•J O Y ' S P O V•
"Hija, come in," kinakabahang nakatingin ako sa harapan at nakipag titigan sa guro kong may matamis na ngiti sa labi.
Kaya mo 'to! Fighting lang!
Dahan-dahan kong inihakbang ang mga paa ko papasok sa bagong classroom ko. Ng makarating sa tabi ng aking guro ay dahan-dahan kong iniangat ang pangin ko sa mga bagong classmate ko.
Ang iba sa kanila ay nakatingin sa akin ng nakangiti, ang iba naman ay nakikipag daldalan sa mga katabi naman, at meron din namang may sariling mundo.
"Hmm, h-hi..." naiilang na bati ko at bahagya pang-kumaway. "A-ako nga pala si Joy Di Magiba, 16 years old. Nakatira ako sa M's Village. Dati akong taga-Cristaline High School," bahagyang nakangiting pakilala ko. May ilan sa kanilang gulat na nakatingin sa akin.
"Taga-Cristaline ka?!"
"Ay bingi nito! Kakasabi lang eh, tinanong pa daw."
Bahagya akong napatawa sa lalaking nagtanong at sa katabi nitong babae. Ang cute nilang tiganan pag nag-aaway.
"Oo eh, hehehe," kamot-ulong sagot ko.
"Bakit ka naman napalipat dito? 'Di ba mas maganda don keysa dito?"
"Ahmm, personal matters eh," nakayukong sagot ko.
"Oh, tama na ang tanong mga bata. Joy, upo ka na sa may bakanteng upuan," tinanguan ko na lang si Ma'am at nilibot ang paningin kung saan may bakanteng upuan.
Ramdam ko ang habol tingin nila sa akin papunta sa pinakalikod na upuan.
Buti na lang at hindi na sila nangulit tungkol sa paglipat ko dito, hayss...
"Paupo, ha?" tanong ko sa lalaking nakatingin sa unahan. Bahagya naman itong tumango kaya umupo na agad ako.
Tinignan ko siya habang kumukuha ng notebook sa bag. Makapal na kilay, hazel brown eyes, perfect jawline, at pinkish to red lips. Gwapo ah!
"Makinig ka," nagulat ako ng lingunin niya ako at humarap ulit sa blackboard.
"Hehehe," nai-usal ko na lang bago binaling ang tingin sa bag ko. Nakakahiya, takte 'yan!
Hindi naman nagtagal ay nagsimula na ang klase namin. Napag-alaman ko ring si Mrs. Atiena Atienza ang adviser namin.
Natapos ang dalawang klase namin at recess na pagkatapos ng recess ay dalawang subject pa bago ang klase na pang-hapon.
Tinatabi ko na ang gamit ko ng may tumabi sa aking babae. May katangkaran siya mga 5"1 siguro height niya, medyo chubby na may bangs at straight-curly hair. Ang cute niya. kyaaahhh!
"Hi! Ako nga pala si Icerian Aguilar, Rian na lang o kaya Ice. HAHAHA!"
"Joy," tipid na sagot ko. Nagtaka ako ng sumimangot 'to.
"Ang tipid mo naman! Huwag kang mahiya maki-chicka, nakuuuu ayon ng paborito ko sa lahat!" bahagya akong napatawa dahil a inasal niya.
"Ang cute mo naman!" naggigigil na sabi ko at pinisil ang pisngi niya.
"A-arawch!" angal nito at inalis ang kamay ko sa pagpisil. Napatawa naman ako ng ngumuso siya.
"Hmp! 'Di kita bati, ate Joy!" naka-cross arm na atungal nito at nilagpasan ako.
"Kuyaaaa, si Ate Joy oh! Niaaway po ako," sumbong nito sa lalaking katabi ko. Magkapatid siguro sila.
"Tsk, Rian dun ka na sa mga ate mo," mahinahong utos nito kay Rian. Mga ate? Ibig sabihin madami silang magkakapatid?
'Di po ako chismosa, may tainga lang.
"Kuya, 'di mo na po ako love?" bahagya akong napatawa sa pagpapaawa ni Rian. Ang cute niya talaga, HAHAHA!
Siya 'yung papaiyak na pero sarap pa ring tawanan kasi ang cute niya. Grr, kagigil!
"Love kita, okay? Kaya doon ka na sa mga ate mo," parang napipilitang sabi nito kay Rian. Tumayo naman si Rian at ngumiti ng malapad.
"Yehey! Bati na tayo, ikaw rin ate Joy bati ko na!" magiliw na anunsyo nito at inangkla ang kamay niya sa akin.
"Cute mo talaga."
"'Di po ako cute," nakangusong sabi nito.
Ay pa-humble ang ate niyo, HAHAHA!
"Pinakacute lang po ako, HAHAHA!"
"Ay wow! Sige sayo na ang korona!" nagsitawanan na lang kaming dalawa habang papalabas ng room ng tumigil ako.
"Hindi ba natin siya aayain?" patungkol ko sa katabi ko kanina.
"Hindi 'yan nagre-recess, ate. Mas gusto niyang umupo na lang." nakamangot na sagot niya habang nakatingin doon sa lalaki.
"Ano ba pangalan niya?"
"Sky... Sky Nada."
Sky Nada? Hmm...
•SKY's BLUE: THE IMPOSSIBLE JOY•
YOU ARE READING
Sky's Blue
Short Story•S K Y ' S B L U E --- S H O R T S T O R Y• Looking at the sky, With an empty smile, Reminiscing you and I, Forcing a smile, While watching you walking in the aisle, Saying, "Yes!" with a teary eyes... ...