Chapter Five
Chapter Five
(Meeting Him Again)
Zya's POV
"maaaa! Mama!" patakbo kong hinahabol si Mama. Mabilis kong hinawakan ang kamay niya at buong puso akong ngumiti. Pinagmamasdan ko ang magandang mukha ni Mama. Hindi nakakasawa ang singkit nitong mga mata.
Naglalakad kaming pareho ngunit hindi ko alam kung saan ang aming punta.
Maya maya pa'y nagulat ako ng maramdamang ko ang kamay nito na kusang lumuwag upang bitawan ako."I'm sorry Yna.. I'm so sorry..." malungkot niyang tugon sa aking pagtataka. Bigla siyang lumayo sa akin at naglaho.
Unti unting binalot ng liwanag ang daan na nagpalinga linga sa akin.Takot na takot ako dahil ayaw kong mag isa."Mama!" matinis ang boses kong tawag sa aking ina.
Nahagip ng mga mata ko ang lila nitong suot kanina kaya mabilis ko itong linapitan ngunit siya naman itong lumayo.
Gusto ko siyang habulin ngunit, unti unti siyang naglalaho dala dala ang ngiti nitong mapanuya.Napahinto ako. Rinig na rinig ko ang mga halakhak niyang nagpapatayo ng aking mga balahibo habang unti unti siyang naglalaho sa liwanag.Wala na ang kaninang maamong mga mata, napalitan iyon ng panunuya.
Umiiyak akong pilit na hinahabol ang anino niya sa liwanag. Ngunit kahit anong pilit kong habol, mas lalo itong lumalayo. Isang marahang katok ang nauunlinigan ko, sipat ako ng sipat sa kung saan ang ingay na iyon nanggagaling."tok. tok!" napabalikwas akong napabangon at malakas na nagbuntong hininga. Darn it! Isa na namang masamang panaginip. Ang bangungot na ayaw ko ng mapanaginipan pa. Ang panahong iniwan kami ng magaling kong ina at piniling sumama sa ibang lalaki.
Napapikit ako ng maramdamaman ko ang sakit ng ulo ko.Napahawak ako rito at isinandal ang likod ko sa head board. Hayysst.
Napasinghap ako ng may marahang kumatok sa pinto. Dinig ko ang pihit ng malayang pagbukas nito."magandang umaga" bati ng isang may edad na babae ng tuluyan itong makapasok sa silid.
Nakakunot ang mga noo kong nakatingin lamang sa kanya.She's not familiar. Baka bagong hired ni Da--"SHEET!"
Napabangon ako at the same time nanlalaki ang mga mata kong napagtanto na hindi ito ang kwarto ko! Hindi ito ang bahay namin!
Nasa pamamahay ako ng kung sinong tao! OH MY GOD! WHAT THE HECK DID I JUST DO?"oh my god! Na-nasaan ako?" hindi ako magkadaugagang nagpalinga linga sa kwartong kinalalagyan ko. I hurriedly check my clothes. It's a relieved na yun pa rin ang suot ko. Pinakiramdaman ko ang buo kong katawan.
"ipinag uutos ng master na kung maaari ay bumangon na kayo" dagdag pa ng ginang na nasa singkwenta anyos na ata.
"s-sinong master? Teka manang nasaan ako?" pinipilit kong iniisip ang mga nangyari kagabi.Napasinghap ako ng maalala ko ang ginawa kong paglalasing kagabi. Pagkatapos kung lumabas sa bar na iyon, wala na akong matandaan pa. Hayyssst!
"dinala kayo ng master dito kagabi at sa tingin ko kayo ay lasing na lasing." paliwanag ng matanda.
Agad akong tumayo at linampasan ang ginang upang alamin kung sinong master ang sinasabi niya.Base sa suot kong hindi rin napalitan, wala namang masamang nangyari sa aking masama.Dali dali kong hinanap ang daan pababa ng malaking bahay na ito. Ni hindi ko pinapansin ang tawag ng ginang sa akin.
The place is astounding. Ang chandelier kung saan napahinto ako at napako ang mga mata ko rito. Is it possible that I am already dead and this is heaven? And that master is GOD?
Cut it off. I can't be in heaven with this attitude.
Then where the heck am I?
Bakit ako nandito sa lugar na ito? I mean--damn it! Kinidnap ba ako at aasawahin dito ng isang matandang hukluban?! Omo no way! O else...
YOU ARE READING
I AM HIS WOMAN [Casanova's Wife SERIES 2]
Romance[ON GOING] The third story you never forget. -CLAR SHAVEN XAIREZ