Teacher si Prof Park sa isang university na kug saan maraming ppilosopong estudyante.
Nandun lang sya sa pinto ng room at pinagmasdan ang buong klase nang madatnan ang iba't-ibang uri ng mga estudyante.
May nag babatuhan ng papel..
nag lalandian..
nag gigitara..
kumakanta...
gumagawa ng assignments, projects, nagbabasa ng libro,
nag sa-soundtrip at walang pakialam sa mundo....
at higit sa lahat na umagaw ng atensyon nya ay ang isang lalake na nasa harap.
"Okay, good morning everyone, ako ang teacher nyo. So ikaw, *turo sa transfery* kailangan mong kumanta." utos ni Chen.
Nagitla ang estudyanteng transfery at tatayo na sana nang hindi na maitiis ni Prof Park ang ka-bully-han nitong si Chen kaya naman agad syang tumikhim. Napalingon lahat ng kanyang estudyante sa kinaroroonan nya at tila nabato itong si Chen sa kanyang kinatatayuan.
Si Mr. Kim Jong Dae o mas kilala bilang Chen ay dati nya na ring naging estudyante kaya naman kilala nya na ito at ang ugali nya. Si Chen ay mayaman at congressman ang ama kaya naman maimpluwensya ito at hindi mapa kick-out sa unibersidad dahil malaki ang share ng kanilang pamilya sa eskwelahan.
Magulang nya kasi ang nagpagawa ng theater room, covered court, pool arena at yung HRM building sa University na ito. Kilala si Chen dahil sa napaka bully at maloko talaga ito mula't sapul. Pinagpapasensyahan nalang sya ng mga professors dahil naiiintindihan nila ito dahil kulang sa atensyon lalo na sa magulang na walang ibang inisip kundi trabaho, companya at iba't-iba pa nilang kayamanan.
Naglakad si Prof Park papasok at tahimik naman ang mga estudyante.
"Anong sabi mo Mr. Kim? ikaw ang professor dito?"
"U-uh.. yes sir- I mean, n-no sir.. I'm j-just kidding her." Sa loob loob ni Chen, gusto nya ang babaeng transfery kaya nya ito naisipang pag tripan. Maganda kasi ito at makikita mong matalino at inosente at yun ang gusto ni Chen sa isang babae.
"I forgive you this time because this is the first day, but next time, I'm going to punish you, understand?"
Tumango na lamang si Chen at bumalik sa kanyang upuan ng naka yuko. Nag iisip na sya ng plano upang maka ganti kay Prof Park sa pagpapahiya sa kanya.
Nagsimula sa introduction si Professor Park. "Good morning everyone, I'm Professor Park Chanyeol and you can call me Prof Park, Sir Park, Luneta Park." tumawa si Prof pero nanatiling tahimik ang kanyang mga estudyante. Sa isip isip ng mga estudyante ay medyo corny ag joke nya kaya hindi tumawa ang mga ito.
"Hahahaha.. I'm just kidding."
*kroo kroo kroo* nagpatuloy ang katahimikan.
"By the way, isa lang ang subject ko sa inyo at ito ay Trigonometry kaya kailangan pag may assignments o project ay kailangan nyong mag pasa dahil mahirap ang subject na'to. Lalo na pag may quiz or else, hindi kayo makaka graduate."
"Sir!" tumaas ng kamay si Chen at itutuloy na nga ang balak.
"Sir, matanong ko lang ho 'no? Bakit kayong mga guro, hindi kami kayang turuan sa lahat ng subject at kailangan tig-iisa pa kayo ng subject na ituturo. Samantalang kaming mga estudyante isa lang ang utak pero dapat pag aralan ang lahat ng subject? Hindi naman ata makatarungan yon sir!"
"WAHAHAHAHAHAHAHA!!!!" tawanan ng mga estudyante.
Si prof Park? >> *DERP*
________
Boom! panes si Chanyeol kay Chen!
Professor Park on the side guys!
