Una

16 0 0
                                    

Mhela's POV.

Ika-13 ng Mayo, 2020

Isang magandang araw ito para sa akin kaya agad akong bumangon. Nagtungo ako sa banyo para maghilamos at magsepilyo. Matapos niyon ay nagtungo ako sa kusina. Nadatnan ko ang aking ina na nagluluto ng umagahan at iba pang pagkain na ihahanda para sa bisita mamaya habang ang aking ama naman ay nagsisibak ng kahoy sa labas ng aming likod bahay na gagamitin panggatong.

Nakatira kami sa isang liblib na lugar. Malayo man kami sa kabihasnan, nakakasabay pa rin naman kami kahit papaano sa mg bagay-bagay. May alam na kami sa mga bagong teknolohiya ngayon ngunit hindi kami nahilig gumamit ng mga ito. Nasa modernong taon man ang panahon ngayon, hindi naman kami napapag-iiwanan. Sadyang malayo lang kami sa bayan at tanging sa isang baryo pa rin kami naninirahan.

Bakasyon ngayon, ito rin ang pinakahihintay kong araw dahil sa ika-15 kaarawan ko. Naisipan kong tumulong muna sa aking mga magulang sa gawain bago lumabas ng bahay. Sa paglabas ko ay nasaktohan ko si Oski na naglalakad malapit sa aming bakuran. Siya ay isa mga kababata kong lalaki na nakatira sa di kalayuan, may siyam na bahay lang ang pagitan. Agad naman akong binati ni Oksi pagkakita niya sa akin.

"Mhelaaaaa! happy birthday!" Pasigaw niyang pagbati sa akin. Sapat lang ang lakas ng sigaw niya para marinig ko iyon.

"Maraming salamat. Punta ka dito sa amin mamaya ah." Ganting sigaw ko sa kanya.

"Ha? Papunta ako diyan?" Pasigaw parin niyang tugon.

Naglakad si Oski papasok ng aming bakuran at saka ako sumalubong sa kanya para mas magkausap kami ng maayos.

"Ang sabi ko magpunta ka dito mamaya. May kaunting salu-salong inihanda sila inay para sa akin." Paliwanag ko sa kanya.

"Ah sige. Dadating ako."

"Mabuti naman."

"Oo nga pala... may sasabihin ako sa'yo. Merong naikwento sa akin ang aking amamang Tikong  tungkol sa isang mahiwagang puno ng manga, kaya lang hindi niya natapos eh." Sabi niya.

Naging interesado ako sinabi niya kaya gusto ko rin iyon marinig.

"Talaga? Gusto ko rin iyon. Ikwento mo din sa akin."

"Ito bingi! Hindi nga natapos di' ba? Gusto mo punta tayo kay amamang Tikong bukas? Para marinig natin ang buong kwento."

"Oo. Sige. Bukas ng hapon para makapagpaalam ako kila inay."

Bandang tanghali ng magsimula ang pagdiriwang ng aking kaarawan. Naroon sila itay kaharap ang aking mga tiyohin habang nag-iinuman. Si inay naman ay abala sa pag-aayos ng pagkain sa lamesa. Kami ng aking mga kababata ay nagke-kwentuhan dito sa ilalim ng punong mangga.

Nagtatawanan kami dahil sa mga kalokohan ni Onyok nang napatingala ako sa itaas ng puno. May napansin akong maliit na parang tao, na may pakpak. Hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin dahil hindi naman ako sigurado sa nakita ko. Marahil namalik-mata lamang ako o isang guni-guni lamang iyon.

Hapon na  nang mag-alisan ang aing bisita, pati na rin ang iba namin kamag-anak. Nagpaiwan naman si Oksi at tumulong sa pagliligpit ng mga upuan. Ganun din naman ang aking ginawa. Inaayos ko ang iabang kagamitan na nagamit at ibinabalik sa mga dati nitong pinaglalagyan. Hindi ko naiwasang ikwento kay Oksi ang tungkol sa nakita ko kanina sa itaas ng punong mangga.

"Oksi, alam mo ba... parang may nakita ako kanina sa itaas ng punong mangga. Hindi ako sigirado pero parang isang maliit na taong may pakpak eh."

"Baka naman dahon lang 'yon. Namalik-mata ka lang siguro."

SetreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon