I got stressful day
Man in vending machine? opps
Forget, Sakura
"Grabe, ayoko na! Suko na talaga ako!"
I dramatically heaved a long sigh before slumping my face at the pile of papers in front of me. Wala pang isang minuto na nakasalampak ang mukha ko sa lamesa pero pakiramdam ko ay isang oras ko nang binalikan ang mga desisyon ko sa buhay nine months ago.
Grabeng BS Pharmacy 'to. First year pa lang, pinapatay na'ko.
When I was in my high school years, I really enjoyed my chemistry classes. Kaya naman kahit hirap na hirap ako, I took it as a challenge. Hindi katulad ng Math na kahit ano ang ihain sa harapan ko, puro pasakit lang ang dala sa'kin.
As you can see, I'm not a biggest fan of numbers. Pero bakit 'di ko ba naisip na mai-involve din ang Math sa kursong 'to?
Ang husay mo talaga, Khione.
"Pharma student din naman ako pero 'di ako nagreklamo?" Crimson blurted. Still, the eyes are on the book.
Agad akong napaupo ng diretso at matalim na tinignan ang bwisit na nagsalita kahit na alam kong hindi niya naman makikita. "Oo. Pharma student din naman ako pero hindi ako kasing talino mo sa chem?"
"Read and stop talking nonsense. That's the key," he replied.
"Wow! Nonsense pa ba 'tong nahihirapan na---"
"Arat, inom buko," Cia intervened as she closes her book. "Pare-parehas tayong pagod."
Ginulo ko ang aking buhok dahil sa inis. Pare-parehas nga naman kaming pagod. Pare-parehas din kaming may punto. Pare-parehas din kaming walang kinain simula lunch.
Gabi na.
Napakunot ako ng noo nang nagligpit na rin ng gamit si Crimson. Nakatayo na silang dalawa ni Cia dala ang sari-sariling gamit samantalang ako ay nakasalampak pa rin sa bench.
"Hoy? Kailangan pa nating magreviewwwww," tamad kong usal.
"Tapos kanina ka pa nagrereklamo. Gulo amp," Crimson chided.
"Aba, Crim silk---"
"Iwanan na nga natin 'to," humarap muna si Crim kay Cia bago siya unang maglakad.
"Sunget! 'Di mo bagay!"
"Ligpit ka na dali. Gusto ko nang uminom ng buko," Cia uttered while helping at my things.
"Ang layo ng Dapitan! D'yan na lang sa gilid-gilid please!" reklamo ko.
"Ayaw."
Syempre, masusunod si mahal na reyna.
"10 minutes! Kung nakaupo pa tayo ro'n, edi sana may dalawang page na akong naaral!"
Nasa loob na kami ng kung-anumang-lugar-'to. Alas-siete na ng gabi pero puno pa rin ng mga estudyante ang loob. Karamihan, mga nagchichikahan lang at nagtatawanan kasama ng mga ka-blockmate o kaibigan. Whatever.
Sana ol.
"You know what, guys…"
Kahit masama ang loob ko dahil hindi nila pinapansin ang rants ko, tumingin pa rin ako kay Cia na kakakagat lang ng burger niya.
BINABASA MO ANG
Rhymed Nightfalls
Teen FictionThe lyrics that never belonged to me Not a Bobo series. But let's unfold the story of Lauritz and his verses.