"ATE JOY, bakit ka po lumipat?" tanong ni Rian habang nakatingin sa akin. Magaan ang pakiramdam ko sa kaniya pero 'di ko alam kung kaya ko na bang sabihin.
"Hayss..." huminga ako ng malalim at seryoso siyang tinignan, lalo namang kumunot ang noo niya. "Gusto mo ba talagang malaman?"
"Opo sana, hihihi."
"Ang totoo kasi n'an..."
"Ano?"
"Ang ganda ko daw!"
"Eh?"
"HAHAHAHA!" tumawa naman ako ng malakas ng makitang kunot na kunot ang noo niya. "Bakit?"
"Hindi ka naman po maganda eh!"
"Ouch ang sakit naman no'n grabe ka!" nakangusong hinampas ko ang balikat niya. Para kasing ewan eh! Ayaw na lang makisama, hmp!
"Aray naman, Ate Joy! Hindi ka na mabiro eh!"
"Ang pangit mo kasing magbiro!"
"Hi!"
Napalingon kami sa grupo ng mga babae na bumati sa amin. Mukha naman silang mabait.
"Hi mga ateng!"
Napatingin ako kay Rian na nakipagbesohan sa kanila. So mababait nga sila?
"Ate Joy, sila pala ang mga ate ko."
Nginitian ko sila at nagpakilala rin, ganon rin naman sila sa akin.
Si SM Raga, chinita girl at hindi siya katangkaran mga wala pang 5" ang height niya. May suot siyang pink rimmed eyeglasses na mukhang pang anti-radiation.
Si Nick Villaroel, maputi siya na may mahabang itim na buhok. May bilugang itim na mata siya... maganda in short.
Si Nickie Alva, pwede na silang kambal ni Nick dahil halos parehas sila ng features maliban na lang sa may redish na brown hair nito at dark brown na mata.
At si Kyzie Vera, mas maliit siya kay SM at morena. May bilugang mga mata at may straight na buhok na lagpas balikat lang, may bangs rin siya. Ang cute n'yaaaaaa!
Akala ko talaga mga kapatid sila ni Rian, 'yun pala "Ate" at "Kuya" pala ang tawag niya sa lahat at ang tawag naman niya sa mga lower grade level ay "Bata".
Ibig sabihin hindi niya kapatid si Sky?
"Teka, bakit ko ba siya iniisip?"
"Hey? Napapaano ka?"
"Ha?" gulat akong napatingin kay Nick na nasa harapan ko. Sunod kong tinignan ang iba na nagtataka rin. "B-bakit?"
"Bigla ka kasing nagsasalita eh," singit ni SM bago humigop sa choco shake niya.
"Gano'n talaga magaganda, bigla-biglang nagsasalita." kamot batok na sagot ko.
Sige na, makisama na lang kayo.
"Magandang baliw 'ka mo, HAHAHAHA!"
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA~!"
At tumawa na sila na parang bukas.
"Atleast maganda pa rin," irap kong bulong na may kasama pang flip hair.
"Huwag niyo na ngang pagtawanan 'yang si Joy, baka mabadtrip pa sa atin eh HAHAHAHA!"
"Ikaw na nga nagsabing h'wag akong pagtawanan tapos, ngayon pinagtatawanan mo ako, Rian?" maktol ko at nag-cross arm pa. Pabebe mode muna tayo HAHAHAHA!
YOU ARE READING
Sky's Blue
Short Story•S K Y ' S B L U E --- S H O R T S T O R Y• Looking at the sky, With an empty smile, Reminiscing you and I, Forcing a smile, While watching you walking in the aisle, Saying, "Yes!" with a teary eyes... ...