No, don't do yolo
Blessing in disguise douche bag
Still, I'll kick Cia
"Come on! You guys, never joined us ever kapag nag-aaya kami!"
Six minutes! Kanina pa kami nagpipilitan nitong ka-blockmate ko. Napatingin na lang ako sa mga kaibigan kong kanina pa nasa tabi ng pintuan habang tahimik na nakikinig sa amin.
I secretly eyed them to help me with Aiah. But they just shrugged, hinahayaan akong mabulok dito hanggang mapa-oo nitong kausap ko!
Napakamot muna ako sa gilid ng batok bago sumagot. Konting-konti na lang talaga 'yung pisi ng pasensya ko.
"Hindi naman lahat bet mag-club."
"Yes! And this is the time to change your likes! Yolo, Khione! Ano ba!"
"The point is, we're done with the finals kaya pwede na magwalwal!" pagsingit nitong isa kong kablockmate na babae. Nagwala naman ang mga tao sa loob na walang kahirap-hirap na pinortray ang salitang 'walwal'.
"Cia," malumanay kong tawag sabay lingon sa babaeng kaibigan. She just raised her eyebrows.
Tignan mo! Wala talaga silang ibibigay na tulong. Nakakapikon.
"See? Cia's fine with this!" ako naman ang napataas ng kilay kay Aiah dahil sa mema-interpretation niya sa ekspresyon ng kaibigan ko.
"Gagawin niyo lang akong bridge kay Max, e. Lapitan niyo na lang kapag nando'n na kayo. Bait naman 'yon," sambit ko nang hindi na mapagpasensyahan ang lihim na hangarin ng mga kablock ko.
Aiah pouted. "Nakakahiya! Sige na, please?"
Ano ba 'yan! Gigol. Tinaguan ko nga last time kasi…kasama si Airport boy. Tinaguan ko nga tapos may kapal pa ako ng mukha para kausapin? Ako naman magmumukhang kahiya-hiya no'n kapag kinausap ko pa si Max.
"Let's drop this case," Cia interviened. Buti naman!
I was about to do my victory dance when I saw the glimpse of smirk in Cia's lips before gazing to Crim's direction.
"Sama na kami. Chat niyo na lang place," my eyes widen in Cia's litany.
Hello?! Nag-iimagine na ba ang tainga ko o ano?
Kahit gusto kong umalma ay nagsaya na ang mga blockmates ko sa loob. Mostly, mga babaeng sobrang saya dahil mame-meet na nila si Max. 'Yung iba naman, tuwang-tuwa dahil wala lang. Mema-saya gano'n.
"Thank you!" Aiah hugged me after shaking hands with Cia. Akala mo naman nanalo bilang presidente!
"Saglit lang, ah. Ano 'yon?!" bulyaw ko sa dalawang kaibigan nang makalabas na ng building. Seryosong naglalakad si Crim habang itong si Cia ay tuwang-tuwa. Hindi na naman ata ako updated sa mga buhay nila.
Kinawit lamang ni Cia ang kaniyang braso sa akin bago ngiting tagumpay na nagsalita. "Basta. Ready mo na lang cam mo mamaya."
Bahagya akong napalayo sa kaibigan at taka siyang tinignan. "Sha, anong pakulo 'to?"
"Hindi ako sasama," simpleng usal ni Crim sa gilid. Nabuhayan naman ako ng loob kaya sabay sabing, "Ako rin!"
"Hindi. Huwag tokis. Walang madaya rito," paninindigan ni Cia.
BINABASA MO ANG
Rhymed Nightfalls
Roman pour AdolescentsThe lyrics that never belonged to me Not a Bobo series. But let's unfold the story of Lauritz and his verses.