Pangalawa

10 0 0
                                    

Dahan-dahan akong lumabas ng bahay para sumama kay Rebam. Dinala niya ko sa harap ng malaking punong mangga na nasa loob lamang ng aming bakuran. Namamangha ako sa nakikita ko. Unti-unting nagliliwanag ang katawan ng puno habang bumubukas at nahahati ito sa dalawa. Kitang kita ko ang loob niyon. Parang hindi parin ako makapaniwala kahit nasa harap ko na ito.

Isang napakagandang lagusan nito. Makikita agad ang ganda ng isang batis. Napakalinaw ng tubig nito at nagkikinangan ang mga halaman na nakapaligid dito. Mukhang isang paraiso.

"Ano? Papasok ka ba o ganyan ka na lang?"

Masyado ka namang inipin. Namamangha pa nga yung tao eh. Napanguso ako kasabay ng nasa isip ko.

"Ay oo nga pala. May pagka bano ka nga pala minsan."

"Hoy! Bibig mo. Layasan kita diyan eh."

Hindi na siya nakasagot. Pero ang galing ah. Naririnig nila ang nasa isip ko. Gusto ko din ng ganun. Astig siguro ng ganu.

Sumunod ako kay Rebam. Pagpasok ko pa lang, nasamyo ko agad ang tamis ng simoy ng hangin. Nakapagpagaan ito sa aking pakiramdam. Nakakita siya ng isang lpalak na muntikan na niyang matapakan dahil sa kung saan-saan dumadapo ang ang aking paningin.

"Hoyyy! Mag-ingat ka naman." Sabi ng palaka sa akin. ikinalaki ng mata ko nang marinig ko iyon. Lagi na lang ba akong magugulat?

"Ahhhhhhhhhh" SIgaw ko na narinig ni Rebam kaya napalingon siya sa akin.

"Rebaaammmmm! N-nagsasalita yung palaka."

"Bakit ka ba sumisigaw?"

"Yung... yung palaka nga kasi nagsasalita. Narinig mo ba?"

"At talagang magtataka ka pa? Nung makita mo nga ko mas malala ka diyan eh. Hahaha. Nakakatawa pa itsura mo."

Napataas ang isang kilay ko. "Oo nga ano?" Napaisip ako sa sinabi niya.

"Asahan mo na sobrang laki ng pagkakaiba ng mundo niyo. Basta pagpasok mo pa lang ng lagusan, lahat dito mahiwaga. Lahat dito posible. Kaya masanay ka na."

"Ibig mong sabihin, lahat ng hayop dito nagsasalita din?

"Oo."

"Lahat ng andito, hindi tao?"

"Oo. tsaka wala talaga ditong tao, bukod sayo. Lahat ng nilalang na nandidito ay tinatawag na "ota" na kung tawagin sa mundo niyo ay engkanto at lamang lupa."

"Hala.. eh 'di ang ibig mong sabihin, lahat ng napapanuod ko sa tv ay nandito nga?"

"Hmm.. oo."

Nauuna si Rebam sa paglalakad habang ako ay nasa likod lang niya ang nagmamasid sa paligid. Kung saan-saan ako napapalingon dahil walang hindi nakakaakit sa aking mga mata. Wala ako masyadong ibang makitang nilalang bukod dun sa palakang mataray na muntik ko na ngang matapakan. Humingi naman ako ng pasensya kanina.

Makalampas ang batis at ang isang malaking bato ang aming inikutan. Muli na naman akong namangha sa aking nakita. Isang malawak na damuhan na mayroong malaking puno na kumikintab na parang ginto ang mga dahon.

"Iyan na ba ang bahay niyo? Agad kong naitanong. "

"Oo. Halika na, bilisan natin."

Nang makalapit na kami sa puno ay nandoon na sa labas ang ina ni Rebam, nakaupo sa malaking ugat habang nakatingin sa amin. Bakas ang gulat sa mukha niya ng makita ako.

"Oh Rebam.. Bakit mo isinama si Mhela dito?" Tanong niya sa kanyang anak.

"Eh kasi po 'nay, nahirapan ako magpaliwanag eh. Wala ka naman pong sinabi ma magtatanong pala 'yan. Di ako handa sa dami ng tanong niya 'nay."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SetreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon