❓Paano❓

21 0 0
                                    

Mag-isa, nag-iisip sa problemang sinasaril
Mahirap isipin, nakaka-iyak hanggang
Sa umabot sa puntong naiisipang
Paano kaya kung sumuko na ako?
Paano kaya kung manahimik na ako?
Paano kaya kung wag ko na ilaban?

Sobrang nahihirapan sa pag-iisa
Sobrang nanlulumo, nasasaktan
Pero walang magawa
Walang makausap,
Walang mapagsabihan,
Walang kasama.

Nakakamatay na lungkot,
Nakakamatay na pag-iisip,
Nakakamatay na pag-iisa

Hindi malaman ang gagawin
Sasabog sa pag-iisip
Naghihirap sa dulo
Umiiyak bigla
Nakakawasak ng isip at puso.

Paano ko kakayanin?
Paano ko haharapin?
Paano ko ilalaban?
Paano ko maipagtatagumpay?

Mga tanong na pumupuno sa aking isipan
Na kahit ni-isa ay walang
Makuhang sagot,
Walang mapagtatanongan.

Napakasakit mag-isa pero kailangan.
Napakasakit mag-isa pero nilalaban.
Napakasakit mag-isa pero kinakaya.
Napakasakit mag-isa sa kabilang dulo
Pero nakakaya dahil sa huli
Sarili ko rin lang naman ang makakasama.

I never love my self
I never had confidence
I never felt love
I never felt important.

I felt so empty and broke.
I give up everything
Walang natira dahil iba ang
lagi kong inuuna
Walang natira dahil mas
kinakailangan ako ng iba
Walang natira para sa sarili ko
dahil palaging sila ang inuuna ko.

Paano ko mamahalin ang sarili ko
Kung iba ang palaging nasa puso't-isipan?
Paano ko mamahalin ang sarili ko
Kung kinakailangan ako ng iba?
Paano ko mamahalin ang sarili ko
Kung sila nalang palagi?

PAANO? Ang nag-iisang tanong na hindi ko masagot-sagot!! 😭

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 18, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Written PoetriesWhere stories live. Discover now