Kabanata 16

15.7K 545 27
                                    

Kabanata 16

Sa bandang huli ay nagpasya akong bumalik sa kumpanya pero halos kalahating oras na akong nag-aabang ng taxi pabalik ay wala paring humihinto para pasakayin ako.

Naisip ko na maglakad na lang pabalik. Hindi ko alam kung diretso lang ang nilakaran ko kanina o nagpaliko liko ako. Kaya ngayon ay mas lalo akong nagsisi dahil hindi ko na talaga alam kung nasaan na ako. Madilim na at pagod na akong maglakad.

Para akong batang nawawala. Ramdam ko ang pamumugto ng mga mata ko dahil sa pag iyak.

Kanina pa ako nag aabang ng taxi para sana bumalik sa kumpanya pero walang humihinto. At ngayon ay wala na talagang dumadaan na taxi sa kinaroroonan ko. Muli akong napaupo. Dala ng pagod at takot.

Paano kung may masamang tao ang bigla na lang maghila sa akin dito? Paano kung may multo pala dito o kaya naman ay may lasing na bigla akong pagtripan.

Mas lalo akong natakot sa kaisipan iyon.

Muli akong tumayo at naglakad. Ilang beses pa akong nadapa dahil sa panlalambot ng mga tuhod ko.

Ilang lakad pa ay tuluyan ng bumigay ang tuhod ko. Napahikbi na lang ako ng makita na nasira ang bandang tuhod ng pantalon ko dahil sa matulos na bato.

Mas lalo akong napaiyak sa hapdi at sakit ng nasugatan kong tuhod. Napaupo ako sa gitna ng kalsada at malakas na umiyak. Para akong bata na nawawala.

When I was about to give up ay sunod sunod na busina ang narinig ko. Parang nanumbalik ang lakas ko at muling tumayo. I need to ask help!

"Xena!" narinig kong tawag sa akin ng pamilyar na tinig kaya muling nanlambot ang mga tuhod ko dahil sa relief.

I was found!

Bago pa ako bumagsak sa semento ay nasalo na ako ni Zayden at sabay kaming napaupo sa semento.

"Its okay baby. Its okay." alo niya sa akin habang ako ay umiiyak. Pinunasan niya ang mukha ko at tinitigan ng mabuti. "Shh baby its okay. You're safe now." patuloy niya bago ako kabigin payakap sa kanya.

"A-Akala...A-Akala ko hindi niyo na ako mahahanap. N-Naglakad ako ng malayo. H-Hindi ko a-alam kung nasaan ako...hikk... W-Wala akong pera. W-Wala d-ding d-dumadaan na taxi. N-Natakot ako na baka hindi na ako makabalik." wika ko sa pagitan ng paghikbi.

Happiness and relief. Happiness because he found me and relief dahil alam ko na wala na akong kailangan ipangamba.

"Shh Im here baby." alo niya sa akin habang yakap ako. Hindi ko alam kung ilang sandali kaming magkayakap bago ako nahimasmasan.

Ipinasok niya ako sa kotse at siya mismo ang naglagay ng seatbelt sa akin. Parang hinang-hina ako dahil sa nangyari.

"Rest. I'll wake you up kapag nasa bahay na tayo." aniya kaya sumunod ako.

Pinikit ko ang mga mata ko  at dala siguro ng pagod kaya mabilis akong nakatulog.

Sa lahat ng nangyari sa araw na ito ay hindi ko akalaing magkakaroon pa ako ng magandang panaginip.

Sa panaginip ko ay hinalikan daw ako ni Zayden at bumulong.

"Sleep well baby." ang huling winika niya sa panaginip ko bago ako tuluyang ginupo ng antok.

Pagkamulat ng mga mata ko ay bahagya pa akong napakunot noo. Nasa kwarto na ako at tirik na ang araw.

Mabilis akong napabangon at sakto naman dahil bumukas ang pinto at lumitaw si Zayden.

"How are you?" seryosong tanong niya sa akin.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Bukod sa masakit ang mga binti at talampakan ko ay okay naman ako.

Heartless Society 1: If our Love is wrong (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon