Chapter 3

27 1 0
                                    

CHAPTER 3

Sumakay na ako nang van papuntang MOA. After ilang minutes nakarating na ako. Hindi naman traffic kaya mabilis. Naglakad na ako papuntang starbucks. Bubuksan kuna sana yung pintuan nang may nasalita sa likuran ko na magpatindig nang mga balahibo ko.


"Mikayla?" 
 
Nagtaasan balahibo ko nung may tumawag sa pangalan ko. Pagharap ko... bumungad sa akin ang isang gwapong lalaki. Yung katawan niya tama lang. Naka-muscle tee siya and black skinny jeans at may nakapulupot na flannel sa bewang niya. Napanganga ako ng wala sa oras. DREAM GUY KO KAYA YUNG GANITONG LALAKI.
 
"Uhm, ikaw si Bradley?" 
 
"Huh?" tanong nung lalaki. 
 
"Ikaw ba yung tumawag sa pangalan ko?" tanong ko sa kanya.
 
"Ay hindi po miss. Hinihintay ko lang buksan mo yung pintuan. Siya po ata yung tumatawag sa'yo?" sabi ni guy sabay turo sa likod niya.

WHAT? HINDI SIYA SI BRAD? Sino kaya siya?! Nasaan siya? Pagtingin ko sa likod. May bumungad sa aking guy na naka-white shirt at black jeans din. Yung buhok niya naka-baba, medyo mahaba kaya medyo natatakpan na yung mukha niya. ang simple niya lang pero shemay ang gwapo! Siya na kaya si Bradley? SANA NAMAN!
 
"Uy!" bati nung guy na naka-white shirt.
 
"Uhh. Hi! Ikaw... si Bradley?"

 "Oo! Si Mik-mik ka from dating site?" tanong niya.  
 
"Yup." sabi ko sa kanya with shy effect.
 
Wala pang 1 min, niyakap niya na ako. HOLY GUACAMOLE! Ang init ng katawan niya. LAV NA BA ITU? HALOS 3 MINS DIN YUNG HUG NA YUN WAG KA!
 
"I'm so glad to meet you! Oh? Ano? Kain na tayo?" tanong niya pagkatapos naming mag-hug.
 
Ako natulala. Siyempre, FIRST TIME KO LANG MAKA-EXPERIENCE NA MAYAKAP NG ISANG LALAKI SA PUBLIC + ANG GWAPO NIYA + NAFEEL KO ABS NIYA KAHIT WALA SIYANG ABS +.... 
 
"Uy Mikmik!" "Okay ka lang ba?" tanong niya. 
 
"Uh... oo naman!" 

"Kain tayo! Nagugutom na ako eh." yaya ni Bradley my loves (josko HAHAHAHA) 
 
"sige lang! Tara! Hehehe" sabi ko. Ano yun? Niyakap lang naman niya ako for almost 3 mins, nagutom agad siya. Galing ah! Hahaha. 
 
So, naglibot libot muna kami ni Bradley bago kumain. Naghanap hanap ng makakainan. Feeling ko naiinlove na ako sa kanya. Chos. Ang daldal ko nung magkasama kami. Yung kamay namin nagbabanggaan habang naglalakad and I'm just here like: "OMG BRAD HAWAKAN MO KAMAY KO PLEASE!!" Grabe ang landi ko pala. Anti-social ako diba? Kapag kasama ko sila Sky mag-gala sa MOA and ibang mga classmates ko hawak ko lang cellphone at nagttwitter lang ako eh. Pero bakit ganito ako ngayon? Baka siya na magpapabago sa pagiging anti-social at mahiyain ko. 15 mins past. Nakahanap na kami ng fast food na pwedeng makainan. Wala mashadong tao. Siguro, pinlano na ni Papa Henry Sy 'to. Na kapag lalabas kami ni Bradley wala mashadong tao para moment lang talaga namin yun. JOKE! *sighs* nababaliw na ako. 
 
"Dito nalang tayo kumain ah." sabi ni Bradley. 
 
"Oo, sige okay lang naman." 
 
"Ano gusto mong kainin, Mikayla? tanong ni Brad. 

"Of course, You..." sinabi ko pabulong. 
 
"Ha?? Anong you? Ako? " tanong ni Bradley. Tapos yung mukha niya medyo nawiwirduhan sa akin. 
 
HALA. Narinig niya. Grabe naman yung tenga nito. 
 
"uhhh.. You! YOU-mpiang Shanghai! Sabi ko gusto ko kumain ng lumpiang shanghai" sabi ko sa kanya. Nyemas. Narinig niya pa yun? 
 
"Ah! Kala ko kung ano eh!" sabi niya then he smiled widely.
 
ANG GWAPO NIYA TALAGA!! WAAAAAAAH!! Tumayo na siya and umorder na. Habang naka-pila siya. Tinititigan ko siya ng matagal na matagal. Feeling ko nga natutunaw na siya. The feels! 
 
After niyang mag-order, bumalik siya sa kinauupuan namin. 
 
"Ikaw lang mag-isang pumunta rito?" Brad asked.
 
"Yup! Malapit lang naman ako kaya keri lang." I answered. "Ikaw? Malapit ka rin ba? Kaya ka mag-isa pumunta?" 
 
"Yes, malapit lang ako. Pero may kasama akong pumunta rito. Actually, nag-gala muna siya." sabi ni Brad. 
 
"Oh sino?" 
 
"Secret! Mamaya papakilala ko siya sa'yo. Friends naman na tayo so yea." he said then smiled widely again. 

Friends lang ngayon pero next week tayo na! Joke. *sighs* Kakatunaw ngiti niya. Pero sino kaya kasama niya? Baka kapatid niya? O baka parents niya! ipapakilala na niya ako! Echosera ko please. At ngayon, tinitignan ko siya bawat subo niya. Kahit the way siya kumain ang gwapo gwapo. 
 
*10 mins later* 
 
"Nabusog ako dun ah! ikaw busog ka rin ba?" Brad asked. 
 
"Of course! So, ano na plano natin after this?" I asked. 
 
Hinatak niya ako palabas ng fast food chain. "May pakikilala ako sa'yo." sabi niya habang hinahatak niya ako. "Akin na pala yang bag mo, ako na magdadala. Mukhang mabigat eh." Pagkabigay ko ng bag ko sa kanya. Hinatak ulit niya ako. 
 
Super excited niya ah? Baka kaibigan niya rin sa dating site yung kikitain namin? Ano ba yan may karibal na pala ako. 
Naghintay kami sa Manila Bay ng halos 30 mins. Pero syempre, kwentuhan muna about sa life tapos dumating yung time na ako na yung pinagkwento ni Bradley about sa dramatic life ko. 
 
"Simula grade 2 iniwanan ako ng parents ko and they migrated to U.S pero ala-" napatigil ako nung sumigaw si Bradley. 
 
"Adrian!" sigaw ni Brad. 
 
Gwapo rin nito ni Adrian ah. Baka kapatid ni Brad. Mas matangkad lang talaga si Adrian. Kasing tangkad ko lang kasi si Bradley. O dibuh. BAGAY KAMI.
 
"Adrian, siya yung sinasabi ko sa'yo. Si Mikayla." 
 
"Oh hello Ms. Mikayla. I'm Adrian Villanueva." 
 
"Hi Adrian. I'm Mikayla Harrison. You can call me Mik." Oh, ang bait ko ah! Hahaha! "Brad, kapatid mo ba siya?" sabay turo kay Adrian. 
 
Adrian and Bradley laughed at me and i was like "Okay? Ano meron? Hahahaha!" 
 
"Nakakatawa ka Mik ha!" sabi ni Brad sakin then laughed again. 
 
"Kamag-anak mo ba siya? Friend? Classmate?" tanong ko kasi curious na ako kung bakit sila tumatawa. 
 
"Actually, Mik..." sabi ni Brad with a huge smile on his face. 

"soon-to-be boyfriend ko siya" 
 
HOLY MOTHER OF ZEUS! ANO RAW?!!! HA?! BAKIT?! 
 
"HA?!" tanong ko sa kanya. 
 
"Masaya ka ba para sa akin sis? Hehehe!" tanong ni Brad. 
 
Hindi ko alam magiging reaksyon ko. Feeling ko blanko mukha ko nung mga oras na yun. 
I GOT A BLANK FACE BABY... 
 
Hindi ko alam gagawin ko that time. Feeling ko nagunaw mundo ko at lahat ng tao pumunta na ng Mars habang ako nalulunod na sa di malamang emosyon. 
 
BAKLA SIYA? WHAT THE FUDGERY. MARAMI NA AKONG PLANO NA NILAGAY SA STARBUCKS PLANNER KO AFTER NG KASAL NAMIN. PANO NA YUNG ANAK NAMIN? PANO NA?! (chosera wala pa kaming anak. O.A lang talaga ako) 
 
"Uy! Mikmik kanina ka pa nakatulala dyan!" bigla akong bumalik sa sarili ko nung tinanong ako ni Bradley. 
 
Tinalikuran ko siya at tumakbo papalayo. Na-feel ko yung pag-takbo ng luha ko sa mukha ko. Hindi naman big deal na bakla siya pero... bakit ganun? Na-fall kasi ako bigla eh. Huhuhuhu. 

"MIKAYLA, HINTAYIN MO AKO! SAGLIT LANG!"
 
Hinabol ako ni Bradley. Pero before niya akong ma-abutan naka-sakay na ako ng jeep. Bakit ba siya nagpapahintay? I-eexplain niya ba kung bakit siya na-inlove kay Adrian? *sighs* Napatingin ako sa kanya sa di kalayuan dahil may sinisigaw siya pero hindi ko maintindihan. Pero yung huling sigaw niya tinaas niya yung hawak hawak niya.  
 
"MIKAYLA, SAGLIT! YUNG BAG MO NAIWAN MO SA AKIN! UI BUMALIK KA RITO!" 
 
Oh diba. Ang shunga ko talaga. Dahil sa ka-emohan ko, naiwanan ko pati bag ko. Buti nalang may natirang P50 sa bulsa ko, may pamasahe pa ako pa uwi. Hay. What a day. 
 

----

ALERT: May konting nabago sa chapter 2 pero sa huli lang naman. :) Penge naman feedbacks oh! Baka nacocornihan na kayo eh. Sorry sa mga typo or gram errors. Hindi na kasi ako nagbabackread. Follow my co-writer -> Caloratusiel. 
 
Sorry kung mabagal kaming mag-update. Medyo busy sa school eh. Love lots! xo 
-hannahnymous 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

OH MY GUEL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon