CHAPTER 3

5 0 0
                                    

"Hello Vye! Pwede ba kita kausapin?" wika ni Ate Lottie

Hmmmmm.

Di naman kami close, bakit kaya?

Si Ate Lottie, officer siya ng college student council namin.

"Yes po ate, ano po yun?"

"Gusto mo bang tumakbo?"

"Ah, Ate, nasabi ko na po kila Faust at Maimi na tatakbo po ako."

Actually, officers din sila Faust at Maimi ng student council namin ngayon.

Classmates na kaming tatlo mula elementary.

Pero iba ang course ni Maimi sa amin ni Faust ngayong college pero same building pa din naman hahahaha

Si Maimi, childhood friend ko siya. Magkalaro na kami dati pa.
Hindi ko masyadong matandaan pero parang, hindi pa ata kami nag-aaral noong magkakilala kami.
Dahil yun sa Tita niya eh.
Sinabi ng tita niya na magkaparehas daw kami ng mata.

Tapos nagkatinginan kami,

Tapos parang may spark,

Chareng!

Pero nagkatinginan talaga kami.

Tas ayun! Magkalaro na kami.

Si Faust naman, simula grade 1, classmate ko na.
Crush ko pa nga siya nun eh.

Naging crush niya rin ako kaso dinedeny nya na ngayon.

Mas maganda na raw kasi siya kesa sakin hahahaha

Pero love na love ko yan sila, super!

Niyaya nila ako last year na tumakbo kasabay nila pero, hindi sumagi sa isip ko na maging part ng student council, lalo na ngayong college.

Feeling ko kasi, hindi lang basta basta ang maupo doon. Syempre mas seryoso na compare noong highschool.

Hindi naman ako naging part ng council nung highschool pero mafifeel mo pa rin yung difference.

Sinabi ko yun kay Papa na niyaya nila ako pero tumanggi ako.

Sabi niya pa sayang daw, experience rin yun.

May part sa akin na nagsisi, kasi hindi ko pa nga natatry, tiklop na ako agad.

Tapos nakikita ko sila na nag-eenjoy talaga sa ginagawa nila.

Kaya sobrang proud ako sa kanila na kinaya nila.

Kaya nung niyaya nila ulit ako ngayon, walang alinlangan kong tinanggap ang pagkakataon na ito. Plus makakasama ko pa ulit sila.

Sana.

Pangatlo ako sa tumanggap. Siyam kasi ang kailangan para makumpleto ang line up.

Tinanong nila ako kung anong position ang gusto ko.

"Vye, kung sakali, anong position ang gusto mo?" tanong ni Faust

"Treasurer"

"Ay. Usually lalaki ang treasure eh." sagot ni Kuya Jolo. Siya yung magte-train sa amin.

"Ahh, ganun po ba? Kailangan po ba lalaki?"

Treasurer talaga ang gusto kooo! Gustong gusto ko yung nagmamanage ng pera.

Pero parang hindi pwede.

"Hindi naman, pero yun yung image ng treasurer."

"Hindi po talaga ako pwede?"

Fire Flower-likeWhere stories live. Discover now