1

181 12 23
                                    

Hardcore music. Loud noises. Pinaghalong amoy ng alak, sigarilyo, pabango at perfume at human scent. Nakakaliyo din ang ilaw na nagmumula sa LED board sa pinakastage ng venue.

Chaotic. Yon ang tamang deskripsyon sa paligid.

Sa gitna ng mga nagsasayawang kabataan na sumasabay sa pinatutugtog na hardcore OPM rock ay hinanahap ni Van ang pamilyar na gwapong mukha.

Napangiti siya nang matagpuan ang hinahanap.

Her Chad.

All smiles itong nakatingin sa gawi niya. kapag nakikita niya ang matamis na ngiti ng kababata ay di mapigilang lumulukso ang puso niya. Mas lumalabas kasi ang angking kagwapuhan nito. Kaya naman maraming kababaihan ang nahuhumaling dito. Gaya na lang ngayon ang daming nagpapacharming sa binata. Lalo pa at ang galing nito sa pagtugtog ng gitara.

Miyembro si Chad ng sikat na local band na tumutugtog ng OPM rock music at ito ang tumatayong lider kahit pa nga hindi ito ang soloist ng banda at gitara ang hawak nito.

"Excuse me."

Kung pwede nga lang niyang hawiin ang mga taong nadaraanan para makarating kaagad sa kinaroroonan nito.

"Hi Chad, care for an autograph?"

Bago pa man tuluyang nakalapit ay may mga sexy'ng babae ang lumalapit-lapit rito at tahasang nagpapakita ng motibo ay lihim na nagngingitngit ang kanyang kalooban. Ang gaganda pa naman ng mga ito at provocative ang mga kasuotan. Pawang nakashort shorts.

"Sure, where?"

"Here."

Nanlaki ang mga mata niya nang walang anong hilahin ng babae ang tila spandex na kasuotan at ipakita ang cleavage sa lalaki.

Ang Chad naman, game na game na pinagbigyan ang babae. Kinuha nito ang pentel pen na bitbit ng fan at nag-sign sa balat ng babae, sa pinakaumbok ng kaliwang dibdib.

"I thought hindi ka na darating?" nang finally ay matapunan siya ng pansin.

"And I thought gusto mo nang dakmain ang malaking hinaharap nong babae," pasigaw niyang sagot dahil sa lakas ng musika. Nasa malapit sa sound system pa naman sila.

Napahalakhak ang kaibigan.

"Akala ko iindiyanin mo na ako?"

"Magagawa ko ba yon?" aniyang siniko pa ito sa tagiliran. Kahit bagyo ay susuungin niya para lang dito.

Gumawa sila ng pact noon, they will make each other available whenever necessary lalo na kapag may emergency ang isa sa kanila.

"Doon tayo." Sinenyasan siya nitong sumunod. Sa labas ng venue siya dinala ni Chad, sa may parking lot. Dito ay nagkakarinigan na sila.

"Kumusta'ng bar?"

"Okay. Pero namimiss ka na ng mga tauhan mo uy."

Madalang na nga itong nagpupunta sa bar. Paano'y dumarami ang gigs ng banda nito. Minsan may out of town pa. Di tuloy niya maiwasang makaramdam ng pagtatampo dahil madalang na lang silang nagkakasama.

"Maraming parokyano ka bang napintahan ngayon?"

Sariling jargon nila. Napintahan ang termino nila sa nagpapatattoo. Nakita marahil na panay ang paghilot niya sa kanyang kamay. Nakakangawit din kaya ang magtattoo.

"Marami-rami din. Thankfully, amoy okay ang mga clients natin ngayon. Walang amoy napanis na kaning-baboy."

Pansamantalang nahinto si Chad sa ginagawang pagcheck ng Ducatti at malakas na napahalakhak.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 25, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In Love With My Ex-BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon