CHAPTER 2

6 0 0
                                    

Arrrgghhh! Late na naman ako!

Bakit ko ba palaging ina-underestimate yung oras? Alam mo yun?

Malapit lang kasi yung school sa bahay namin, dalawang sakay lang tapos mga 15 minutes na byahe lang kaya feel ko anytime pwede ako umalis.

Ni hindi man lang pumapasok sa isip ko na,

"Paano kung traffic?"

"Paano kung punuan?"

Kaya ang kinalabasan

LATE AKO!

Dumiretso agad ako sa library para kitain yung mga kaibigan ko. May sasagutan pa kasi kaming seatwork bago pumasok.

"Uy!" tawag ko sa kanila nang makapasok sa library.

"Eto Vye yung gagawin natin" sabi ni Adelaide

"Marami ba yan? Pakopya ako" tanong ko

"Medyo."
"Vye! Nasa likod mo si Cutie" pangaasar ni Adelaide

"Ha?" pagbibingi bingihan ko

"Ayun oh! Tingin ka sa likod mo"

"Ih! Ayoko" nahihiyang sambit ko

Ayt! Inaasar niya na naman ako. Tsk! Lalo tuloy akong nahihiya.

"Lingon ka na kasi" dagdag ni Nez

"Ayoko, gagawa muna ako ng seatwork, baka magtime na"

"Yieeeeee! Ayaw pa lumingon eh!"

"Wag ka maingay" sabi ko

Hay nako! Pag kami nahalata neto, baka kung ano pa isipin niya, di ko naman siya crush eh.

Nang tumunog ang bell, dali dali kaming nagligpit ng gamit at lumabas ng library.

Pasulyap kong tinignan kung totoo ba yung sinabi ni Adel.

Ayt!

Wala naman pala!

Kinabahan pa ako para sa wala.

At tuluyan na nga kaming bumaba at pumasok sa mga klase namin.

"Vye! Si Cutie oh!"

Nako naman! Eto na naman siya.

Nung sumilip ako, andoon nga siya.

Gaah!!

Masyadong maingay si Adel at Faust!

Baka marinig niya.

"Tara, kain na tayo." liko ko

"Ehem! EHEEEEM!" pang aasar ni Adel

Pinandilatan ko siya ng mata na nagsasabing "Tumigil ka, baka mahalata ka niyan."

"Vye, bagay kayo" udyok ni Faust

Hindi na ako sumagot, tatagal lang yung pang aasar nila eh.

Madalas kaming magmerienda doon malapit sa University. May footlong-an doon na masarap talaga at sobra! AS IN SOBRANG DAMING CHEESE!

Mahal ko ang cheese.

Kung pwede lang na lahat ng pagkain, lagyan ng cheese, gagawin ko talaga!

One time, sa sobrang nagcrave ako sa cheese, yung ulam namin na porkchop, pinatungan ko ng cheese.

Walang tao sa bahay nun eh.

Nung tinikman ko...


HINDI MASARAP.
Erggh.

Fire Flower-likeWhere stories live. Discover now