong bestfriend.
"Woah nandyan ka pala" tumingin ako sa kanya at ngumiti hayop nato nakasuot na siya ng boxer short at walang damit pang itaas.
Marco Pascual anak ni tita May at tito Sevi bestfriend ni tita May ang mommy at daddy ko. Simula pag ka bata ay mag kasama na sina daddy at tita May dahil mag bestfriend din ang mga magulang niya kaya siguro pati kame ng lalaking to ay mag bestfriend din kame. Mas matanda siya sakin ng isang taon. at siya 2ndyear college at ako naman ay 1styear na. Kaya mag ka iba kame ng sched at same school parin sa school na pag may aari nila.
"Nag dala ko ng food pero kumain kana pala, sino nanaman babaeng napapayag mo Marco" sabi ko sa kanya at tumingin sa screen ng tv na pinapanuod ko malapit na tong matapos e. Umupo naman siya sa tabi ko at ininom ang coke ko.
"Lumayo ka nga sakin amoy babae ka" inis na sabi ko sa kanya tumawa naman siya at tumayo para pumunta sa kusina para kukain ng dinala ko hindi pa nag tatagal may lumabas na babae sa kwarto at naka panty at bra lang wow nako bahay niya nagulat siya ng makita ko.
"Who are you?" Masungit na sabi niya sakin.
"Ate hindi to bar kaya mag damit ka" pinatay kuna ang tv at sexy at maganda naman pala yung pinapatulan niya. Bwuset talagang Marco to e. Dapat tinetext niya ko yung gagawa siya ng bata pag talaga na naka buntis siya nako magiging ninang pako ng anak niya.
"Gwen this is my bestfriend" sabay akbay sakin tinanggal ko yun dahil amoy babae siya.
"Did you see my dress" maarte niyang sabi sakin ou nga pala tinapon ko sa basurahan ang bad ko ba.
"Muka bakong hanapan ng dress na nawawala!" Inis kong sabi sa kanya. "Tapos na ba kayo mag milagro" tanong ko naman kay marco at tumango naman siya mamaya ka sakin pag alis ng babaeng to.
"I can't find my dress baby" sigaw ni gwen sa kwarto kung saan sila ng sex lihim naman akong tumawa dahil naka ganti ako sa hayop na lalaking to sumbong ko kay to kay tita lagot nanaman siya. Lumabas ang babae na suot lang polo ni marco nag mukang dress sa kanya hanggang hita niya to bagay sa kanya ah. Nag paalam si gwen sa kanya at ako naman pumasok sa kwarto niya at nag palit ng damit mamaya nako uuwi dahil papagalitan ko pa siya. Isa lang naman ang rule ko sa kanya okay lang na mag dala siya ang babae sa unit niya at makipag sex basta wag dito sa mismong kwarto niya dahil dito ko na tutulog minsan tabi din kaming matulog pag nag oovernight ako dito pero wala lang samin yun dahil mag bestfriend kame.
Lumabas ako ng kwarto at nakita ko siyang nakaupo sa sofa at nakapikit aba pagod na pagod lang binatukan ko siya agad at napatayo naman siya buti nga sa kanya.
"Baka gusto mong linisin yung kwarto na yun marco" sabi ko sa kanya sabay turo sa kwarto na pinag gawaan niya ng milagro. "Sa susunod itext moko hindi yung ganto lage naaabutan ko marco jusme kaylan kaba madadala sa mga pinag gagawaan mo hindi ko na alam gagawin ko sayo tatawanan nalang kita pag nakabuntis ka at wag na wag mokong kukuning ninang mo" inis na sabi ko sa kanya ng gigil ako sa lalakeng to kung hindi lang kame mang bestfriend nilayuan ko tong lalakeng kawawa siguro ito.
"Alam kong tinago mo yung dress don't tell me may balak kang suotin yun" tanong niya sakin wow ha kapal din ng muka neto. Suotin daw ba e kaya ko nga mag pabili kay daddy ng mas maganda pa dun.
"Nasaan yung dress Alex" tanong niya yun tinuro ko naman yung basurahan napangisi naman ako.
"Nakakalat kase nung dumating ako akala basura" sagot ko sa kanya.
"Next time kase dun kayo sa kwarto mag hubad hindi sa sala napag kakamalan tuloy kalat".
"Uuwi nako amoy babae yung unit mo linisin mo yung kular mo a". Sabay kuha ng bag ko at lumabas na ng unit niya