Tip No. 23 - May Katapusan Din Ang Lahat

16.7K 298 14
                                    

"Andito ka pala, Mads." Sabi ni Claire nang nakalapit na sya sa akin. May dala syang dalawang baso at ipinilit sa kamay ko ang isa na puno ng brown na liquid. "Grabe ka, iniwan mo kami and ang party mo."

Napa-kunot ako ng noo at tinignan lang ang baso. "Cla, sabi ko naman sa'yo-"

Hindi ko na nai-tuloy ang pagprotesta dahil pinutol agad ni Claire ang sasabihin ko. "I know, I know. May work ka pa. If you can just be honest with me, I won't be forcing this on you." Itinaas ni Claire sa bibig nya ang hawak na baso na puno ng yelo at liquid na mukhang tubig at sumipsip ng konti bago nagpatuloy. "I'm your best friend, Mads. It sucks na I have to resort to this para malaman secrets mo."

Kumirot ang dibdib ko bigla ng tinignan nya ako ng may lungkot sa mga mata at nabalutan ako agad ng guilt sa katawan. Kung alam lang nya ang dahilan bakit hindi ko sinasabi, malamang hindi lang lungkot ang maramdaman nya. Wala tuloy akong nagawa kundi pagbigyan sya at ubusin nang isang inuman ang laman ng baso.

Napapikit ako nang gumuhit sa lalamunan ang nainom. "Kung ano man 'to, hindi ko na ulit iinumin."

Natawa si Claire. "That's because you shouldn't be drinking whiskey straight up." Napasandal na rin sya sa pader sa tabi ko at mukhang wala syang balak tumigil hangga't hindi nya nakukuha ang gusto nya. "Seriously, Mads, ano ba talaga yang tinatago mo na yan at you'd rather drink than fess up? Parang ma- oh, hell no."

Napatingin kaming tatlo sa direksyon kung saan nakatitig ng masama si Claire at nakita naming naglalakad papunta sa amin si Jasmine na naka pulang dress at high heels. Naramdaman ko bigla ang pag-tense ng lahat ng muscles sa katawan ko nang pinalupot nya ang mga braso nya sa leeg ni Nathan pagkalapit na pagkalapit nya dito.

"Hey, I've missed you." Sabi ni Jasmine. Hahalikan na sana nya ang boyfriend ko pero pinigilan sya ni Nathan at lumayo ito agad sa kanya. Buti na lang dahil sinapian yata ako bigla ng isang deds na hyena at nagbabalak nang talunan itong babaeng 'to at pagkakagat-kagatin.

"Wow, you're cold. Ang sweet mo last night, pati kaninang umaga, pero ngayon ganito na?" Patawa-tawang sabi ni Jasmine. "I just came by pa naman to tell you na I can stay over tonight ulit at I think I left my undies sa condo mo."

Bigla kaming nakarinig nang pag basag ng isang bagay at huli na nang namalayan kong nabitawan ko pala ang baso na hawak ko.

"What the fuck are you talking about, Jas?" Sabi ni Nathan na malalim na naman ang kunot sa noo. Tumingin sya sa akin, may hint ng panic sa mga mata nya, at sinabing, "Babe, none of that is true. Don't believe her."

Tinaasan ni Jasmine ng kilay si Nathan bago bumaling sa aming tatlo nila Claire at Tala. Medyo nag-tagal ang mga mata nya sa akin at napa-kunot pa sya ng noo habang tinititigan ako pero napunta din kay Claire ang atensyon nya.

Umalis si Claire mula sa pagkaka-sandal sa pader at itinulak si Jasmine sa balikat gamit ang hintuturo nito. "Get your slutty paws off my man." Sabi ni Claire. "It's okay, babe, I don't believe a word she says."

Hindi ko alam kung epekto ba ng isang basong whiskey o sabaw lang ang utak ko ngayon kaya mabagal mag-process ito pero tama ba ang narinig ko na magkasama sila kagabi hanggang kanina at gumawa na naman ng kung anong kababalaghan?

Parang biglang nahigop ang lahat ng oxygen sa Earth at hindi na ako makahinga. Sumabay pa ang pagra-riot ng mga lamang loob ko at hindi ko malaman kung paano sila papatahimikin. Kailangan ko yata umupo o humiga o uminom ng tubig.

Gulong gulo na ang utak ko at hindi malaman kung ano ang paniniwalaan. Deep down kasi, hindi pa rin ako makapaniwala na mahal ako ng taong 'to dahil napaka-surreal naman yata na magka-gusto sya sa isang tulad ko na galing probinsya at hindi pala-ayos samantalang may isang Jasmine Espino na maganda at sexy na nandyan at laging uma-aligid sa kanya.

A Promdi's Guide To Self-discovery (A Girl's Guidebook #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon