SCHOOL YEAR 2011-2012.
First year siya, At Second year naman ako. First day of school. Nakita ko siya sa tapat ng room nila. Ngumiti ako sa kanya. At sinabe ko na, HI. Nakakatorpe man. Pero ginawa ko pa ding sabihin yon. Kase gusto ko talaga siya makausap. Nagkausap naman kame nun. Naglalakad habang nag uusap. Napunta na nga kame sa gate ng ECI eh. Nung time na yun. Kinuha ko yung number nya. At nag patulong pa talaga ko sa kaibigan ko na makuha number niya. SI RJ. HAHAHAHA. Ang naka relasyon nya ng laro laro lang. One week lang ata sila. Nung nakuha ni RJ yung number ni cherish. Walang pag dadalawang isip. Pag kauwi ko. Eh tinext ko agad siya. Hanggang sa araw araw lage na kameng mag katext, Mag ka chat, Mag kausap. Naging mag best friend kame. Ang tawagan pa nga namen ESPREN. Ang sweet nga namen e. Parang KAME, Na hinde.
NUTRITION MONTH.
Yan yung nagkaroon ako ng lakas ng loob, Para manligaw sa kanya. Nag usap kame nun sa 3rd floor ng school. Ang sabe ko sa kanya,
"CHERISH, Panu kung di lang hanggang ESPREN yung nararamdaman ko sayo, Panu kung gusto ko higit pa dun,"
Ang sabe nya,
- "Anong ibig sabihin mo, Espren?"
Natahimik ako ng mga dalawang minuto, sabay sabe na,
"Cherish, MAHAL KITA EH. Naiinlove ako sayo, Nung una palang kita nakita. Gusto na talaga kita, Papayag ka ba na, na... na ano,, na LIGAWAN kita?"
ang sabe nya,
"Espren, Pag iisipan ko, Basta kung ano maging sagot. Sana okay lang sayo."
Dun palang nangamba na ko, Pero di ako nawalan ng pag asa na kaya ko to. Papasa ko sa kanya sigurado yon. Tsaka, Tama naman yung sabe nya. Nung narinig ko yon. Parang pakiramdam ko. Siguro bawal pa siya, At pakiramdam ko kailangan niya mag aral ng mabuti. Pero ako naman. Ang kulet. At naguguluhan kung baket ko nga ba nasabe yung nararamdaman ko sa kanya. HAHAHA.
Natapos yung pag uusap namen na parang naiilang sa isa't isa. pero okay lang. Kase ayun yung time na sabay kameng umuwe. Hinatid ko siya sa may sakayan ng motor dun sa crossing sa bayan. First ko siyang nakasabay umuwe. At yung first time na yon. Talagang sulit. Kase ayun yung Unang Holding Hands While Walking nameng dalawa. Ewan ko, Kung pano ko nahawakan ng biglaan yung kamay nya. Pero basta. Ang pakiramdam ko nun. Masaya ko na kasabay ko siya. At masaya ko na katabe ko siya. Kaya feeling ko parang kame. Kaya bigla kong nahawakan yung kamay nya. At ang nakakatuwa dun? HInde siya bumitaw. Nag lalakad kame sa tulay ng corazon na hinde siya bumibitaw sa kamay ko. Hinatid ko siya na, Dala dala ko yung lakas ng loob at kapal ng mukha na kaya ko palang maiparamdam sa kanya na MAHAL ko na siya talaga.
BINABASA MO ANG
3 Years RELATIONSHIP With Her.
Teen FictionGusto ko lang ishare yung kwento na, Kung saan naging masaya ako. Kung saan naramdaman ko kung pano mag mahal, Kung pano mainlove, Kung pano mag aruga ng babae, Kung pano rumespeto. Kung pano ingatan yung relationship. Kahit na tatlong taon lang yun...