Kabanata 2

5 1 0
                                    

Masaya kong sumakay sa kotse ni Marco hindi ko mabigilan hindi mapangiti.

"Saya mo a"nakangiti ko siyang nilingon.

"Marco kinausap ako ni lucas kanina"kinikilig kong sabi sa kanya.

"Para yun lang e kinilig kana" tsk. Kahit talaga kaylan basagtrip to.

"Tsk nanira ka ng araw e no"

"Tara na ng makauwi kana" sabi ni marco at umalis na kami.

Hindi ko parin maiwasang mapangiti dahil yung crush ko ay kinuwa yung number ko. Mabilis kaming nakarating sa bahay.

"Pasok ka muna marco" sabi ko sa kanya.

"Hindi na uuwi din ako sa bahay e pinapauwi ako ni mama alam mo naman yun"

"Kahit saglit lang pakita kay daddy"

"Sa susunod nalang ako mag papakita kay tito Greg at kukulitin lang ako ng kapatid mo e" lagi siyang kinukulit ng kapatid ko dahil parehas silang lalaki.

"Sige sabihin ko nalang kay dad na ikaw nag hatid sakin salamat marco pasok nako" sabi ko sa kanya.

Pumasok nako sa bahay at nakita ko agad ang kapatid kong 10yearsold na busying busy sa kakalaro. Umakyat nako sa kwarto ko para mag bilis nilagay ko ang bag ko sa study table pati na din ang laptop and phone ko. Naligo ako at nag bihis na din. Umupo ako sa sa studytable at kinuwa ang phone ko.

Nakatingin lang ako sa number ni Lucas hindi ko alam pero napapangiti ako dahil kinuwa niya yung number ko kahit meron nakong number niya. Itetext ko ba siya or aantayin ko siyang mag text sakin nagulat ako bigla nalang pumasok sa kwarto ko nakita ko si Marco naka Vneck shirt kulay gray at jogger pants bagay na bagay sa kanya kahit ano naman isuot niya bagay sa kanya e.

Sinarado niya ang pinto at humiga sa kama ko wow mister sayong kwarto to.

"Anong ginagawa mo dito akala ko ba uuwi ka sa inyo?" Tanong ko sa kanya.

"Ou nga umuwi ako kanina tas pupunta pala dito sila mama dito daw sila mag didinner pupunta din sila tito Axcel"

"Anong meron anong nanaman trip ng magulang natin?" Tanong ko sa kanya pag may ganyang salo salo at kompleto sila ay may pinaplano sila.

"Ewan ko" tipid na sagot niya nakahiga siya sa kama ko at nakapikit lumapit ako doon at umupo sa gilid niya.

"Marco" tapik ko sa balikad niya.

"Hmmm" ugol niya.

"Itetext ko ba si Lucas or aantayin ko siyang mag text sakin?" Tanong ko sa kanya kumulot naman kilay niya.

"Sapakin ko pa yun" inis na sabi niya habang nakapikit.

"Ikaw kaya sapakin ko ang layo ng sagot mo sa tanong ko" inis na sabi ko sa kanya.

"Dapat si milan nalang ang kinausap ko hindi ikaw e"

Biglang kumatok sa kwarto at bukas ang pinto nakita ko ang kapatid ko.

"Ate kakain na daw baba na daw kayo ni kuya Marco sabi ni daddy" tumango lang ako sa umalis na si alvin joshua at sinarado ang pinto.

"Tara na marco" hila ko sa kanya pero ayaw parin niya mag pahila aba.

"Marco tara na baka pagalitan tayo ni mommy" inis na sabi ko pero nakapikit parin siya.

"Marco tsk parang bata e" hila hila ko parin yung kamay niya pero dahil malaki siyang tao hindi manlang siya gumalaw sa kinahihigan niya. Bigla nalang niya kong hinila pabalik at natangay niya ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 07, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

 BESTFRIENDWhere stories live. Discover now