"Kriiiiiiingggggg kriiiiiingggggg !"
Malakas na tunog ng alarm clock ang nagpagising sa mahimbing kung pagkakatulog,ibinaba ko yung kumot na nakatakip sa aking mukha at sinilip ang wall clock na nakasabit. Alas singko na nang umaga,kinuha ko yung cellphone kong nakapatong sa ibabaw ng side table ko at nag check ng email ko baka kasi may email na naman si madam .Lunes pala ngayon at may pasok pa ako sa trabaho ko bilang isang pharmacist sa isang botika malapit lang din dito sa tinitirhan namin.Pagkatapos kong icheck ang lahat ng social media accounts ko ay itinupi ko muna ang aking higaan at ginawa na ang aking morning routines.Nang matapos na akong maligo ay agad akong bumaba sa kusina para gumawa ng sandwich for breakfast at saka ako nagluto ng adobong pusit na aking baon para sa tanghalian, alas siyete na nang ako'y matapos at may tatlumpong minuto pa ako bago pumasok sa trabaho.Masaya kong inilagay sa bag yung binalot kung ulam at kanin tsaka tubig pagkatapos ay nagtungo ako sa kwarto ni tita mari para gisingin at magpaalam narin .
"Tok.tok.tok" tatlong beses kong kinatok ang kwarto ni tita at marinig ang boses niya.
"Pasok ka,bukas iyan" ang sabi ni tita, kaya pumasok na ako
" tita aalis na po ako ha! Sila mama ata maagang umalis kasi paggising ko wala na sila, pumasok na ata " ani ko kay tita
"Sige iha! Mag-iingat ka sa pagpasok ha!" Sabi naman ni tita.
" ano ka ba naman po tita! Ang lapit lng kaya ng work ko sa bahay natin at sila ang dapat mag ingat sa akin hahahaha " ang pabiro kong sabi habang tumatawa.
"Nakung bata ka! Haha oo na nga sila mag-iingat sayo" sagot naman ni tita sa biro ko.
"Siya nga po pala tita nagluto akong adobo may tira pa po don pambaon niyo" huling sinabi ko kay tita bago maglakad palabas ng kwarto niya at kinuha ko na yung bag na pinaglagyan ko ng baon at lumabas na rin ng bahay.
Habang naglalakad papuntang botika ay iniisip ko parin yung nangyari kahapon hindi talaga ako makapaniwala na magkikita kami sa ganoong sitwasyon at higit sa lahat yung pagyakap niya sa akin wala man sinabi o tinanong si tita about doon sa pagyakap niya pero di ko parin maiwasang hindi mag isip.Malapit na ako sa botika kung saan ako nagtatrabaho nang biglang mag ring ang cellphone ko.Tiningnan ko muna ito at nangunot ang aking noo ng isang unregistered number ang tumatawag sa akin sa pag aakalang emergency ay sinagot ko nalang.
"Hello!Good morning po, sino po sila?" Sabi ko sa kabilang linya.
"good morning din! It's me Archile "sagot naman niya.
"ow! Ikaw pala yan Archile hehe bakit ka nga pala napatawag?" parang tanga kong tanong sa kanya.
"To say good morning and for you to know my number haha you see hindi ko nabigay yung number ko sayo kahapon kaya i call you." Ang sabi niya habang tumatawa sa kabilang linya.Nga naman bakit sa dinami-dami ng pwedi itanong yun pa talaga napili ko,isa nga naman dakilang pilosopo itong kausap ko .
"Hahaha,oo nga pala.Oh! siya,may pasok ako ngayon talk to you later" aking pagpapaalam sa kanya.
"Ok!talk to you later" tugon naman niya then i end the call.Inayos ko ang suot ko bago pumasok sa loob ng botika ng may ngiti sa labi. Alas siyete y media hanggang alas tres y media ng hapon ang duty ko.
Lunch break na at habang kumakain ako dito sa kainan sa loob ng botika ay nag open muli ako ng cellphone ito lamang ang oras na nakakapagcellphone kami mayroon naman telephone kung saan tumatawag si madam yung may-ari ng botika.Maraming text messages yung bumungad sa akin lahat ng iyon ay galing kay Archile, AA naman ang nilagay kung name na sinave ko iyon kasi yung tawag ko sa kanya dati short for Archile Aile.Nireplayan ko na muna bago nagpatuloy sa pagkain pagkatapos kumain ay bumalik na ako sa pagduduty.Napakabusy ngayong araw ng lunes at check up day ng clinic na katabi namin kaya dito narin sila bumibili ng mga gamot na nireresita sa kanila business partner kasi ng madam ko yung doctora at kaibigan narin namin actually business partner kaming tatlo at magkakaibigan talaga kami since college at madam narin yung tawagan namin.Napagod ako sa buong maghapon sa dami nang bumibili hindi lang kasi gamot ang mayroon kami kundi parang isang botika ala tindahan ito.
Alas tres y media na, inayos ko na yung gamit ko at nagpaalam sa mga kasamahan ko."Gina,off duty na ako." Pagpapaalam ko bago kinuha ang timecard ko.
"Sige po miss!" Sagot naman niya sa akin.
Miss ang tawag nila sa akin dahil hindi lang ako basta bastang pharmacist kundi co-owner din ng botika.Lima kaming magkakaibigan ang magkasosyo sa negosyo.Paalis na ako ng makasalubong ko naman yung kapalitan ko sa duty.Naisip kong kumain sa paborito kung jollibee bago umuwi ng bahay.Habang naglalakad ay nagbabaliktanaw ang aking diwa sa nakaraan .
"High School days in St.Andrew's High a private school in my province . Maaga akong gumayak para pumasok sa paaralang aking pinapasukan dala-dala ang apat na librong magkapatong sa kanang kamay at sa kaliwa naman ang portfolio at backpack na nasa aking likuran ng biglang may humablot ng hawak hawak kong libro
YOU ARE READING
I love you,Goodbye
RomanceNaranasan mo na bang magmahal ? Masaktan ang pusong iniingat-ingatan ng kaytagal na panahon . Paano mo nga ba maiiwasan ang maling taong pinapasok mo sa buhay mo. Pinagtagpo ba talaga kayo ng panahon para mahalin ang isa't-isa o sadyang pinaglaruan...