- 3 -

2 1 0
                                    

Clarisse POV
Pagkatapos ng klase, syempre pumunta na akong dorm. Nakaamoy ako ng– SH*T MAY SUNOG!!! Dali dali akong pumunta sa kusina at pinatay ang gas stove pati ang gasul.

Nasa'n ba si Sofia!? Nakita kong ham pala ang nakasalang, inilagay ko muna ang bag ko sa bakanteng upuan at nilagay sa pinggan ang ham na niluto n'ya at naglagay ng kanin tyaka ko kinain ito.

Hehe, sarap kaya! Mahilig ako sa sunog na ham, hotdog at bacon! Hindi pa naman s'ya sobrang sunog. Hindi naman ako pinaglihi sa gan'to ng nanay ko pero dahil kay Kuya Raven naging favorite ko na ang sunog, kasi nu'ng nagluto s'ya ng hotdog aksidente n'yang nasunog.

Nagalit pa nga ako sa una, eh. Pero nu'ng natikman ko nasarapan ako tapos doon na nagsimula lahat. Hihi–

“CLARISSE AKIN 'YAN!! BAKIT MO KINAIN?!” Maluha luhang sigaw sa'kin ni Sofia, hala! Napatayo agad ako sa kinauupuan ko at nilapitan s'ya,
“Sorry, Sofia! Nakita ko kasing sunog na 'yung ham pagkadating ko kaya kinain ko na. M-mahilig kasi ako s-sa s-sunog,” nahihiyang sabi ko

Maya maya, napatingin ako dito at nakitang nahagalpak na ng tawa.

“M-mahilig ka sa sunog?! HAHAHA! Ayos lang 'y-yon Clar-isse HAHAHA! Para HAHA sa'yo talaga 'yan HAHA n-nasunog lang!” natatawang sabi nito at naluha na sa sobrang tawa,
“Happy ka na no'n, 'te? Happy? Happy?” sarcastic kong sabi dito at inubos na ang pagkain ko at inilagay na sa lababo pagkatapos.

“Btw, sasali ka ba sa isang gang, Clarisse?” tanong sa'kin ni Sofia na ikinatigil ko,
“Hindi ako sasali.” simpleng sagot ko rito at pumunta nang kwarto ko,
“ANO?! BAKIT?!” Hysterical na sabi nito,

Aba't sumunod pa talaga!

“Oo, anong masama du'n?” takang tanong ko dito, nagseryoso bigla ang mukha nito. Pamental ko na kaya 'tong babaeng 'to?
“Pagiinitan ka ni Fritzy hangga't nandito ka sa school, Clarisse. Kaya kailangan mo ng gang. Baka nga bukas, pagka pasok na pagka pasok mo pa lang sa room natin baka may sorpresa nang inihanda sa'yo si Bonny.” sabi nito na halata pa rin ang pagaalala, Bonny?

Nagtatakang tinignan ko ito.

“At sino naman 'yang Buni na 'yan?” inis na tanong ko,
“B O N N Y hindi B U N I!” napasapo pa ito sa noo n'ya,
“Sobrang taba ni Bonny, pwede nang pang punching bag. May gusto s'ya kay Fritzy kaya ginagamit ni Fritzy si Bonny pag may kailangan s'yang kahit ano. At si Bonny naman, nasunod kaagad kay Fritzy dahil nga gustong gusto n'ya si Fritzy.” sabi sa akin ni Sofia,
“Inshort uto uto itong si Bonny.” sabi ko dito at inirapan si Sofia,
“Dame dame mong sinabi eh.” sabi ko pa rito at tinulak s'ya papalabas ng kwarto ko at humiga na.
“ANG HARSH MO, CYST!” huling narinig ko na sinabi nito at nakatulog na nang tuluyan.

Kinaumagahan, nagising akong maganda pa rin. Emeged.

“Gooddddmooooorning! Beautiful sunshine! But sarreh, I'm prettier than you. Mwua!” oh diba parang t*nga, pero wapakels.
“Lalalala– ay butiki!” gulat kong sabi nang mabasag ang nilalagyan ko ng toothbrush.

Enebe nemen yen. Pati 'yung baso nainlab sa aking boses. Hehe.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay naglakad na ako papuntang classroom pero kinutuban ako. Something's wrong. Huwaw english ahe.

Wala nang tao sa labas ng room namin, tinignan ko ang wrist watch ko at nakitang 7:30 pa lang. Pag gan'tong maaga pa, alam kong mga nakatambay pa 'yon dito sa labas ng room o kaya nasa garden pa 'yung iba, ano yun, lahat sila nasa garden? Urur.

So, eto na pala 'yung hinanda ng bonny na 'yon? Tch. Dahan dahan akong naglakad papuntang room namin at lumapit sa may bintana namin at chineck kung may tao, hule kayo! Pero di kulong. Lahat sila nandoon at nagiintay ng Clarisse na papasok.

Sakto nakita ko si Sir Cabulao na naglalakad papunta dito, muntikan na akong mapatalon sa tuwa dahil nasa akin ang swerte ngayon. WHAHAHA! Sareh gOiZ, pero si Sir Cabulao the terror teacher ang papasok, hindi ako. Kitakits na lang sa detention office!

“Sir,” pormal na bati ko dito at nagbow pa ng unti, Imma great pretendah guys! Whahaha.
“Oh, Ms. Liviana? Bakit andito ka pa sa labas?” takang tanong nito, syempre sir! Wala pa ako sa loob, edi nasa labas! Char.
“Hehe, sorry sir! Nalate po ako. Ahm, Ikaw na po muna Sir ang pumasok. Sorry po ulet,” sabi ko with matching kamot ulo pa 'yan.
“Sige,” sabi nito at pumasok na
“Good–” hindi natuloy ni Sir ang pagsasalita nang may nambato sa kan'yang itlog at may nagbuhos pa sa kan'yang tubig, harina at pintura pati– SH*T!

M-may nag hagis sa kan'yang a-ahas at deretsong kinagat ng ahas 'y-yung p-p*ta 'yung p-pototoy!

'Y-YUNG AHAS KINAGAT 'YUNG P-POTOTOY NI SIR CABULAO!

Huli na nang marealize nilang hindi ako ang nabiktima nila, kundi si Sir Cabulao. Sh*t.

“A-ALL OF YOU E-EXCEPT CLARISSE GO TO DETENTION, N-NOW!” Huling sabi ni Sir at nawalan ng malay.

Labeo na Sir, nasingit pa talaga 'yung EXCEPT CLARISSE.

“Dalhin natin si Sir sa clinic! Fritzy, kasalanan mo 'to!!” Tarantang sabi ng matabang mataba na lalaki.

Teka, eto ata si Bonny eh!! Takot pala 'to kay Sir Cabulao??? HAHA!

“Wait what?! Wala ako knows d'yan 'no! Kayo ang may pakana na'n! Victim lang me!” tanggi ni Fritzy

Spell pa VICTIM, F R I T Z Y

“Walang magdadala kay Sir sa clinic, go to detention office. NOW!” Ma-awtoridad na sabi ko sa kanila na ikinairap lang ni Fritzy
“Ikaw talaga may fault nito Clarisse, eh! Dapat ikaw ang nand'yan sa floor! Not Sir Cabulao!” sisi nito sa'kin, oh sige sisihan pa tayo hanggang sa mamatay si Sir d'yan.

May tinawagan na akong magdadala kay Sir kanina pa. Asan na ba ang mga 'yun?!

“May magdadala na kay Sir sa funer– este sa clinic. Kaya kayo, pumunta na kayong detention office.” sabi ko sa mga itlog na 'to

Wala silang nagawa kundi sundin ako at isa isang umalis miski si Fritzy at Bonny. Nagtatalo pa nga 'yung dalawa eh.

“Pamula ngayon, hindi na kita gusto at lalong hindi na kita susundin!” biglang sigaw ni Bonny at nauna nang maglakad, natulala saglit si Fritzy at sumigaw rin
“WHAT?! NO DAAN BONNY!” Fritzy, at syempre 'di ako papatalo. Sumigaw rin ako,
“SuRpRiZe pa,” sigaw ko rin at masamang tinignan naman ako ni Fritzy at nagpapadyak papuntang detention office.

Para silang nakawalang mga bilanggo na sama sama ring pupunta pabalik sa bilanggo. Thirty-five sila lahat lahat.

Told yah, don't mess up with Clarisse *flip hair*

LIVIANA ACADEMY (LA)Where stories live. Discover now