Ang Seatmate kong Humihiram ng Cellphone ko. (One Shot)

22.7K 774 263
                                    

Ang Seatmate kong Humihiram ng Cellphone ko.

[One Shot Story]

[Revised]

ni: WaitingToBeLoved

xxx

"Oy, peram nga ako ng cellphone mo." 'yan na naman si Shiro Mercado. Ang seatmate kong half japanese, half filipino. Siya rin ang seatmate kong suking-suki sa paghiram ng cellphone ko. Favorite niya ba yung mga laro sa cellphone ko? Alin doon? Yung puzzle, yung sudoku o yung bounce? Mas maganda pa nga cellphone niya kaysa sa akin eh. TATSKRIN.

"Bakit ba? Baka dumating na si Sir, ma-confiscate pa yung cellphone ko." kakaalis lang ng Values Teacher namin kaya nakatunganga lang kami. Yung iba nagdadaldalan, nagso-soundtrip, nagbabatuhan ng papel, nagtetext, at wait, NANGUNGULANGOT?! (seriously?!) habang hinihintay ang aming English Teacher.

"Hindi yan. Sige na, saglit lang naman." binigay ko na rin naman yung cellphone kong color pink, syempre favorite color ko yun eh. Saka hindi naman 'to titigil hangga't hindi niya nahihiram kaya binigay ko na! Sa araw-araw na pagpasok namin sa school, walang araw na hindi nanghiram 'to ng cellphone. Kapag sisilip ako kung anong ginagawa niya, bigla na lang siyang lalayo sa 'kin at sasabihan pa akong tsismosa! Mukha siyang timang kaya pinabayaan ko na lang. Hindi naman niya sisirain yun eh, dahil kung may gawin man siyang kapaha-pahamak doon, papalitan niya yun ng iPhone 5s! Chos! Hahaha!

Nagpipindot-pindot siya doon sa cellphone ko habang nakangiti. Mukhang timang talaga 'tong lalaking 'to, abnormal. Trip na trip yung cellphone kong mumurahin.

"Shiro, yung totoo, iniinsulto mo ba 'yang cellphone ko?" napatingin naman siya sa 'kin na may halong pagtataka.

"Ano bang sinasabi mo diyan? Ang cute kasi nito eh. Saan mo ba nabili 'to?" ano ba 'to?! Bakla?! Gusto ng FENKKKK?!

"Hoy, umamin ka nga. Bakla ka ba?" nanlaki yung mata niya sa akin at halatang naasar sa sinabi ko.

"Hoy Sachi! Baka gusto mong patunayan ko sa 'yong lalaking lalaki ako?" ngumisi naman siya kaya inirapan ko, "Namimiss ko lang kasi gumamit ng ganitong klaseng cellphone. Alam mo na, di-touch screen na kasi yung sa akin." tama nga. Bukod sa nagyayabang siya eh iniinsulto pa kami ng mahiwaga kong cellphone na fenkkkk nitong hapon na ito.

"Hoy hapon! Tigil-tigilan mo ako ah. Ang yabang mo porket tatskrin 'yang cellphone mo! Makakabili rin ako niyan, kala mo! Akin na nga 'yan!" hinablot ko yung cellphone ko sa kanya, napansin kong nanlaki naman ang singkit niyang mga mata at pumindot ng huli bago ko mahablot ng tuluyan sa kanya.

xxx

"Sachi! Hoy Sachi!" bumalik naman ako sa sarili ko nung may kumakaway sa harapan ko, "Tulala ka na naman!"

"Eh kasi naman Coleen, kinakabahan ako sa results. Baka hindi ako pumasa, hindi kasi ako nakapag-aral kagabi dahil dumating sina Mama galing Cebu. Alam mo naman, matagal kaming hindi nagkita-kita 'di ba?" nakakaasar kasi. Nakalimutan kong may exam pala kami Physics. Eh ang hirap-hirap magbigay ng exam ng teacher namin na yun. Hay nako Sachi, yung totoo, mahirap ba talagang magbigay ng exam o hindi mo lang talaga naiintindihan?

"Okay lang yan Chi. Tiwala lang, papasa ka." bukod sa pagiging hyper at cute nito, napaka-positive rin mag-isip nitong babaeng 'to. Pero tama nga naman siya, ito ang motto ng mga umaasang mapasa, TIWALA LANG! WOO! FIGHTING! AJA!

"Wait lang, Coleen. Parang may iba sayo ah." tinitigan ko naman siya tapos eh bigla siyang tumalikod sa akin at winagayway yung buhok niya na parang nagshoo-shoot siya sa isang commercial.

Ang Seatmate kong Humihiram ng Cellphone ko. (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon