THE LOVE OF 1940

16 1 1
                                    

" Jusko Yanna, sana sumama nalang ako sa'yo sa pagcutting class! Nyawa napakaboring ng History!"

Napangisi nalang ako sa sinambit ng aking malapit na kaibigan na si Sun. Hindi kase ako pumapasok pag History na ang usapan, ito ang subject na pinaka ayaw ko. Bat pa kase kelangang balikan ang nakaraan? Charot hihi. Basta, i hate history.

" Next time, sumama kana saken, mura lang naman yung chicken skin jan sa labas. Yun nalang kainin naten kesa balik-balikan at pag-usapan ang nakaraan."

'yon ang tanging sinambit ko bago ko isubo ang chicken skin na binili ko lang din kanina saka ako tumayo.

" San nanaman lakad mo? Are you going to stalk Brent again? "

Brent is my ex, iniwan nyako dahil sa puncho pilatong grr grr na yun.

" Hindi na, kahit anong gawin ko, alam ko namang di na sya babalik saken. Bibisitahin ko lang si Granny. Miss nako nun. Bye. "

" Take care! "

Agad akong umalis at pumunta kay granny.

" Magkalayong agwat gagawin ang lahat, mapasayo lang ang pag-ibig na alay sayo~"
"Ang awit na'to ay awit ko sayo, nag-iisa ka lang kahit na langit ka at lupa ako. Ang butuin ay aking dadamhin, pag naiisip ka, sabay kayong nagniningning~"

" Lolaaaaaa!"
" Your Beautiful and sexy granddaughter is heeeerrreee!"
Lumabas agad ang aking lola sa storage room ng kaniyang bahay.

"Ano nanaman ho bang ginagawa nyo jan La? Haynako, walang magandang maidudulot ang pagbalik sa nakaraan Lola, Im sure masaya na si Lolo ngayon sa Heaven."

Binigyan ko ng isang yakap ang aking Lola na syang nagpalaki sa akin at nagturo ng magandang asal.

" Walang masama sa pagbalik sa nakaraan Apo. Masyado lang nasaktan ang iyong puso dahil masasakit na nakaraan lamang ang nakatatak dito. "

Tinuro nya ang aking dibdib, sa may bandang puso. Napangiwi naman ako sa ginawa nyang iyon ngunit sa kabilang parte ng utak ko'y alam kong pawang katotohanan ang kanyang sinaad.

" Well, atleast i have you. Okay kana sakin Lola. "

I smiled genuinely, trying to hide the pain, and my sorrow. I'm not okay. Gusto ko din ng nanay at tatay, gusto ko din ng taong mamahalin ko at mas mamahalin ako.

" You're lying."
As always, hindi ako makakapagtago ng emosyon sa maganda kong lola hayss.

" tulungan moko dito, madami pang ililigpit. "

" La, para sa iyo, ano ba ang tunay na pag-ibig? "

Tanong ko rito sabay buklat ng isang librong kunot kunot na. The Love of 1940. Takte, panahon ng mga Hapones to.

" Ang tunay na pag-ibig ay nakakapaghintay, kayang magtiis at hindi naghahangad ng anumang kapalit. Apo, ang tunay na pag-ibig ay mahirap hanapin. Lalo na sa panahong ito. Kung nagmamahal ka dahil sa kung anumang dahilan, hindi yan tunay na pag-ibig. Ang tunay na pag-ibig ay pagmamahal mo sa isang tao dahil sa ito ay mahal mong talaga. Ang ibig kong sabihin ay, kung mahal mo ang isang tao dahil sa kanyang itsura, yaman, mga sasakyan o kung ano pa man ay hindi ito ang tunay na pag - ibig, bakit? Dahil pag nawala ang mga iyon sa kanya ay mawawala na din ang pekeng pagmamahal na nararamdaman mo. "

THE LOVE OF 1940 (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon