MARIEL
"Ano ba kase ang pumasok sa isip mo at nang bato ka ng sapatos?" Tanong ni Samuel.
"Hindi ko sinasadyang nabato siya Samuel, si Jen naman talaga ang babatuhin ko kaso bigla siya umilag kaya nangyare yun." Pag-amin ko.
"Buti na lang talaga at may dala dala kaming extra uniform nila Clyde kung hindi lagot ka dun."
Ngumuso ako at binilisan ang paglalakad. "Nag sorry nako ilang beses Samuel pero wala! Pagkatapos ng recess ay sinu-sungitan niya na ko."
Kanina kase habang nagkla-klase ay panay ang sorry ko kay Luke kaso hindi niya ko pinapansin.
Kapag wala naman ang teacher namin ay panay ang pag-uusap nila ni Samuel at Clyde. Minsan pa nga sumusulpot si James ehh...
"Syempre susungitan ka talaga nun kase isipin mo nga Riel. This is his first day at our school at sobra na ang kahihiyan ang nangyare sakanya, nabato mo siya ng sapatos mo sa ulo, nabasa siya ng tubig, namantsahan ang polo niya at wala pa siya dalang extra uniform. Sa tingin mo ano mararamdaman niya."
Tama naman siya, mali nga ang ginawa ko at napaka-childish pakinggan ng excuse ko.
"Sige na wag mo na isipin yun, bukas pumasok ka at please lang wag kang male-late dahil may test tayo bukas." Sabe niya kaya tumango na lamang ako bilang sagot.
Bakit ba napaka big deal para sakin ang nangyare? Syempre kase may ginawa akong mali, kaso.... yung kanina.
Ngayon ko lang naramdaman ang ganun. Never pako nagka-boyfriend kaya hindi ko alam kung ano tong naramdaman ko.
Pero yung feeling na yun ay parang parehas ng nararamdaman ko tuwing may comeback ang bts at napapanood ko ang cute moments ni Taehyung.
Hindi kaya may crush nako kay Luke? Pero pano? Bakit?
Oo gwapo siya pero dati naman kahit pa gwapo ang mga nasa harap ko ay deadma lang ako dahil may Taehyung miluvs nako.
"Ma si detergent nakauwi na!" Rinig kong sigaw ng tuko kong kuya.
"Ma si Kuya ang panget!" Sigaw ko rin at dumeretso sa kwarto namin ni Ate.
"Ma nag text si Ate! Late daw siya makaka-uwe kase mag oovertime siya." Rinig kong sigaw ni Kuya Mark.
Ibig sabihin ay mag-isa lang ako rito? Yeesss!!! Makakapag-puyat pako! Bakit napaka big deal sakin ng pag overtime ni ate?
Well ayaw niya kase na nagpupuyat ako dahil nakaka-istorbo raw ako. Anong magagawa ko ehh tuwing gabi gabi ako nanonood sa youtube ng mga funny videos ng mga anim kong kabet at miluvs ko.
"Hoy Riel nandyan si Samuel."
Huh? Bakit naman nandito ang siraulong yun?
Sure akong sinuli ko naman ang notebook niya kanina.
"Ginagawa mue."
"Bat nandito ka?"
Tinaasan niya ko ng kilay, aba mataray ang loko! Tinaasan ko rin siya ng kilay.
Anong akala niya papatalo ako sakanya? Hah! Hindi pwede yun sakin.
"Sama ka?"
"Saan naman aber?"
"Group study, tutal attentive ka kanina sa klase ay makakatulong ka kela Shiela sa pagre-review." Sabe niya at pumasok ng kwarto ko.
BINABASA MO ANG
Crazy in Love Series 1: Inlove With Mister Sungit
Teen FictionMakulit plus masungit equals disaster, yan ang sabe nila. So anong pake ko? Eh sa in love ako sa lalakeng masungit eh... Ewan ko ba basta nag-umpisa to nung nag transfer siya sa school namin pero syempre joke lang yun hahahaha. Nag-umpisa talaga yun...