Vera Aleia Point of View
"Anong oras ka na natulog kagabi? Mukha kasing bangag na bangag ka." Tanong ni Honey habang nagpupunas sa basa niyang buhok.
"2 AM," I answered her.
Nalaglag ang panga niya sa sinabi ko, well not literally. Bakit hindi siya makapaniwala? Kaya naman kasi 2 AM na ako nakatulog dahil nagbabasa pa ako ng diary ni JD.
"Talagang kina career mo ang pagbabasa ng diary na hindi sa 'yo, e, 'no at mas masaklap pa dahil ang may ari ay may COVID 19," sabi ni Honey na parang nanggigigil sa 'kin. "Throw that notebook, Vera, I warned you already."
"He was a COVID-19 patient," I muttered. "Do you know the difference of was from is? It's a past tense, Honey Grace, tapos na."
I look at her through her eyes. Nagsukatan kami ng tingin, ang unang kumawala siyang talo. Pagdating sa ganito si Honey ang laging panalo but this time I will not let her win.
"I will not throw that notebook, and better not lay your fingers on that notebook, sinasabi ko sa 'yo." May riin ang bawat salitang binibitawan ko.
Hindi niya pwedeng itapon nalang basta-basta ang notebook na 'yon. Hanggang si Honey na rin ang umiwas ng tingin.
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo? This is for your own good also, Vera Aleia," sermon niya sa 'kin.
"He already recovered, Honey, you don't need to worry and I still want to read his diary, there is something in my mind that saying to continue reading that diary. 'Tsaka alam mo sa sarili mo na ayos na siya," I said. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong ito. "Besides ibabalik ko din sa kanya 'yong diary kapag nagkita ulit kami."
"The fact that he's once a COVID-19 patient." Muli niya akong tinignan at napailing nalang siya.
"As you said, Madam. Once. Tapos na. Hindi mo pa rin ba gets?" Hindi makapaniwalang saad ko.
Ang hirap talaga ipaintindi kay Honey. Can she get that it happened in the past already? The man was already cure.
"Bahala ka na nga sa buhay mo." 'Tsaka siya dumiretso sa closet niya at hinanap ang kan'yang uniform.
Naglakad nalang ako papunta sa CR para maligo. Natapos ang ilang minuto at lumabas na ako. Kakatapos lang din ni Honey na mag-ayos. May kanya-kanya kaming schedule ngayon para sa mga trabaho namin.
"Mauna na ako sa 'yo sa labas sumunod ka nalang para kumain," she said before she left the room.
Agad kong kinuha ang ang lab coat ko na naka prepare na sa kama ko. Sinuot ko ito, 'tsaka ko kinuha ang suklay ko at nagsimula ng suklayin ang buhok ko. Ilang minuto din ay natapos na ako sa pag-aayos. Tsaka ako lumabas sa kwarto.
Nakita ko si Honey at Aris na nasa hapag kainan na. Wala pa si Krizza bakit kaya natagalan ang babaeng 'yon?
"As usual busy sa mga estudyante niya," sabi ni Aris, siguro nakita niya sa mukha ko na hinahanap ko si Krizza.
"You're right, I saw your face which is searching our dear cousin, no other than Krizza." She answered again. Kumunot ang noo ko sa kanya. Manghuhula ba itong si Aris? Nalalaman niya kasi ang mga iniisip ko.
BINABASA MO ANG
Will You Survive? (Inspired Series #1)
Teen FictionVera Aleia Lopez A doctor struggles to be a writer. A COVID-19 patient writes about his journey as he fought his battles. A tragedy had come that had shaken her. Countless reasons to surrender, but also countless reasons to continue surviving. Will...