Words count: 693
IRENE'S POV
"Justine" tawag ko sa napaka cute kong anak"Bakit po mama?"
"Naimpake mo na ba lahat ng damit mo, anak?" Tanong ko dito
"Opo, mama. Mama andoon po ba si papa?"
Napahinto ako sa pag aayos ng mga damit ko sa tanong ng anak ko. Ngayon lang nagtanong ang anak ko tungkol sa papa niya. I know it's selfish of me to keep her father's identity to her but i can't help it. Everytime i tried to talk to my daughter about Him i always remember how he crushed my heart.
"Mama?" Napabalik nalang ako sa realidad ng makitang kong iwinawagayway ng anak ko ang kanyang maliit na kamay sa harap ng mukha ko.
"Anak, h-hindi ko alam anak ehh, busy kasi ang papa kaya baka hindi siya makapunta"
Napansin ko ang pagbagsak ng balikat ni Justine sa sinabi ko
"Pero sasalubungin naman tayo ni lolo at lola, nak." At doon na nga unti unting nanumbalik ang sigla nito.
Philippines
Pagbaba palang namin ng eroplano ay manghang mangha na si Justine sa mga nakikita niya halos mabali na ang leeg niya sa sobrang mangha kaya natawa nalang ako sa kanya.
"Let's go Love, baka naghihintay na sila mamu sa atin." at ayun nga ang bata at ako na ang hinihila
Pagpasok palang namin sa airport ay natanaw na agad namin sila mommy at daddy.
Tumakbo naman papunta sa kanila ang anak ko at sinalubong naman agad ito nila at kinarga ni daddy.
"Iha, kamusta kana? Namiss ka namin anak. Limang taon ka rin namalagi sa California." Tanong sa akin ni mommy habang nakayakap sa akin.
"Okay lang naman mom, nakakapanibago lang ang daming nagbago pero ganun parin ang amoy." Napatawa nalang kami ng sabay
Pumunta naman ako kay daddy at siya naman ang niyakap ko.
Katulad kanina ay nagkamustahan rin kamiHindi ko mapigilan ang maging emosyonal dahil matagal tagal rin kaming hindi nagkasama dahil mas pinili ko ang manirahan sa ibang bansa habang ipinagbubuntis at pinapalaki ang akin anak.
"Iha, mata lang ang nakuha ni Justine sayo at halos lahat ay sa kanyang ama na niya namana" biglang sabi ni daddy na nagpatahimik sa akin. Maging ako man ay napansin ko rin iyon dahil blonde ang buhok ng anak ko ang manipis na labi at ang fair skin ng kanyang ama ay kanyang namana
Habang bilugan naman ang kanyang mga mata
Habang tinitingnan ko siya ay nakikita ko siya sa anak ko
Napansin siguro ni mommy na natulala ako kung kaya ay siniko niya si daddy na nagpadaing sa kanya
Siguro na realize ni daddy ang nasabi niya kaya napatikhim nalang siya
"Ahm, tara na. Nakahanda na ang sasakyan baka nag hihintay na si mang danny" sabi ni daddy
Si mang danny ay ang driver namin pag tatravel kaming buong pamilya
House
Pagkapasok namin sa bahay ay pinaasdan ko ito. Waang pagbabago maliban nalang sa mga picture frame na nadagdagan at lahat iyon ay larawan namin ni Justine.
Hindi ko maipaliwanag an nararamdaman ko, nang tingnan ko ang anak ko dahil walang maingay nakatulog na pala ito sa balikat ni daddy kung kaya ay kinuha ko ito sa kanya at nagpaalam na dadalhin ko muna ito sa kwarto ko.
Pagkatapos kong mailagay sa kwarto si Justine ay bumaba na ako sa sala at naabutan ko doon sila mom at dad na nakaupo habang nakaakbay si dad kay mom. Pinagmamasdan ko lang sila at napangiti ako, wala paring pinagbago, tulad parin nang dati sila kung maglambingan.
'Ganito rin sana kami ngayon' napaisip nalang ako
Napansin ako ni mommy na nasa may hagdanan pa kaya ay tinawag niya ako at pinaupo sa gitna nilang dalawa at sabay nila akong niyakap
Sa sandaling iyon ay nalimutan ko ang alinlangan at takot sa hinaharap
Dahil sa ngayon, ang mahalaga ay kasama ko na ang pamilya ko
Alam kong andyan lang sila para sa akin para suportahan ako
Sa ngayon susulitin ko muna ito
Dahil sa wakas
Kasama ko na ang dalawang taong nagmamahal sa akin
10/18/2020
Sorry for the gramatical errors and misspelled words.
Vote
Comment
ShareCopyright ©2020 by
ELLA ASEO
ALL RIGHTS RESERVED
STEALING IS A CRIME
YOU ARE READING
Back To Me
Romance"Von, ano bang kailangan mo?" Pambungad ko dito. "Irene, I miss you. Please come back to me." Mula dito ay naamoy ko ang alak mula sa kanyang bibig. "Von, umalis kana. Lasing ka. Hindi ka dapat na rito." Pagtapos kong sabihin yun ay sinaraduhan ko n...