AUGUST, 2011.
Yung month na, Nilegal ko siya sa parents ko. Ganun pala pakiramdam nun. Nakaka'kaba. Nakakailang. Pero mas kinakabahan si cherish saken, HAHAHA. Nung nasa harap na kame ng bahay namen. Pumasok kame. At Nakita nya yung tito ko. Nag mano at sabay sabe na, Hello po. Ako po si Cherish. HAHAHAHA. Sobrang natawa ko. Kase pakaba niyang sinabe yon. Pero sinabayan ko na, Oo. Tito. Siya si Cherish. Cherish Osinsao, Girlfriend ko. :)
Pagkatapos nun,
Nagmiryenda kame. At parang nag susurvey pa ang tito ko sakanya. Pero nung time na kailangan na umuwe ni cherish. Nag mano ulet siya at sabe ni tito. Ingat ka nak, Ang ganda mo pa naman. Hahahaha. :D
Natuwa siya, Di ko akalain na dun palang pasado na si Cherish. Baket nga naman ba di papasa? Eh. Napaka ganda kayang babae ni Cherish. Mabaet, Cute, At Napaka ganda! :')
JANUARY 26, 2012.
Birthday nya. Di ko alam kung pano gagawen ko. Syempre bata palang kame nun. Teddy bear ang naisip ko ibigay para sa kanya. Kase sabe nila, Kapag nag sisimula palang. Teddy bear muna. Means Remembrance, Para kapag malungkot siya. Pag nakita nya yon. Sasaya siya kase bigay ng taong mahal niya. Kaya TEDDY BEAR ang naiisip ko talaga. :')
saktong half-day lang kame nung birthday nya. Sabe niya na pinapapunta ako ng mama niya sa bahay. Gusto daw ako makilala. HAHAHA. Nung narinig ko yon. Kinabahan ako. Di ko alam kung ano susuot ko. At di ko alam kung pano ko mag hehello sa mama nya. Pero nilakasan ko loob ko. At sabe niya na di niya ko pababayaan at di daw ako basta basta ma o'op. Kaya nung time na nag uwian na kame. Umuwe ako, Kasama ko siya. Pinagmamadali niya ko. Para daw masulit yung oras. HAHAHA. Di ko alam kung ano susuot ko, Pero buti nalang Nakita ko yung red white kong long sleeves. Ayon yung sinuot ko, Kase maporma naman. Nilagay ko sa bag ko yung Teddy bear, At dali'dali akong bumaba. At sabe ko. tara na. Punta na tayo senyo. :D
SA LABAS NG BAHAY NILA.
Ang sabe ko kay Cherish.
"Babs. Tutuloy pa ba ko? Kinakabahan ako. HAHAHAHAHA."
-- "Babs. Tara na! Wag ka na mahiya. Andito naman ako eh. Di kita pababayaan. At isa pa. Birthday ko. Kaya tara na, Pasok na tayo."
Sabe niya. Pero, Pumasok na nga kame. At nung pag bungad ko sa pinto. Nakita ko yung Mama nya. Nag mano ako. At sinabe ko na. 'Hello po, Tita.' Sobrang kinabahan ako. HAHAHAHA. Umupo ako sa isang tabe. At nakatingin saken si Cherish pati yung mga ate niya. At pati mga pinsan niya. Halos natatawa sila. Di ko alam kung sino nga ba pinagtatawanan. Pero basta ako. Nagawa ko yung dapat kong gawin. Siguro. Kaya sila natatawa kase kinakabahan ako. at hiyang hiya ako. Pero buti nalang may kasama akong dalawang kaibigan. Kaya kinapalan ko yung mukha ko. Nandun din yung mga kaklase niya. Nung time na yon. Kaya nahihiya talaga ko. Binigay ko yung regalo ko sa kanya. Sinabe ko na.
"Gusto ko sana, Ingatan mo yang teddy bear na yan."
Sabe nya,
"Oo naman, Bigay ng taong mahal ko to we."
Sabe ko,
"Mag picture kayo wa? Post mo sa FB. Hahahaha. :D"
Sabe niya,
"Oo ba. Ang caption ko. Bigay ng taong mahal ko."
HAHAHA. Naging legal na talaga kame sa isa't isa. Legal sa parents ko. Legal sa parents nya. Ang saya diba? Ang swerte ko na dumating talaga siya sa buhay ko. :') :D ♥
BINABASA MO ANG
3 Years RELATIONSHIP With Her.
Fiksi RemajaGusto ko lang ishare yung kwento na, Kung saan naging masaya ako. Kung saan naramdaman ko kung pano mag mahal, Kung pano mainlove, Kung pano mag aruga ng babae, Kung pano rumespeto. Kung pano ingatan yung relationship. Kahit na tatlong taon lang yun...